"I dare to try and fail, than to sit in comfort with no progress.
Competing with others don't excite me anymore. I am completely happy doing my own thing and keep pushing to be a better version of myself."
-CNLove
Nagbalik mula sa America si Mikael De Luna.
Lingid sa kaalaman niya na sa loob na apat na taong pamamalagi niya sa ibang bansa ay may naiwan siyang kambal na responsibilidad sa babaeng pinakamamahal niya ng lubos. Itinago nito sa kanya ang tungkol sa kanilang anak dahil sa masakit na pagtatapos ng kanilang relasyon. Paano kaya niya babawiin ang tiwala ni Aurora at paano rin niya gagampanan ang pagiging ama niya sa kambal lalo na at iba ang kinikilala nilang ama sa loob ng apat na taon.
Isang mapagmahal anak at nag-iisang si Lianna na walang ibang hinangad kundi ang mapabuti ang kalagayan ng kaniyang mga magulang. Nang minsang malulong sa casino ang kaniyang ama at nabaon sa utang ay walang alinlangan nitong ginawa ang lahat upang matulungan ang ama na makabangon muli kahit ang kapalit nito ay ang kaniyang dangal na pinakaiingatan.
Isang aksidente ang kumitil sa buhay ni Lincy at natuklasan nitong ang asawa niya at matalik niyang kaibigan na itinuring niyang kadugo ang nagplano ng maaga niyang kamatayan.
Upang makamit ang hustisya at maingatan ang mga magulang sa tiyak na kapahamakan ay nakiusap ito sa isang babae upang ipahiram sa kaniya ang katawang-lupa nito upang maisagawa niya ang kaniyang plano.
Hindi maipaliwanag ang labis na pagkagusto ni Jeanna kay Jerico kung kaya ay pinatulan na rin niya ang alok ng bestfriend niyang si Twinkle na subukan ang magical love spell na minana pa raw niya sa kaniyang lola upang mapansin ng binata.
Magic effective kaya ang plano nila? O iba ang kahihinatnan nito?
Bawat segundo ay mahalaga kay Daniel para sa mga kagaya niyang maraming pangarap sa buhay. Nakatuon lang ang panahon niya sa pagtatrabaho at pag-iipon para maging karapat-dapat sa kanyang babaeng kanyang makakatuluyan. Bahay at opisina lang ang routine niya, kahit siya ay nasa tamang edad na dapat nagliliwaliw din kung minsan ay mas pinipili na lang manatili sa bahay para makatipid. Dahil sa angking kakisigan at itsura, maliligalig ang mundo niya nang magsimula siyang matipuhan ng magiging anghel ng buhay niya. Si Hera Buenaventura.
Umiikot ang mundo ni Hera sa bar hopping at papalit-palit ng lalaki depende sa matipuhan niya. Hindi siya naniniwala sa true love dahil para sa kanya pare-pareho lang ang mga lalaki, pag nakuha ang gusto iiwanan ka na.
Ngunit nang makilala niya si Daniel isang empleyado sa DC Fashion Industry ay nagbago ang pananaw niya sa pag-ibig. Naging desperada siya para mapansin ng masungit at pihikan na lalaki.
Simula pagkabata ay nabuhay si Chanelle Lianna Buenaventura sa hipit ng kanyang mga magulang. Nang magdesisyon siyang pakasalan ang isang kilalang casanova na pinsan ng lalaking minsang kinabaliwan niya ay lalong lumala ang asta ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang kinilalang ina na kalaunan ay nadiskubre niyang pumatay sa tunay niyang ina at nagpahirap sa kanila ng ate niya.
Paano kaya niya bibigyan ng hustisya ang nangyari sa kanila at paano nila ipaglalaban ang pag-iibigan nila ni Sky Del Castillo?
Namumuhay sa di matapos na trauma ng nakaraan ang nagmamay-ari ng De Luna Empire Corporation na si Marco De Luna. Ang kanyang kalagayan ay lingid sa kaalaman ng lahat para maingatan ang imahe ng kanyang kompanya. Sa loob ng 18 taong pagdurusa sa bangungot ng nakaraan ay lihim niyang minamahal ang kanyang kababata na walang maalala sa nangyari sa kanila noong sila ay mga bata pa.
Dahil sa hindi inaasahang pagkakadaupang-palad nila ni Trixie sa loob ng kanyang kompanya ay nabigyan siya ng pagkakataon para mapalapit sa dalaga at maipagtapat ang kanyang pag-ibig na matagal ng nakalihim.