Chapter 55

2707 Words

Chapter 55 JEANNA "NAY, AYAW NIYO PO BA talaga sumama? Inimbitahan pa naman tayo ng pamilya ni Tyler," pangugumbinsi ko kay Nanay. May family gathering na gaganapin sa bahay ng lolo ni Tyler at inimbitahan nila kami para makilala. Ngayong gabi ang alis at uuwi rin ng Linggo dahil may trabaho ako. Nag-aalangan ako sumama dahil inaalala ko si Nanay. Ayaw kasi niya sumama dahil nakakahiya raw. Inaalala ko ang magiging lagay niya dahil mag-isa lang siya rito sa aming bahay kahit pa ilang araw lang ako mawawala. "Ayos lang ako dito, anak. Kung ako ang inaalala mo kaya ka hindi ka makapagdesisyon kung sasama ka o hindi ay ako na ang nagsasabi sa'yo na ayos lang ako. Saka ikaw ang pinakamahalagang makilala nila bago maging opisyal ang relasyon ninyo ni Tyler. At isa pa, pagkakataon mo na rin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD