Chapter 1: Gangster

1387 Words
Chapter 1 : Gangster Dear Crush, Bakit ang gwapo mo? Hindi ka naman nagparetoke diba? Kung maglakad ka parang isang model,kung ngumiti ka,parang nasa Langit na ako,kaylan mo kaya ako mapapansin? "Hoy,Rosé ,sasama kaba sa akin manuod ng basketball" Tanong ni Lisa sa akin,siya lang ang naging kaibigan ko dito sa school. Tumango lang ako sabay tago ng notebook ko sa bag,3 months na akong nandito sa school,transferee ako galing sa public school,dito kasi sa pinapasukan ko ay puro mayaman kaya mga spoiled brat ang nag aaral dito. Nung una ko pang makilala si Lisa,akala ko plastic lang siya sa akin,eh mayaman kasi siya,yun pala hindi kaya naging close na kami. By the way,ako nga pala si Lee chaeyoung or Rosé ,I'm 18,4th year high school,magkaklase kami ni Lisa kaya araw2x kaming magkasama,nasa class 4 A kami,may 6 na section kasi kami,yun ay.. Class 4 A Class 4 B Class 4 C Class 4 D Class 4 E Class 4 F Ang nasa A na section ay mga matatalino daw,at isa ako dun,scholar ako kaya hindi ako gumagastos ng malaki.Pero nagtitipid parin ako dahil gusto kong mag ipon para sa future ko hehe,ang baon ko for 1 week is, 500.. Actually, para sa akin malaki na yan,eh nung nasa public pa ako nag aaral,100 lang yung baon ko,diba ang yaman ko na haha,maliit lang na halaga yan sa mga rich kid,wala silang dalang cash kundi credit card,eh sa akin Sim card lang. Nagtungo na kami sa gym at wala kang ibang maririnig kundi mga sigaw ng mga babae,eh hindi kaba mapapasigaw kung ang naglalaro ay mga puro gwapo?at ang isa dun ay CRUSH mo.. There he is, Ang galing niyang magshoot,bawat galaw niya ay bumibilis ng t***k ng puso ko. Pawis na pawis sya my god!!bakit ang hot niya parin? Why? Why? DE LAY LA.. "Punasan mo nga ang laway mo,eww" rinig kong sigaw ni Lisa kaya agad akong napatigil at pinunasan ang laway na tumutulo na sa bibig ko.. Park chanyeol, why are u doing this to me?? ************* Dear Crush, Bakit ang perfect mo?alam mo bang puno ng picture mo ang cellphone ko eh gusto ko araw araw kitang titigan kahit sa picture lang ito,sapat na sa akin ang masilayan ka. Habang nasa klase ako ay biglang sumakit yung puson ko,kaya todo ipit sa tiyan ang ginagawa ko,ang sakit sobra kaya gusto kong umiyak,wrong timing naman nito, baka ngayong araw na ang dalaw ko. Wala akong dalang napkin.. Natapos na ang klase kaya agad akong tumakbo sa cr para tignan kung meron ba talaga ako. Oh my! Meron nga!!at may tagos ako,anung gagawin ko eh wala din akong dalang jacket para takpan ito.aishh jinja... Lumabas ako sa cr sabay nag ninja moves,mahirap na baka may makakita sa akin.. Nasaan na kaya si Lisa?I need her,where is she? Beep beep.. May nagtext at si Lisa. "Rosé , I'm really sorry,my emergency kasi sa bahay kaya hindi na ako nakapagpaalam sayo,i'm really sorry" Hayy,so ako nalang mag isa,sabagay sanay na akong mag isa,.. Charot lang.. Tingin sa right.. Tingin sa left.. Tingin sa likod kung may nakasunod.. Yes,walang nakasunod at busy sila kaya walang nakapansin sa akin. Kaylangan Kong makuha ang bag ko dahil uuwi ako sa amin,aabsent talaga ako kapag first ang dalaw ko or 2nd,gusto ko kasing humiga sa masarap kong kama. Nang wala ng tao sa classroom ay agad akong pumasok na parang si flash.. Kinuha ang bag at saka tumakbo palabas, pero may nabangga ako at BOOM,napaupo ako sa sahig. "Arayy,masakit na nga ang puson ko,ito pa ang inabot ko,hay ang malas ko naman" Naiiyak na talaga ako,eh ang sakit ng pagkabagsak ko,my poor pwet.. "Ayos ka lang ba miss?" Wow,I'm fine thank u.. Tsk,mukha ba akong OK,??halos umiyak na nga ako sa sakit.. Inangat ko ang ulo ko para makita ang walanghiyang taong nakabangga ko. "Miss,I'm really sorry, hindi kasi kita nakita" Malamang,bulag ka.. Tsk,kainis. Yumuko siya para tulungan ako,and my eyes widened Isa siya sa mga basketball player,grabe ang taas niya at ang GWAPO niya.. Pero chanyeol lang ang para sa akin.. "Miss? Sorry talaga,gusto mong ihat-" Pinutol ko sya gamit ng pagpalo ng braso niya,nabigla yata sya,aww so cute.. "Ok lang ako dude,sobrang OK " sabi ko sabay tumayo, at siya? Nakatulala.. Hindi yata sya nakamove on sa ginawa ko, As in "Hey dude, OK ka lang?" Tanong ko kaya agad syang tumayo at napakamot sa ulo,hala! Mukha syang bata.. Gwapo sya pero si chanyeol ang laman ng puso ko kaya hindi ako mauutal kahit sinung lalaki, except Kay chanyeol my love,mahihiya ako pagdating sa kanya,hindi ako makagalaw at natataranta ako kapag nakikita ko sya. " A-ayos lang ako" sagot niya at tumango lang ako sabay tumalikod sa kanya paalis. "W-wait lang" pahabol niya kaya napalingon ako sa kanya. Nabigla ako ng isinuot niya sa akin ang mabango niyang jacket Wait lng don't tell me,nakita NIYA. I gulp " May tagos ka kaya gamitin mo muna yan para walang makakita,and by the I'm sehun,and u are?" "Rose" Shit,nakakahiya.. _____ My god! Nakakahiya talaga!!wala na talaga akong mukhang ihaharap sa kanya.. Bahala na nga,hindi ako papasok bukas..opps,kaylangan kong matext si Lisa.. To: Lisa Good evening Lisa,ahm hindi nga pala ako papasok bukas kasi may dalaw ako,kaya sorry talaga. Message sent √ Anu kaya ang ginagawa ni chanyeol my love ngayon? Tapos na kaya syang kumain?may katext kaya sya?iniisip kaya niya ako? Malamang hindi.. Hindi nga niya ako kilala,iisipin pa ba..tsk!bakit ang unfair ng love? I can't stop thinking about him..parang gusto lagi siyang nasa paningin ko,gusto ko siyang yakapin at mahalikan man lang,kahit sa cheek lang.. Masaya ako kapag nakikita ko siyang masaya,parang siya ang energy ko araw araw,kapag hindi ko sya nakakita, nalulungkot ako,na parang mamamatay ang puso ko kapag hindi ko sya nakikita. Lintek na pag ibig.. Sana balang araw,mapansin niya ako,kahit hindi niya ako magustuhan basta mapansin lang niya ako. Knock knock.. " Anak? Gising ka pa ba?" " Opo ma" sagot ko Bumukas ang pinto at pumasok si mama. " Anak,pwede ka bang bumili ng beer at saka pulutan,kasi gustong uminum ng Tito at papa mo" " O sige po" sagot ko sabay kuha ng pera kay mama at saka lumabas,nag hi lang ako Kay Tito at tita at saka lumabas ng bahay. 8:05 pm na kaya tahimik na ang paligid pero merong mga lights din naman at hindi naman kalayuan ang convenient store. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa lamig,,nakalimutan kong magdala ng jacket,idagdag mo pang naka sleeveless ako at nakashort lang kaya ang ginaw2x tuloy.. Nakarating na ako sa convenient store. Beer at saka pulutan.. Tapos na akong magbayad.. " Thank u po " Lumabas na ako at napatingin sa relo ko. 8:30 na.. Medyo natagalan ako sa pagpila kasi maraming tao ang bumili.. Habang naglalakad ako ay may narinig akong boses ng lalaking nagmamakaawa.. Please maawa kayo sa akin,wag niyo akong patayin,may mga Anak pa akong pinakakain.. Hinay hinay akong naglakad para masilip kung anung nangyari,may isang lalaking nakaluhod at may mga lalaking nakatayo at pinalilibutan siya,marami sila,12345678 mga 8 at mukha silang mga gangster dahil sa suot nila,madilim kaya hindi ko makita ang mga itsura nila. Bang.. Napasigaw ako ng bigla nila itong barilin,as in sa ulo nila ito binaril.. Napalingon sila ng marinig nila ang Boses ko at dun ako kinabahan. Hindi na ako naghintay na maghanap nila dahil agad na akong tumakbo,hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako,halos hindi na ako makakita ng maayos dahil sa mga luha ko.. Nang makarating na ako sa bahay ay agad kong sinarado ang pinto,inilock ko talaga ito.. " Anak,ayos kalang ba? May humabol ba sayo?hay sana hindi nalang kita pinabili ng beer at pulutan" sabi ni mama kaya na bigla siya ng yakapin ko siya,nagtataka din sila papa at Tito at tita sa kinikilos ko.. " Anak,ok kalang ba? Namumutla ka at Pinagpapawisan " sabi ni papa " A..ayos lang ako pa- Bigla akong nahilo and that all went black.. DO NOT PLAGIARIZE IN ANY FORM. Do not save, copy, remake, make spin-off, or post this story on other websites. Stealing is bad.. Also, please do not translate without my permission. Let me know through DM so we can talk about it. THOSE WHO WILL BE CAUGHT PLAGIARIZING WILL BE POSTED. ON GOING STORY.. DEAR CRUSH Genre : Romance, Comedy, friendship Xiulanmin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD