⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️
DAHIL SA NAGAWANG krimen ni Yuri, nagsampa ng kaso ang pamilya ni Paul. Kaya hinatulan siya ng pagkakakulong ng sampong taon o higit pa. Umiiyak si Yuka habang nakakapit kay Yuri. Ayaw nitong makulong ang kapatid.
"Ate Yuri, bakit ka nila huli? Saan ka pupunta? Dadalhin ka ba nila ibang bansa? Hindi ba kita makikita?"
Mapait na napangiti si Yuri habang umiiyak na nakatingin kay Yuka. Saan noon pa niya naisip na ang swerte niya na may kapatid siya na kagaya ni Yuka. Never niyang naramdaman na may nag-alala sa kanya at tanong ng tanong kung saan siya pupunta. Noon pa man ay gusto niyang maka-close si Yuka, ngunit nauunahan ng inggit ang puso niya dahil sa atensyon at pagmamahal na natatanggap nito sa ibang tao---na never niyang naramdaman mula ng bata siya.
"Oo, pupunta ako sa ibang bansa ng matagal, pero magkikita pa rin naman tayo. Kaya gusto ko na 'wag kang magbabago hanggang makabalik ako. Ipapangako mo na maglalaro tayo ng manika pagbalik ko."
Natuwa naman si Yuka at napapatalon sa tuwa habang nakahawak sa braso niya.
"Yehey! Hintayin kita, Ate! Lalaro tayo nila Lily. Bibigyan kita ng isang doll ko, pero balik mo ulit sa akin, ha?"
Natawa siya at tumango na lang. Huli man na ma-realize niya ang lahat pero sisiguraduhin niyang sa pagbabalik niya ay hindi na siya magsisisi sa huli. Hindi man sila magkadugo, pero gusto niyang maging kapatid pa rin si Yuka.
-
"WILLIAM.."
NAPALINGON SI William at nakita si Charlie. Tumango siya at tumingin muli kay Yuka. Lumapit siya rito at inawat na sa pakikipag-usap kay Yuri, dahil kailangan na nitong sumama sa mga pulis.
"Ba-bye, Ate!"
Hahabol pa sana ito sa police mobile nang pigilan niya. Napatingin ito sa kanya na nagtataka habang magkadikit ang mga daliri nito sa tapat ng dibdib nito.
"Tara na, Yuka. Lalabas pa tayo sa t.v."
"Ayaw ko.. Takot ako. Kita ko labas din sadako t.v, e. Tapos pangit na siya paglabas."
Napahinga siya ng malalim at iba na naman ang nilalakbay ng isip nito. Tinignan niya si Charlie ng matalim kaya nagtaas ito ng kamay.
"Aba, malay ko ba na type niya pala mga horror. Grabe, akala ko matatakot, tuwang-tuwa pa. Natakot lang siya nung lumabas si Sadako sa t.v, ang pangit daw kasi." natatawang paliwanag ni Charlie.
Umiling si William at tumingin muli kay Yuka. Ngumiti siya at bigla itong pinangko na kinatili nito.
"Sasama ka sa akin at hindi ka pangit na lalabas sa t.v, dahil ang ganda mo."
"Cute daw ako sabi Daddy, hindi maganda." nakasimangot at nakakuno't noo nitong paliwanag tila galit. Namangha siya dahil ngayon niya lang nakita ang galit na expression nito sa mukha.
"Yes, you are cute, at the same time you are so beautiful."
"Ayaw ko na sa 'yo, gulo mo kausap. Baba na nga ako! Hmp!"
Tinutulak siya nito para ibaba niya pero hindi na niya pinansin at lumapit na siya sa limousine para doon sila sumakay.
"Baba sabi ako! Ayaw ko sama sa 'yo!"
Nagdadabog ito sa tabi niya kaya hinawakan niya ito sa kamay at hinalikan.
"Ayaw mo ba sumama sa work ni Kuya? Maganda doon at mag-eenjoy ka."
Napatigil ito at biglang nangislap ang mga mata nito ng may idea'ng pumasok sa isip nito na nagpasaya rito.
"Ako din work din? Tapos laro din tayo doon."
Umiling siya, "Hindi ka magwo-work. Ang gagawin mo lang ay sumama at kung gusto mo ay maglaro ka doon habang busy ako."
Sumimangot ito, "Gusto ko work! Gusto ko work!"
Humawak ito sa braso niya at hinatak-hatak. Napapangiti na lang siya dahil masaya siya at bumalik ito sa dati. Ayaw niyang makita ang halos wala nitong buhay na mukha. Hinawakan niya ito sa mukha at hinalikan sa labi. Natigilan ito at tila natulala.
"Do you want me to kiss you again?" nakangiting tanong ni William sa tulalang si Yuka.
"Letche naman! 'Wag nga kayong maglandian sa harap ko, pwede ba? Ka-imbyerna!" sita ni Charlie at nagpaypay tila nauubusan ng hangin sa inggit sa kalandian ng dalawa.
Natawa lang si William at lalo siyang natawa ng tumalikod sa kanya si Yuka at nahiga ito sa upuan para magpanggap na tulog. Napailing siya dahil may nakita siyang ugali ni Yuka na ngayon niya lang natuklasan. Marunong na itong kiligin kapag hahalikan niya. Tatahimik at magpapanggap na tulog para hindi niya muling halikan.
Mas lalo pa siyang na-excite sa susunod na araw na darating sa buhay nila. At ngayon alam na niya ang gusto niya sa buhay, hindi niya pakakawalan pa 'yon.
-
SA PRESS CONFERENCE na ginawa ng management ni William ay buong pasensya na naghihintay ang mga press media para hintayin si William. Ngayon lang kasi ito maglalabas ng statement ukol sa nangyaring kontrobersyal patungkol rito. Lahat ay sabik na sabik dahil malaking balita ang parating. Si William ang palaging hot topic at interesado ang lahat lalo na ang mga kababaihan rito. Kaya walang sino man sa press media ang palalagpasin ang pagkakataon na makunan ng panayam ito lalo't first time mula ng pumasok ito sa showbizness na magkaroon ito ng scandal at negative write-ups.
Agad na napatayo ang lahat at nagkikislapang camera ang tumama kay William ng pumasok siya sa pagdadausan ng press conference. Kalmado at walang takot na hinarap ang maraming camera na nakatutok sa kanya. Inayos niya ang suot na suit at tumingin sa media.
"Alam ko na matagal na niyo gustong makuha ang panig ko ukol sa kumakalat na video at ginawa ko sa relasyon namin ni Priyanka. Kaya ngayon ay narito ako para pagbigyan lahat ng tanong niyo. Mag-umpisa na tayo."
Naupo siya sa upuang nakalaan sa kanya habang katabi niyang naupo ang manager at ilang tauhan na kabilang sa management ni Charlie para tulungan siya oras na hindi siya makasagot.
"William, totoo ba 'yung video na kumakalat? At totoo bang ni-r**e mo ang babae sa video?"
Huminga ng malalim si William at hinawakan ang mic na nasa harap niya.
"Yes, it's true." pag-amin niya na kinaingay lalo ng press, "pero hindi totoong ni-r**e ko ang babae sa video."
"Sino ang babae? At paano mo ipapaliwanag ang binabato sa 'yo na hindi mo nga ni-r**e ang babae?"
"Dahil ang babae sa video ang babaeng mahal ko na noon ngunit hindi maaari dahil may kapansanan siya na hindi maaaring dumaan sa ganoong klase na pagmamahal. Mas matanda ako sa kanya kaya 'Kuya' ang tawag niya sa akin. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na tanging kapatid lamang ang maaari kong maramdaman sa kanya. Special siya kaya special ang trato ko sa kanya. Ako ang naging protektor niya sa lahat ng nananakit sa kanya. Buong buhay ko ay palaging sa kanya nakatuon ang atensyon ko, at masaya ako na ginagawa 'yon. Kaya nang dumating si Priyanka sa buhay ko ay sinubukan kong ituon sa kanya ang pagmamahal. Minahal ko si Priyanka. Naging maayos ang relasyon namin. Pero alam ko na nagagalit siya dahil mas binibigyan ko ng atensyon ang babae kesa sa kanya. Ginawa ko ang lahat para bigyan din siya ng atensyon, ngunit sa huli ay nag-aaway din kami dahil sa babae din na 'yon na mas nabibigyan ko ng atensyon. Hindi ko alam kung paano hihingi ng sorry kay Priyanka. Alam niya at alam ko na wala na kami. Siya mismo ang nagbigay ng dahilan para maghiwalay kami. Pinapipili niya kasi ako sa bagay na alam niyang hindi ko kayang gawin. Gusto mong layuan at 'wag nang mag-alala pa sa babaeng 'yon. Gusto mong sumama ako sa 'yo sa singapore para lalo tayong sumikat." sa tagaytay pa lang ay hiwalay na sila ni Priyanka. Kunwari lamang siyang walang problema noon, pero ang totoo ay guilty din siya dahil nasaktan niya ang babae sa pakikipaghiwalay niya. Hindi niya kasi nagustuhan na papiliin siya. Si Yuka ay parte nang buhay niya. Hindi kailanman niya maiiwasan o hahayaang hindi mag-alala. "Hindi kasikatan ang habang buhay na gusto ko, kundi ang mabuhay na sikat sa taong minamahal ko. Palagi akong nagpapasikat sa kanya dahil pakiramdam ko kapag gano'n ay magugustuhan niya ako lalo. Oo, kulang-kulang siya, pero alam ko na ang kagaya niya ay nakakaramdam din ng nararamdaman na normal na tao. Kaya hindi ako nagsasawang magpasikat at magpapansin sa kanya para ako lang din ang maging idolo niya."
Tahimik ang mga press at biglang namangha sa sinabi ni William. Hindi nila akalain na ang matinee idol ay matagal na palang nagtatago ng nararamdaman sa babaeng may salat sa pag-iisip. Namangha sila dahil sa pagiging totoo nito.
"William, maaari bang malaman kung 'yung ni-r**e mo ang babae? Dahil ba hindi niya maibalik ang pagmamahal mo kaya nagawa mo ang bagay na 'yon?" mula sa tahimik na press ay may natauhan at agad na nagtanong.
"Hindi ko siya ni-r**e. Sabihin na lang natin na ginawa ko 'yon para makawala siya sa trauma. Hindi ko maaaring sabihin ang dahilan ng trauma niya dahil masyadong sensitive at ayokong ilagay sa kahihiyan ang babaeng mahal ko. Gusto ko man kasuhan ang kumuha ng video ng walang paalam, pero hihilingin ko na lang na sa lahat ng may video namin ay nakikiusap ako na burahin ninyo. Ang babae na kasama ko sa video ay inosente at hindi kayang harapin ang binabatong pambabastos at hindi makataong sinasabi niyo. Please respect her. Special child siya at hindi niya kayo kayang labanan. Hindi man niya maiintindihan, pero 'yung mga taong nasa tabi niya ang nasasaktan."
"Pero William, hindi ka ba kakasuhan ng pamilya niya? Gaya ng sabi mo ay hindi siya normal. Dahil sa ginawa mong pakikipagtalik sa kanya, hindi ba nagalit ang magulang niya?"
Ngumiti si William na kinataka ng lahat. Dahil imbes na kabahan ito ay masayang mukha ang pinakita nito.
"Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong may karapatan akong makipagtalik sa kanya?"
Nagkatinginan ang mga press at naguluhan sa sinabi niya. Kaya lalong ngumiti si William.
"Dapat nga ako ang magalit kasi private place at private life na namin dalawa 'yon tapos may kumuha ng video. Actually, for me it's our first honeymoon."
Tila hindi pa naunawaan ng lahat ang sinabi niya pero nang mapasinghap ang lahat ay tila nahulaan na nila ang ibig sabihin ni William.
"Ibig sabihin ay asawa mo ang babae?"
Natawa si William sa reaksyon ng media, "Of course. Hindi ko naman gagawin 'yon kung walang basbas ng magulang niya. Oo, asawa ko siya pero hindi din niya alam. Kinasal kami nung magpunta kami ng japan. Sa akin siya pinagkakatiwala ng ama niya. Kaya ng sabihin ng ama nito na pakasalan ko ang asawa ko ay hindi ko mapigilang sumaya dahil kahit hindi siguro alukin ng ama nito na pakasalan ko ang asawa ko ay gagawin ko."
Kinilig naman ang mga tao sa sinabi niya at nainggit sa ma-swerteng babaeng tinutukoy nito.
"Kailan mo siya ipapakilala sa madla? Ngayon ay tiyak na maraming naantig sa statement mo at pag-amin sa babaeng minamahal mo. At pagtingin namin sa social media ay bura na ang video niyo at wala na ring hate post. Puro paghanga at kinikilig na ang mga tao sa inyo ng babae."
Napangiti naman siya at nakahinga ng maluwag ng malamang wala na ang video. Tumingin siya kay Charlie na tumingin din sa social media at kinumpirma na burado na lahat ng nag-share ng scandal nila ni Yuka.
Tumayo siya at inayos ang suit. Naglakad siya patungo sa likod kung saan niya pinaiwan si Yuka. Nakita niya itong nakatitig sa bulaklak na display habang nakalumbaba. Napangiti siya at nilapitan ito.
"Yuka.."
Napaayos ito ng upo at tumingin sa kanya. Sumimangot ito.
"Boring naman dito. Sabi mo maganda at maglalaro tayo? Hindi naman, e!"
Napapadyak pa ang paa nito habang nakanguso. Natawa naman siya at yumuko. Hinalikan niya ito sa labi kaya natulala ito at napatakip sa bibig nito.
"Bad ka! Kain mo lips ko!"
Ngumiti siya, "Bakit bawal ba? Hindi mo ba gusto?"
Umiling ito, "Ayaw ko. Hindi ko gusto kasi sumasakit dito ko." tinuro nito ang dibdib nito kaya umangat ang sulok ng labi niya.
"Hindi masama 'yan, Yuka. Ibig sabihin may nararamdaman ka rin sa akin."
Inalis nito ang kamay sa bibig, "Edi patay ako kapag walang nararamdaman. Ang gulo mo naman. Basta ayaw ko kain mo lips ko. Mamamatay ako."
Natawa siya at tinitigan ito, "O, sige, hindi muna kita hahalikan. Halika, sumama ka sa akin at ipapakilala kita."
Hinawakan niya ito sa kamay at hinila patayo. Nakangiti na pinagsiklop niya ang kamay nila. Hinihila naman nito ang kamay nito pero hindi niya hinayaang maalis sa kamay niya..
Nagtataka man ang media sa biglang pag-alis ni William ay naghintay sila dahil sinabi ni Charlie na maghintay dahil may ipapakilala si William.
Nang matanaw nang lahat si William habang may akay na magandang babae ay agad na nagkislapan ang camera para makakuha ng litrato. Agad na nakilala ng lahat ang babae. Dahil ito ang babaeng kasama ni William sa video.
"William, siya na ba ang nasa video?"
Namamangha ang lahat dahil walang make-up na nakapahid sa mukha ng babae. Makinis ang balat at maikli ang buhok na hanggang balikat. Maganda ang hugis ng mukha, may bilugang mga mata na itim na itim, ang ilong ay maliit ngunit may katangusan, at ang labi ay parang isang linya ngunit kung papahiran ng lipstick ay makikita ang magandang porma ng labi nito. Hanggang dibdib lamang ito ni William at sa unang tingin palang ay kagigiliwan na.
"Please stop asking that question. Hindi niya alam ang tungkol doon."
Tumango naman ang press at nagtanong kay Yuka.
"Ang cute mo naman. Anong name mo?"
Naging ilag naman si Yuka kaya napasubsob ito sa dibdib ni William para magtago. Natawa si William na hinawakan si Yuka.
"Cute ka daw. Bakit nahihiya ka ngayon?"
"Takot ako. Daming tao."
"Ayaw mo bang magpakilala sa kanila at sabihing asawa mo ako?"
Tumingin sa kanya si Yuka na nalilito sa sinabi niya.
"Asawa kita? 'D-di ba ang asawa ay katulad ni Daddy at Mommy Risa?"
Tumango si William na kinapula ng mukha ni Yuka.
"Asawa kita? Hindi kita kuya?"
"Mula ngayon ay hindi mo na ako Kuya. Dahil ako na ang lalakeng makakasama mo habang buhay. Asawa mo na ako."
Nakita niyang napaisip ito kaya ngumiti siya at hinalikan ito sa labi na kinatili ng nakakita. Nagulat si Yuka at agad na napasubsob sa dibdib niya.
"Bakit mo kain ulit lips ko? Bad ka! Bad!" pinalo siya nito sa dibdib kaya natatawa na hinawakan niya ito sa baywang at tumingin sa media.
"Pasensya na ngunit nahihiya siyang magpakilala. Kung mararapatin niyo, kailangan na naming umalis."
"William, nakakakilig naman kayo. May pagkakataon ba na ma-interview namin siya?"
Umiling si William, "Hindi na siguro sakop ng trabahong tinatahak ko ang private life niya. Sana ay maunawaan niyo na gusto kong tahimik lang ang buhay niya. Hindi ko naman kayo bibiguin oras na gusto niyo magpa-interview, pero sana ay 'wag na siya."
"William, hindi ka ba nahihirapan dahil asawa mo siya?"
Ngumiti si William sa tanong ng isang media journalist na malapit sa kanila.
"Hindi. Dahil si Yuka ang pinakamasarap alagaan. At mukhang mas mahihirapan pa nga siya sa akin." natatawa niyang sabi.
"William, until when?"
Napatingin naman siya sa nagtanong na foreigner at sandali na natigilan. Tumingin siya kay Yuka na nakasubsob pa rin sa dibdib niya at ayaw humarap sa camera.
"Until I die." sagot niya sa katanungan na hanggang kailan niya iibigin, poproteksyonan, at aalagaan si Yuka.
Wakas....
Copyrights August 4, 2019 © MinieMendz