Chapter 3: OMG!
Dear Crush
Kahit mukha silang gwapo, Para sa akin ikaw lang ang Pinaka gwapo. You're the perfect guy. My attention is always be yours.
Maaga ako nagising kaya ang aga kong pumasok sa school. Hindi kasi ako makatulog ng maayos. I'm scared. Baka balikan nila ako. Kainis, bakit ko pa binigay ang number ko.
Beep.
Nasaan ka?
From : Scary Guy
Shit! Bakit siya nagtext. At saka, Nasaan daw ako?? Malamang nasa school. Hala! Baka puntahan nila ako dito. Alam kong hindi kami pareho ng school dahil hindi ko pa sila nakita dito sa campus kaya impossible na dito sila nag aaral.
Hindi ako nag reply. Bahala siya. Hindi kami close.
Beep.
Hindi ka nagrereply ha!
I can imagine his face. I know his smirking right now. Hindi parin ako nag reply.
Pag hindi ka nag reply, Malalagot ka sa akin pag lumabas ka!
Hala!seryoso ba siya? Panu ako makakauwi mamaya. Lagot na ako. Ayy bahala siya. Manigas siya.
Lunch break
Absent si Lisa kaya ako nalang mag isang kumakain dito sa cafeteria. Hindi na nagtext si Kris. Baka napagod na. Di porket hinatid niya ako, eh friends na agad kami. Nakakatakot kaya siya. Baka bad guy siya. I need to forget that scary guy.
Nasaan kaya si Chanyeol my love? Kumain na Kaya siya? Sinu kaya ang iniisip niya ngayon? Busy Kaya siya?
Hindi nagreply si Lisa. I hope she's okay.
Pagkatapos kong kumain ay nagtungo muna ako sa cr para magbihis ng napkin. It's my third day kaya medyo maliit nalang. Nag ayos ako ng kunti dahil baka makita ko si Chanyeol my love.
Beep.
Mamaya.
From : Scary Guy
Anung mamaya? Don't tell me, seryoso siya. Baka Inaabangan niya ako mamayang uwian. Bakit ba ang malas ko. Hindi niya ako pwedeng makita. Anung gagawin ko? Kaylangan kong umuwi ng maaga. Tama, uuwi ako ng maaga.
A few moments later.
Bakit ngayon pa ang duty ko? Kainis! Ang hirap maging cleaners huhu. Tiyak nasa labas na si Scary guy, este si Kris. Alam kong alam niya kung saan ako nag aaral dahil sikat itong school namin huhu.
Natapos na ako kaya nagmamadali akong Lumabas sa room. 5:35 pm na. Baka mahuli na naman ako sa bus. Kunti nalang ang mga estudyante Kaya nag ninja moves ako palabas ng gate.
Tumingin ako sa paligid at saka tumakbo palabas pero may humila sa akin.
Wag naman sana.
"Saan ka pupunta?"
I gulp.
It's him.
"U-uuwi na"
Kainis! Bakit nandito pa siya? Anung kaylangan niya sa akin. Hindi naman ako kagandahan. At saka, I'm not rich. Nasaan Kaya si Chanyeol my love. Someone save me from this scary guy. Baka saktan niya ako. Ayaw ko pang mamatay. Gusto ko pang makasal Kay Chanyeol my love.
"Hindi ka nagrereply sa mga text ko?"
Someone's help me.
" Are you testing me?"
Testing daw? Huhuhu, gusto ko ng umuwi sa bahay. Bakit ko pa siya na kilala.
"Hindi mo ba ako sasagutin?"
Anung gagawin ko? He is really scary. I need to do something.
"Yah, hindi mo ba ako sasagutin?"
Hinarap ko siya.
"Paano kita sasagutin kung hindi ka naman nanliligaw sa akin."
He froze.
Wrong move.
Bakit ba ako nag joke. Nabigla yata siya sa sinabi ko. Akala ko tatawa siya, eh hindi Pala.
Natulala parin siya sa sinabi ko kaya sinipa ko siya sa binti at kinagat sa braso niya.
" Arayy"
Sigaw niya pero agad na akong tumakbo. People are watching me like crazy. Bahala sila. Ang importante ay nakatakas ako sa scary guy na yon. Buti nga sa kanya. Hinihingal ako pag dating sa bus stop. Sana may bus na dumaan.
May dumaan nga Kaya agad akong sumakay. Umupo ako sa dulo. As usual. Hinihingal pa ako at pinagpapawisan. Mukha tuloy akong empakta.
Mabuti nalang hindi niya ako nasundan.
________
Next Day!
Saturday ngayon kaya no school yeheyy. Sila mama at papa ay umalis para bumisita kina uncle. Bukas pa ang uwi nila kaya ako lang mag isa dito sa bahay. Naisipan kong maglinis ng bahay dahil wala naman akong gagawin.
Beep.
Rosé, nasa labas ako ng bahay mo.
What? Si Lisa nasa labas. Oh no! Mukha pa akong aswang. Kakatapos ko lang maglinis. Amoy sa kili2x. Hala! Amoy Adik.
Tumakbo ako sa kwarto at agad nagsuklay at naglagay ng perfume. Okay na Sana ito.
"Hi, Rosé, naabala ba kita?"
Sanaol blooming.
"Huh, hindi naman hehe, halika pasok sa maliit Kong mansyon."
Anu kayang pinunta niya dito.
''Nga pala, naparito ako para samahan mo akong mag shopping''
shopping? wala akong pera lol. Nakalimutan kong ibenta ang baboy namin hahaha joke!
''Don't worry, Ako ang bahala sayo''sabi niya kaya muntik na akong matumba. Did she said, siya ang bahala sa akin? nakakahiya naman.
''Eh, nakakahiya naman sayo Lisa''sabi ko sabay yuko.
''Anu kaba, birthday ni Kuya ngayon kaya kaylangan maganda ka''
Kuya?may kapatid siya?bakit hindi ko alam.
''Sorry, nakalimutan kong sabihin sayo''
Ngumiti nalang ako ng kunti sa kanya. May kapatid pala siya. Hindi ko pa talaga siya kilala. Hindi naman kasi siya nagkukwenta sa pamilya niya . Nahihiya din akong magtanong kasi palagi siyang seryoso.
''Okay lang yun, nga pala, magbibihis lang ako''
------------------------
''What?? ayokong suotin yan Lisa.''
Medyo maikli Kaya nakakahiya. Idagdag mo pa ang price huhu. Ang mahal naman nito.
''Hahahaha okay lang yan, bagay naman sayo kaya isukat muna. Tinulak niya ako sa fitting room. I have no choice.

( This photo is not mine)
Paglabas ko ay natulala si Lisa. Baka mukha akong ewan. nakakahiya naman kong ito ang isusuot ko. Hindi ako sanay sa ganitong dress. Tatalikod na sana ako pero nagsalita si Lisa.
''Wow, I knew it. This dress suit you so well. You look so beautiful.''
I blushed. Awkward kaya. My first time to wear this kind of dress. Baka makita ako ni Chanyeol my love at hindi niya magustuhan ang suot ko. I hope walang ibang makakita sa akin.
''Next, sa heels na naman tayo''
I hate wearing heels.
____________
'' Bagay sayo yan''
Muntik na akong matumba dahil sa sobrang taas ng heels. Maawa ka sa akin Lisa. My poor feet.

( This photo is not mine)
'' Kukunin natin yan. Next, sa mga bag na naman tayo''
Seriuosly? Bakit ang yaman ng babaeng ito.
_________
'' OMG, ang mahal ng bag na ito.''I can't believe it. So expensive. Parang mahal pa sa buhay ko. ahahah jk.
''It's nothing, are you hungry?''
It's nothing daw, nahiya tuloy ang wallet ko sa kanya.
''Hmmm medyo'' Ang totoo ay gusto ko ng kumain ng TAO. Kanena pa ako gutom pero hindi ko pinahalata sa kanya kasi nakakahiya na eh.
'' So let's eat''
__________________
Sa wakas, natapos narin kami. Ang sakit ng paa ko. Ang dami naming binili. Akala ko bibilhin niya ang buong mall hahaah. Binilhan niya ako ng mga damit at sapatos, heels. etc. Hindi ko alam kung makano ang ginastos niya lahat sa akin. Nagpaalam na siya at sabi niya, susunduin niya daw ako mamayang gabi. 7:00pm. Pagdating ko sa bahay ay agad akong napahiga sa kama. I'm so tired. It's 4:10pm pa naman. Inayos ko ang mga pinamili namin. May mga make up din kaming pinamili. Hindi ako mahilig sa make up pero marunong naman akong mag ayos kahit papanu.
'' Matutulog muna ako'' sabay pikit .
______________
Ring....
Anung ingay ba yan. Ang sarap ng tulog ko.
'' Si Lisa, anu kayang kaylangan ni-''
Shit! Nakatulog ako ng sobra.
'' Rosé, nasa labas na ako''
Patay!
''Tapos ka na bang mag ayos?''
Anung gagawin ko. Nakakahiya kay Lisa.
''Ehhh hmmm, Nakatulog ako kaya-''
''What? sige, tutulungan kita, kaya bilisan mo at buksan mo ang gate''
Ang gaga ko talaga.
A few minutes later.
'' Wow, ang ganda mo'' hala! maganda daw. Eh nahiya naman ako sa kanya.

( Not mine)
She's really pretty.
''So, let's go, baka hinihintay na tayo ni kuya"
I'm curious. Anu kayang itsura ng kuya niya. For sure, gwapo dahil ang Ganda Kaya ni Lisa. Pero bakit kinakabahan ako.
I hope this night will be okay.