Chapter 32 JEANNA DALAWANG buwan na simula no'ng magkaayos kami ni Tricia at mas naging malapit pa kami sa isa't-isa. Noong una ay walang tiwala si Twinkle sa paghingin nito ng tawad pero kalaunan ay naging malapit rin sila. Mas malapit pa dahil talagang nagkakaintindihan sila sa maraming mga bagay. Dalawang buwan na rin simula nang maging ganap na engineer na si Tyler sa kompanya. Hindi na kami gaanong close gaya nang dati. Hanggang ngayon ay ang awkward pa rin sa pakiramdam kapag nagkakasama kami nang kaming dalawa lang. Hindi dahil galit ako sa kaniya kundi nahihiya ako para sa sarili ko. Pakiramdam ko ay napakarupok ko kaya nag-respond ako sa mga halik niya and worst! nasambit ko ang pangalan ni Jerico. "Excited na ako sa party, bes. Bagay ba sa akin itong suot ko?" tanong ni Twin

