Chapter 47

1411 Words

Chapter 47 JEANNA ISANG LINGGO nang nananatili dito sa probinsya si Jerico at pinatutunayan ang intensyon niya sa akin. Nakakaramdam naman ako ng awa sa kaniya dahil hindi niya deserve ang ganito. Hindi ko gustong makita na nahihirapan siya kahit wala siyang siguradong mapapala sa akin. Nagkausap rin kami pagtapos nilang makapag-usap ni tatay at naging tapat ako sa saloobin ko sa kaniya. Inamin ko sa kaniya na wala akong maipapangako sa kaniya. Hindi siya nagpatinag at sisiguruhin raw niya na mapapatunayan niya ang malinis niyang intensyon sa akin. Tumutulong siya sa pag-iigib, pangangahoy, at paghahawan sa bundok kahit alam kong hindi siya sanay sa ganoong mga gawain lalo pa at lumaki ito sa mayamang pamilya. Kasalukuyan silang nagpapahinga ni Tatay matapos magsibak ng kahoy.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD