Chapter 2 : Worst Day

2055 Words
Chapter 2 :Worst Day Dear Crush Alam mo bang napaginipan kita kagabi, hinalikan mo ako Kaya nahimatay ako sa kilig, pero pag gising ko, nahulog ako sa kama dahil hindi mo ako sinalo, ouch! Parang feelings ko lang. Napatingin ako sa relo ko, oh gosh! Malapit na akong malate. Agad akong naligo at nagbihis. Pagbaba ko, nakita ko si mama. Naghahanda siya ng almusal namin ni papa, maaga din si papa sa trabaho. Police nga Pala ang papa ko at si mama naman ay may maliit na business. Hindi kami Mayaman pero sapat na yon dahil masaya kami. Umupo ako sabay kuha ng rice at hotdog and itlog. Ngumiti si mama sa akin. Alam niyang paborito ko ang hotdog at itlog. Napatingin ako Kay papa, seryoso ang mukha niya habang kumakain. Anu kayang iniisip niya. "Nga Pala anak, nag aalala kami kahapon sayo, nahimatay ka bigla" Sabi ni mama Kaya naalala ko ang nangyari kagabi. Banggg. Yung lalakeng binaril.. Tumaas ang mga balahibo ko. Agad akong tumayo sabay kuha ng bag ko. Magsasalita pa Sana si mama pero agad na akong umalis at Lumabas sa gate. I saw it. I saw it with my two eyes. He was killed. Mga gangsters ba sila? Bakit Kaya nila pinatay yung lalaki. May atraso Kaya siya sa kanila? Ay Ewan. Sumakit tuloy ang ulo ko. Shit. I forgot. May dalaw nga Pala ako. Hindi dapat ako nandito sa school. Gusto Kong matulog sa maganda Kong kama huhu. Hayy. Anung magagawa ko, eh nandito na ako sa school. No Choice. Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko si Chanyeol my love. Naging puso na naman ang mga paligid ko. My heart stop for a while. Tumigil na naman ang Mundo ko nang Makita ko ang gwapo niyang mukha. Bakit ang perfect niya. Gusto ko siyang lapitan, pero ang layo niya sobra sa akin. Parang LANGIT SIYA at LUPA AKO. poor me. Lahat ng mga babae ay naglalaway sa kanya, at Isa na ako dun. Ang cool niyang tignan kapag Naka poker face siya. His aura can kill me anytime. He is my star, my moon, my sky, for short, HE IS MY EVERYTHING. "Ahemmm, ang aga2x, mukha kang Gaga" Nabigla ako ng makita ko si Lisa. As usual, ang ganda niya. Ako Kaya? Maganda Kaya ako sa paningin ni Chanyeol my love? "Hoy, tumagil ka nga, baka matunaw siya sa ginagawa mo" Napakamot ako sa ulo ko. "Hi, Lisa" ngumiti ako sa kanya. Alam kong iniisip niyang BALIW na ako. Eh masama bang ma inlove? "Nga Pala kahapon, sorry kung iniwan kita, may emergency sa bahay Kaya umuwi agad ako" "Don't worry, okay lang yun" Hindi okay dahil may nakakita sa akin. At ang malas dahil Isa sa mga basketball player pa. One of Chanyeol 's friends. Baka ipagkalat niya Yung nakita niya kahapon. Bakit siya pa? Kainis! Baka malaman ni Chanyeol yun, baka isipin niyang untidy Kong babae dahil wala akong dalang napkin. Supposed to be, kaylangan girls scout ako. Yung always alert. Baka maturn off si Chanyeol sa akin. Huhu. I forgot, matagal na pala siyang na turn off sa akin. I'm not his type for sure. Ang gusto niya ay, SEXY, RICH, SMART AND PRETTY GIRL. Eh, smart lang ang meron ako. I'm always top in our class. Pero sana TOP din ako sa puso niya. "Ayan ka na naman, tulala ka palagi" rinig kong sabi ni Lisa. I forgot she is here pala.. "Sorry hehe" Niyakap ko siya dahil baka magalit na naman siya sa akin. Mabuti nalang, hindi niya matiis ang kagandahan ko haha. "Okay, mabuti nalang love kita tsk!" "Ayy talaga, love din naman kita, pakiss nga muahhh" "Eww, BALIW ka talaga" Sabi niya sabay tumakbo. Tumawa lang ako kasi ang cute niya talaga. Ang daling inisin. Matagal na akong BALIW, baliw Kay Chanyeol lang. ¯___¯ Lunch time na. Nagwawala na ang mga bulati ko sa tiyan. Gutom na talaga ako. Pero hina hanap ko pa si Lisa dahil bigla siyang nawala sa paningin ko kanena. Saan Kaya siya pumunta. 12:15 na. Pumunta ako sa cr dahil baka nandun siya. Pero wala siya. Nilibot ko ang buong campus pero wala talaga siya. Kanena pa ako nagtetext sa kanya pero hindi siya nagrereply. Unlitext lang ako Kaya I can't call her hehe. Nahihilo na ako sa kakalakad. Idagdag mo pa ang tiyan kong kanena pa galit. Baka may emergency na naman siya. Nagtungo ako sa cafeteria. Juice lang binili ko dahil ang mahal ng mga pagkain nila. Di bale na, palagi naman akong may dalang baon. Masarap Kaya ang luto ni mama. Naka dalawang subo pa ako pero natigilan ako dahil biglang nagkakagulo ang mga babae. Baka si Chanyeol my love yan. Agad akong tumayo Para tignan kung sinu ang pinagkaguluhan nilang lahat. Puro tulak ang inabot ko dahil ang dami Nila. My poor body. Tinulak ko din sila. Gagawin ko ang lahat Para lang Makita siya. Pero sa huli, bigo ako. Hindi naman siya ang nakita ko. Tsk! Nawalan ako ng gana. Mga kaibigan niya lang pala. Bumalik ako sa lamesa ko. Naiirita ako sa mga boses Nila. Nasaan Kaya siya? Kumain na Kaya siya? Hinahanap Kaya niya ako? Ayy malamang hindi. He doesn't even know me. _____________--_--__--__ Uwian na pero hindi ko parin nakita si Lisa. She didn't even reply my text. Anu kayang nangyari sa kanya? Okay lang Kaya siya? I hope she's okay. Habang naglalakad ako palabas ng gate ay nakita ko yung lalaki kahapon. SEHUN. He is with his friends. I gulp. I forgot his jacket. s**t! Tatakbo Sana ako pero nakita ko si Chanyeol. Naglalakad siya kasama ang mga kaibigan niya. They are laughing. Ayy ang cute niya kapag nakangiti. Kunin mona ako Lord. I'm dying right now. He looks like an angel. Bakit ang Ganda ng ngipin niya? "Hmmm, excuse me?" Bakit ang tangkad niya? Idagdag mo pa ang perfect face niya. Ayieeeee! He is perfect in my eyes.. Kinikilig na naman ako. Nawala ang pagod ko ng dahil sa kanya. Parang kaka charge lang ng katawan ko. Full battery na ako. No one can replace him in my heart. For me, he is my prince. And I am his maid. Ako ang taga laba ng ABS niya, ay s**t! Kinikilig na naman ako. "Rosé? Are you okay?" "Of course my love I'm okay because you are-" My eyes widened.. "H-huh?" Shit!Hindi ko sila namalayan. Magkasama sila ni Chanyeol my love. "My love daw bro, ayieeehhh, hala! Nag blush si SEHUN ayieehhh" "Y-yah, tumigil nga kayo, nakakahiya" Parang tumaas lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko. Sasabog na yata ako. Nakakahiya. Nakita ni Chanyeol ang Gaga kong mukha. Tumulo Kaya ang laway ko. Kainis! Hindi ko na hinintay ang sasabihin Nila dahil agad na akong tumakbo palayo sa kanila. Pero I heard them bago pa ako tumalikod. "May gusto ka sa kanya nuh? Aww our SEHUN is in love woahhhh" No way! Nang nakalayo na ako sa kanila ay agad kong hinawakan ang dibdib ko. He saw me. No way! It's end of my world huhu. Baka isipan niyang may gusto ako Kay SEHUN na yun. No way! Bakit ba kasi ang Gaga ko. What should I do now? Wala na akong chance sa kanya. Bakit ko kasi tinawag na "My love" si SEHUN. Ayyy kainis! Ang malas ko talaga kahit kaylan. Anung ihaharap ko sa kanya bukas. Nakaka hiya!!!!!! "Miss, sasakay kaba o hindi?" Nasa bus stop Pala ako. Agad akong pumasok sa bus. Nag sorry ako sa driver kasi hinintay niya Pala ako sumakay. Pinagtitinginan tuloy ako. Nakayuko lang ako habang nag lakad papunta sa dulo. This is the worst day of my life. Nag beep ang cellphone ko. Si Lisa nagtext. Rosé, sorry talaga, may emergency na naman sa bahay Kaya nag half day lang ako ngayon. I'm really sorry. Emergency na naman. Anu kayang nangyari sa kanila. I hope she's okay now. I replied. No worries, Sana okay lang ang pamilya mo. Please be safe and take care of yourself. Mga ilang minuto ay may biglang pumutok. Napahinto ang bus Kaya nataranta ang mga pasahero. Napatingin ako sa labas ng bintana. Anu kayang nangyari? Tumayo ang driver at bumaba. Nasiraan Kaya kami. "Pasensya na, pumutok yung Isa sa mga gulong Kaya hindi ko na kayo mahahatid sa next bus stop" Sabi ni manong driver. Yung ibang pasahero ay na galit at Yung iba ay bumaba agad. Anung gagawin ko? Wala akong Pera Para mag taxi. Ang mahal Kaya ng taxi. I can't afford it. Bumaba ako at napatingin sa relo ko. Malapit na mag 6 Kaya medyo madilim na. Baka nag aalala na si mama at papa sa akin. Bakit ba ang malas ko ngayong araw na ito. Yung iba ay nakasakay na ng taxi, sanaol afford mag taxi. Giniginaw pa naman ako. Naglakad nalang ako. I have no choice. Walang dumaan na ibang bus. It's 6:20 pm na. Madilim na ang daan. Nasiraan kami malapit sa tulay. At malayo pa ako sa next bus stop. Ako lang ang naglalakad sa gilid ng kalsada. Kinakabahan ako dahil ang daming lalakeng nakamotor ang dumaan sa akin. Ang ingay nilang lahat. Nagmamadali akong nag lakad dahil nakita Kong napalingon sila sa akin. Sana nag taxi nalang ako kahit mahal kaysa marape ako dito. Lord help me. Binalikan nila ako kaya agad na akong tumakbo. I'm scared. Dahil nakamotor sila ay agad nila akong na habol. "Hey Miss, bakit ka tumatakbo?" Nanginginig na ako sa takot. Ang dami kaya nila. Lumapit sa akin yung lalaking mukhang model. Ang tangkad niya sobra Kaya nag mukha akong kamote sa harap niya. "W-wag niyo po akong s-saktan" He chuckled "Mukha ba akong killer Miss? Binalikan ka namin dahil mag Isa kalang naglalakad, madilim na kaya delikado Para sa isang magandang babae ang maglakad sa ganitong oras". Tinawag niya akong magandang babae. Sa bagay madilim na kaya mukha akong maganda sa dilim. Pero, can I trust him? Them? Baka esalvage lang nila ako sa tabi2x, mahirap na. Ang dami kaya Nila. Anung laban ko? Nahirapan nga akong pumatay ng ipis. Sila pa Kaya. Haha lol "So anu? Sasakay kaba?" tanong niya Kaya napatingin ako sa motor niya. Ang Ganda in fairness. "Miss, sumakay kana sa kanya dahil Gabi na, at saka, hindi ka namin sasaktan" "Ehh? H-hindi ko nga kayo kilala, bakit ako maniniwala sa inyo." "Okay, diyan kalang Para marape ka!" Hala ang Sama ng ugali. "S-sige na nga" "Haha ang galing mo talaga Kris" Tsk! Ayaw ko pang mamatay. Kaya no choice ako. Pag nagsinungaling sila. Kakagatin ko talaga itong lalakeng nasa harap ko. Infairness, ang bango niya. "Kumapit kanang mabuti" Bago pa ako Makapag Salita, bigla niyang pinaandar ito kaya muntikan ng ma iwan ang kaluluwa Kong panget. Kainis! ___________ Malapit na kami sa bahay Kaya nataranta ako dahil baka Makita ako ni papa. Baka anu pa ang isipin niya. "Dito na ang bahay ko Kaya Salamat sa inyong lahat " Napatingin siya sa bahay na nasa harap namin. Ang totoo ay bahay ng kapitbahay namin ito. Ayaw Kong malaman nila kung saan ako nakatira. " Salamat lang?" Sabi nung mukhang model guy. Sa kanya ako naka angkas kanena. Napataas yung kilay ko sa tanong niya. Anung gusto niyang gawin ko. Bigyan siya ng 1 million dahil hinatid nila ako. "Eh anung gusto mong Ibigay ko sa inyo? Pera? Sorry I'm not rich." matigas kong Sabi kaya nag smirk yung model guy. "No, we don't need money, Your Number is enough. Anyway, what is your name? I'm Kris." Number ko daw? Hahaha anu siya sinuswerte. "My number is 12345678910, I'm Rosé, bye" Aalis na sana ako pero hinawakan ni Kris yung wrist ko. "I'm serious" Tumaas bigla ang mga balahibo ko. I forgot, hindi ko sila kilala kaya baka mga gangster sila dahil mukha talaga silang mga gangster. Baka hanapin nila ako at patayin. No way! "*************,Y-yan ang number ko,S-Salamat nga Pala" Natakot ako bigla sa kanya. "Hoy Kris, tinakot mo yata si Miss Rosé, anyway I'm Lay, and they are, Luhan, Tao, Lucas, Taeyong, Jaehyun, at si Mark. Don't worry, hindi kami masasamang tao pero depende hehe" Nag ring bigla ang phone ko. "That's my number, save it" Hindi ko Alam kung may magbabasa ba nito hahaha. Kung meron man, thank you for reading this story. I hope you guys like it. Xiulanmin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD