bc

Love Spell

book_age16+
406
FOLLOW
1.8K
READ
independent
comedy
twisted
sweet
bxg
icy
office/work place
childhood crush
engineer
teacher
like
intro-logo
Blurb

Hindi maipaliwanag ang labis na pagkagusto ni Jeanna kay Jerico kung kaya ay pinatulan na rin niya ang alok ng bestfriend niyang si Twinkle na subukan ang magical love spell na minana pa raw niya sa kaniyang lola upang mapansin ng binata.

Magic effective kaya ang plano nila? O iba ang kahihinatnan nito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1-LOVE SPELL JEANNA "Bes! Ganito pala kabongga ang Maynila, ano? Napakalayo sa tahimik na buhay sa probinsya. Saka napakaraming papables." Manghang sabi ni Twinkle sa akin. Kahit kailan talaga mga gwapong nilalang ang unang hinahanap ng mata niya kahit saan kami mapadpad. Ito ang unang pagkakataon na mamumuhay kami sa labas ng aming probinsya. Pareho kaming hindi pinalad sa unang take namin ng Licensure Exam for Teachers kahit pa hindi muna kami nagtrabaho at nag-focus sa pagre-review. Sobra ang hiya ko sa mga magulang ko dahil naka-ready na rin ang mga manok na kakatayin para sana sa celebration kung sakaling pinalad ako. At lalo pang nadagdagan ang hiya ko dahil sa mga chismosa naming mga kapit-bahay na hindi makaget-over sa resulta ng board exam. Ayaw ko man sanang patulan ay aminado akong masakit ang maikumpara sa mga kakilala nilang pinalad agad sa unang take pa lamang. Minsan ay hindi ko rin maiwasan na maawa sa sarili ko dahil mas nauna pang pinalad 'yong mga kakilala kong chill lang ang pamumuhay noong estudyante pa at umaasa lang sa pangongopya. Nagdesisyon akong magtrabaho muna sa malayo para magkaroon ng bagong direksyon sa buhay at mapaghandaan ang susunod na exam. Nagdiretso kami sa boarding house na tutuluyan namin at malungkot na nilapag ang mga gamit. Ngayon pa lang ay nami-miss ko na sina mama at papa. Ang hirap pala kapag unti-unti ka ng tumatanda. Kailangan mo ng matutunan ang tumayo sa sarili mong mga paa at hanapin ang sariling kapalaran na kung minsan ay kapalit naman ang paglayo sa pamilyang kinasanayan mong kasama araw-araw. "Ang lalim ng buntong-hininga, ah? Mas malalim pa sa balon nina Aling Tinay na nawalan na ng tubig." Puna sa akin ni Twinkle. "Hindi ka man lang ba nalulungkot na malayo tayo sa pamilya natin?" Malungkot na tanong ko sa kaniya. Parang ang saya-saya pa kasi niya na malayo kami sa pami-pamilya namin. "Ang drama mo. Kaya nga nauso ang internet connection at cellphone, 'di ba? Puwede naman natin silang tawagan araw'-araw. Isipin mo na lang nandito tayo para sa kanila rin. Anong gusto mo? Doon lang tayo sa probinsya at magtitiyagang marinig ang mga kuda ng mga Harvard graduates nating mga kapit-bahay na akala mo, eh, napakadali lang ng board exam? Malakas ang loob ko dahil kasama kita. Kahit papano ay may kasama akong kilala ko." Na-touch naman ako sa sinabi ng best friend ko. Sabagay para na kaming magkapatid dahil simula pa lang noong elementary kami ay magkaklase na at magkapit-bahay pa. "Sabagay, may point ka naman diyan. Naninibago lang kasi ako." "Isipin mo na lang bagong experience ito. Baka nandito na rin ang destiny natin." Kinikilig pa nitong sabi. "Naisingit mo pa 'yang lovelife, ano?" "Of course! Sa panahon ngayon kung gusto mong magka-love life kailangan ay marunong kang humarot. Hindi na uso ang Maria Clara dahil wala namang Crisostomo Ibarra na darating kahit tumunganga ka pa sa tabi ng bintana." Natawa ako sa sinabi niya. Napaka-active talaga ng utak niya sa mga ganitong usapan. "Ikaw lang ang probinsyanang ganyan, bes. Saan mo naman natutunan 'yan?" "Based on experience. Sa buong college life natin ay nagpaka-demure ako. Dalagang Pilipina, bes. Tingnan mo kung anong napala ko? Wala, 'di ba? Sa kahihintay ko ng right person na mabubunggo ko sa campus tapos malalaglag ang mga hawak kong libro at makakatitigan ko ay naging kandidata ako sa mga tatandang dalaga. Twenty three na tayo bes. Kaunting kembot na lang wala na sa kalendaryo ang edad natin at mag-e-expire na rin ang matres natin." "Ang OA mo! Marami namang nasa thirties or forties bago lumagay sa tahimik. Ewan ko lang kung tahimik nga ba. Saka hindi naman dapat lovelife ang priority natin kundi 'yong mga goals natin sa buhay." "Goal ko rin naman ang magka-lovelife, ah? Dapat multi-tasking tayo. Habang kumakayod, humaharot din." Napapailing na lang ako sa pananaw niya. Kilala ko naman siya. Kahit medyo nakakahiya ang mga banat niya tungkol sa love life ay disenteng babae naman siya. "Ewan ko sa'yo. Ang dami mong alam." "Sus! Kunwari ka pa. As if namang hindi ka nagbabakasakaling magkrus ulit ang landas niyo ni Mr. Cold Brilliant." "Bakit naman nadamay siya sa usapan?" "Siya lang naman ang alam kong love life mo. Ewan ko ba naman sa'yo kung bakit nagtitiyaga ka sa lalaking hindi natin alam kung nasa Earth pa ba o wala na. Masyadong pa-mysterious." "Hoy! Grabe ka naman. Baka nandito na rin 'yon sa Maynila at nagta-trabaho. Sa talino ba naman no'n kahit saan mag-apply 'yon paniguradong tanggap agad siya." "Ewan ko ba naman kasi sa lalaking 'yon, daig pa ang taong bundok. Wala man lang atang social media account. Hinahanap ko pa naman ang pangalan niya para i-stalk sana para naman may idea ka kung nasaan na ang long lost love mo." "Hayaan mo na nga 'yon. Baka may girlfriend na rin siya." "Pero deep inside umaasa ka pa rin na magkikita kayo. Sabagay sino ba namang hindi mahuhulog sa isang famous guy sa university na kinahuhumalingan ng maraming babae na parang mga asong-ulol at binigyan ka ng chocolates bilang regalo sa araw ng graduation niyo. Dami ngang nainggit sa'yo no'n girl. Biglang humaba ang buhok mo na mas mahaba pa sa railway ng LRT." Nanariwa sa aking alala ang eksenang iyon sa araw ng graduation namin. Wala naman talaga akong gusto sa kaniya kahit alam ko namang famous siya sa school. Madalas ko rin siyang masalubong noon sa hallway ng Department namin at hindi ko alam kung anong ginagawa niya doon. Hanggang sa dumating ang araw ng graduation namin at sa harapan mismo ng mga magulang ko ay iniabot niya sa akin ang isang regalo at hiniling na makapagpa-picture kaming dalawa. Ramdam ko ang matatalim na tinging ipinukol sa akin ng mga babaeng may gusto sa kaniya. Halos hindi ako makagalaw no'n dahil sa pagkabigla at pressure na nararamdaman ko. Iyon na ang una at huling pagkakataon na nakadaupang-palad ko siya. Pagkatapos ng eksenang iyon ay para akong nagkaroon ng instant feelings para sa kaniya. Hindi na siya naalis pa sa isip ko kahit pa wala na akong masagap na balita tungkol sa kaniya pagkatapos lumabas ng resulta ng board exam nila. As expected, pasado siya at nasa top 10 pa. Marahil ay natanggap na iyon sa isang magandang kompanya at napapaligiran ng mga successful na babae. Kapag naiisip ko iyon ay may kung anong kumikirot sa kaibuturan ng puso ko. Ano ba namang magagawa ko. Alangan namang unahin ko pa ang paghanap sa kaniya kaysa sa mga goals ko sa buhay. Naniniwala rin ako na kung kami ang meant to be kahit wala akong gawin ay tadhana mismo ang maglalapit sa amin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

A night with Mr. CEO

read
177.7K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.8K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.5K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook