Forthteen

4414 Words
⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️ "'WILLIAM DELA TORRE---isang cheater?'---'Yon ang paratang ng mga fans na ngayon ay galit na galit sa matinee hunk idol na noon ay puro papuri ang natatanggap sa pagiging maginoo at tapat na nobyo ng isang Priyanka Swich, ngunit ngayon ay dahil sa eskandalong kinasasangkutan nito, nakakatanggap nang maraming 'hate' message ang management nito, mismong si William, at maging ang babaeng kasama nito sa video." Pinatay ni Don Eduardo ang news na napanood niya sa kanyang sasakyan. Mula ng mabalitaan niya kay Pen ang nangyari ay kahit hindi pa kaya ng kanyang katawan niya ay napagdesisyunan niyang umuwi para sa anak niyang si Yuka. At ang kalunos-lunos na natanggap niyang balita ukol rito ang siya pang nagbigay sa kanya ng dahilan para umuwi. Halos manginig siya sa galit dahil hindi niya akalain na ang anak pa niyang si Yuka ang ginawan ng masama. Halos atakihin siya sa puso pero tiniis niya. Kailangan siya ngayon ng anak niya. Hindi siya maaaring bumigay. "Sir Eduardo, narito na ho tayo." Tumingin si Eduardo sa labas ng bintana ng sasakyan. At nakita niya ang prisinto kung saan nakakulong si William. Maraming paparazzi ang naroon at nag-aabang ng scoop sa isang William Dela Torre. "Bumaba ka at sabihin mo ang mensahe ko sa hepe ng mga pulis." utos niya sa driver niya. "Masusunod, Sir." Mahigpit siyang nakahawak sa bastos niyang hawak. Napakahigpit na para bang doon niyang binubuhos ang galit niya. Matagal na naghintay siya sa sasakyan hanggang matanaw na niya muli ang driver niya. Sumakay ito at tumingin sa kanya mula sa rear mirror. "Ayos na ho." Tumango siya, "Kung gayon ay umuwi na tayo. Gusto ko nang makita ang Yuka ko." Ngumiti ito at tumango at sinunod ang utos niya. Napatingin siya sa manikang nakaupo sa tabi niya. Hinawakan niya ito at hinaplos. Nag-iisang natatanging desenyo ang manika na 'yon at ibibigay niya 'yon kay Yuka. Dahil kay Yuka kaya lalong umunlad ang buhay nila. Naalala pa niya noon nung bata pa ito. "Daddy, nika, bili mo ko nika." halos hindi pa nito mabigkas ang manika habang hatak-hatak siya nito doon sa naka-display na manika sa isang store. Ngunit hindi niya mapagbigyan ito dahil walang-wala sila. "Sa susunod, Yuka. Walang pera si Daddy." May nauna siyang pamilya ngunit nang maghirap siya ay iniwan siya ni Risa kasama ang dalawa na si Yuri at Yvo. Hanggang magtagpo muli ang landas nila ni Moira---ang babaeng tunay niyang minahal. Kahit walang-wala siya ay tinanggap siya nito. At muli silang nagsama at nagbunga ang pagmamahalan at pagsasama nila. Gumawa siya ng paraan para mairaos si Moira dahil buntis ito. Minsan ay naiiwan niya ito sa bahay dahil ayaw niyang mahirapan ito at mapano. Hanggang sa maabutan niya na wala itong malay. Halos madurog ang puso niya dahil ang dahilan pala ng pagkahimatay nito ay gutom. Hindi pa kasi siya nakakauwi dahil naghahagilap pa siya ng pera na pambili ng makakain nila. Kaya ang nahagilap niyang pera ay pinangbayad sa manggagamot at pagkain nito. Ayaw niyang sumuko dahil kailangan siya ng mag-ina niya. Ayaw man sabihin sa kanya ni Moira pero alam niyang nahihirapan na ito. "Moira, patawad kung hindi ko maibigay sa 'yo ang magandang buhay. Kinakaya ko naman pero kung ikaw ang nakikita kong nagkakaganyan dahil sumama ka sa akin ay parang hindi ko kakayanin." Kahit maputla ay nagawa nitong ngumiti at hinawakan siya sa mukha. "Hindi ako nagsisisi na inibig kitang muli at sumama ako sa 'yo, Eduardo. Mahal kita.. At kahit ano ka pa o katayuan mo ay mamahalin pa rin kita. Kung mawawala ako sa mundong ito ay masaya ako dahil ikaw ang nakasama ko. Sana ay 'wag mong pababayaan si Yuka." "Ano bang sinasabi mo? Hindi ka mawawala. Hindi mo ako iiwan." Ngumiti ito pero agad na nabahala siya ng dumaing ito at mapahawak sa tiyan. Nalaman niyang manganganak na ito kaya agad na nagpatawag siya ng kamadrona. Wala silang pera kaya sa midwife sa kanilang bayan lang niya naipagkatiwala ang buhay ng mag-ina niya. Nailabas ang anak nilang si Yuka, ngunit halos madurog at mawalan siya ng kulay ng hindi makayanan ni Moira ang panganganak. Halos pagsukluban siya ng langit at lupa. Lalo pa't naiwan lamang sa kanya si Yuka. Pero pinangako niya mula noon na sisikapin niyang buhayin si Yuka. Naghanap siya ng trabaho kahit ilang buwan pa lang noon ni Yuka. Dinadala niya ito kahit sa pagtatrabaho. Hanggang sa lumaki na ito at mag-anim na taon. "Gawa niyo na lang po ko nika." Hinatak siya nito at nakauwi sila sa kanilang munting bahay sa ilalim ng tulay. May nilabas itong mga punit-punit na tela at bulak na galing pa sa pampers na gamit na ngunit tila nalinis na. "Marumi 'yan, Anak. Hindi ka dapat kumukuha ng ganito." Naupo siya at hinawakan ang binigay nito. Naupo ito sa tabi niya at gusto niyang mapangiti dahil napaka-cute nito habang nakatingin sa kanya ng inosente tila inaabangan ang paggawa niya sa manika nito. Kaya minabuti niya na tahian ito ng manika. Marunong siya dahil sa dami ng trabahong pinasok niya ay ang trabahong pananahi ang isa sa karanasan niya sa pagtatrabaho. Ngunit natanggal din siya dahil sagabal raw si Yuka sa pagtatrabaho niya. Mabusising pinagtuunan niya ng pansin ang paggawa ng manika.. Gusto niya na kahit ganitong materyales lang ay may magandang manika si Yuka.. Nang matapos na niya ang manika ay napatingin siya kay Yuka. Nakahiga na ito sa karton at nakatulog. Bumangon siya at binuhat ito. Kinalong niya ng muli siyang maupo sa karton na kanilang nagsilbing higaan. "Patawad kung ito ang buhay na pinapadanas ko sa 'yo, Anak." Gusto niyang ipa-checkup si Yuka dahil kakaiba ang pag-iisip nito kesa sa ibang bata, ngunit salat siya sa pera kaya hindi niya magawang mapatignan ito. Kaya natatakot siya na iwanan ito dahil sa sitwasyon nito. Kapag ayaw nang ina-applyan niyang trabaho na kasama niya si Yuka ay hindi na siya tumutuloy. Hindi maaaring mahiwalay sa kanya ito, dahil wala siyang pag-iiwanan. At baka may ibang tao na saktan na lamang ito habang wala siya. Hinayaan niyang sa bisig niya matulog ito. Pinaypayan niya upang hindi mainitan. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na din pala siya. "Daddy, gising na po ikaw. Daddy." Naalimpungatan siya ng marinig ang boses ni Yuka. Isang magandang ngiti agad ang binungad nito sa kanya kaya napangiti siya at umayos ng upo. Napahikab siya at hinawakan ito sa ulo. "Bakit, Anak?" Excited na tumayo ito at napakuno't noo siya nang may dala na naman itong mga tela at laman ng pampers na bulak. "Gawa ulit kayo nika ko." "Huh? Hindi mo ba nagustuhan ang unang ginawa ko?" Umiling ito habang nakangiti, "Gusto po.. Pero gawa ulit kayo." Napangiti naman siya at ginulo ang buhok nito bago siya tumango. Kaya gumawa siyang muli. Hindi niya lang mawari sa anak niya kung bakit palagi siyang pinapagawa ng manika. "Anak, marami ka nang manika, hindi pa ba sapat 'yan?" Nilagay nito ang mga nagawa niyang manika sa isang plastick at hawak naman nito ang manikang una niyang ginawa. Nagtaka siya ng hawakan siya nito sa kamay at hinatak kaya napatayo siya at nagpahatak rito ng hatakin siya palabas sa tinutuluyan nila. "Saan ba tayo pupunta, Anak?" Lumingon ito at ngumiti habang masayang-masaya na inaakay siya. Huminto lang sila ng makarating sa mga bangketa kung saan may mga nagtitinda. Napatingin siya kay Yuka na bumitaw sa kanya. Lumapit ito sa isang tindahan at napangiti siya ng makitang nagpapa-cute ito sa tindera kaya nabigyan ito ng dyaryo. Anim na taong gulang pa lang ito pero marunong dumiskarte kahit na may kulang sa pag-iisip. "Oh, anong gagawin natin d'yan?" "Lagay po natin nika dito. Kita ko po bili tao kanila, kaya bili din sila atin." turo nito sa mga nagtitinda. Naupo ito at binuhos ang laman ng plastick sa sinapin nitong dyaryo ang mga manikang ginawa niya. Pagkatapos ay tumingin ito sa paligid at biglang lumapit sa dumaang dalaga. "Ate, bili ka na po nika ko." Hinila nito ang dalaga na natutuwa kay Yuka. "Naku, heto ba? Magkano ba dito?" Tumingin sa kanya si Yuka, "Daddy, kano daw po nika ko?" "Huh?" tila pa siya hindi makapagsalita. Hindi niya alam ang iisipin dahil mas naisip pa ni Yuka ang ganitong bagay para magkapera sila. "Heto ho. Bibili po ako dalawa. Ang cute, parang ang batang ito." Napatingin siya sa nilahad ng babae na isang daang piso. Napayuko siya at kinuha ang pera bago nagpasalamat sa babae. Kinuha naman ni Yuka ang napili ng babae na manika at binalot nito sa dyaryo. "Ang swerte niyo po, Tay, ang bait-bait ng anak niyo at cute pa." "Hihihi.." Nang makaalis ang babae ay napatingin siya kay Yuka. Humahagikhik ito kaya natawa siya kahit naguguluhan. "Bakit, Anak?" "Cute ako." Napangiti siya at binuhat ito bago halik-halikan sa pisngi. "Oo, ikaw ang pinaka-cute na anak sa buong mundo. Ang bibo-bibo mo pa." Napahagikhik muli ito kaya hindi matawaran ang saya niya ng araw na 'yon dahil hindi niya akalain na mabebenta nila lahat ang manikang ginawa niya na wala naman silang halos ginastos. Kaya inaya niya si Yuka sa isang kainan para kumain. Sobra-sobra naman ang kinita nila kaysa sa pangangalakal niya. At habang pauwi nga sila ay nakakita ito ng manika sa store ng mapadaan sila. Pinangako niya sa anak na uunlad sila at mabibili ang nais nitong manika. At dahil palagi silang nakakabenta ng manika ay 'yon na ang ginawa niyang hanapbuhay hanggang ang dating bangketa lang na pwesto nila ay nakakuha na sila ng maayos-ayos na pwesto na maaaring maging bahay na rin nila. Pinagsumikapan niyang makaipon para mapag-aral si Yuka gamit ang kinikita nila. Ang paggawa ng manika ang naging daan para umunlad silang mag-ama. Nang umunlad ng kaunti ay sinubukan niyang ipasok sa isang day care school si Yuka, ngunit halos masaktan lamang siya at magalit ng imungkahi ng guro na ipasok si Yuka sa special school. Kaya hindi na niya hinayaang pumasok pa si Yuka dahil pinagtitripan lamang din ito ng mga kaklase dahil sa kapansanan nito sa pag-iisip. Kaya pinangako niya sa sarili na oras na umangat pa sila sa buhay ay hinding-hindi niya hahayaang mapasok si Yuka sa eskwelahang gagawin itong katatawanan. "Sir, narito na ho tayo." Nagbalik siya sa sarili at napatingin sa labas ng bintana. Narito na sila sa mansyon kaya inayos niya ang sarili at bumaba ng kotse ng pagbuksan siya ng driver niya. Agad na nakita siya ng ilang kasambahay at binati siya. Naglakad siya papasok sa bahay at napatigil siya ng makita na may ibang tao na nakapasok sa mansyon. At nakita niya na puro mga kabarkada nila Yuri at Yvo habang nagkakasiyahan. "Sa wakas, natahimik rin ang bahay na 'to." wika ni Yvo at umakbay sa babaeng katabi niya. "See, edi nawala sa landas niyo ang mga balakid sa buhay niyo." sabi ni Monica. "Umamin ka nga, Monica, may alam ka ba sa taong nang-r**e kay Yuka?" tanong ni Yuri. "Well, let's say na kilala ko pero hindi ko pwedeng sabihin." "Oo nga pala, nasaan si Paul?" Tanong ni Yvo kay Yuri. "Pinaakyat ko muna sa taas. Nahihilo raw siya." Tumayo si Monica at nagtaas ng alak, "Cheers, guys!" Tumayo naman si Yuri at nakipag-toast kay Monica. Ngunit nabitawan niya ang baso ng mapatingin sa pinto. "D-daddy.." Napahinto ang mga kasama nila at maging si Yvo. Nagulat din si Yvo ng makita ang ama nila. Naglakad si Eduardo habang kasunod ang driver at mga kasambahay. "Hindi ko alam na isang bar na pala ang bahay ko." Tinignan ni Eduardo ang mga kabataang kasama nina Yvo at Yuri.. "D-daddy, nagkaayaan lang po dahil birthday ng friends namin." Si Yuri ay hindi alam ang sasabihin sa biglaang pagdating ng ama. At kinakabahan rin siya oras na malaman nito ang nangyari sa mga tao bahay. "May tenga ako kaya narinig ko ang lahat ng pinag-usapan niyo. At akala niyo ba hindi nakarating sa akin ang balita." Lumakad si Eduardo at tinuro ng bastong hawak niya ang isang lalake na nakaupo sa arm rest ng sofa. "Hindi ka ba tinuruan ng tamang pag-upo?" Agad na napaalis ito sa kinauupuan kaya lumapit doon si Eduardo at naupo. Nilagay niya sa gilid ang baston at napasiklop ang mga kamay na tinignan niya ang mga anak at mga kaibigan nito. "Ayokong narito kayo, kaya magsilayas kayo sa pamamahay ko." aniya sa mga kaibigan ni Yvo at Yuri. "But Dad--" Aapela pa sana si Yuri ngunit pinigil ito ni Yvo. Agad na nagsialisan ang mga kaibigan ng dalawa kaya ang dalawa na lamang ang natira. "Ipatawag mo si Pen." Utos ni Eduardo sa kasambahay. "Paumanhin, Sir, ngunit wala ho rito si Manang Pen." Napapikit naman si Yuri dahil alam na niya ang mangyayari. "Anong ibig mong sabihin?" Tumingin ang kasambahay kay Yuri kaya pinandilatan ito ni Yuri ng mata upang 'wag magsalita, ngunit matapang ang loob ng kasambahay. "Pinalayas po ni Ma'am Yuri." "How dare you! Sinungaling ka!" Ibig sugurin ni Yuri ang kasambahay ngunit napatigil siya ng tawagin siya ni Eduardo. "Yuri, anong ginawa mo?" Huminga siya ng malalim, "Oho, inaamin ko na pinalayas ko si Yaya Pen, ngunit may dahilan ako. Siya kasi, pinabayaan si Yuka." "Sa pagkakaalam ko walang kasalanan si Pen sa nangyari kay Yuka.. At kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na palayasin ang mga tauhan ko?" Parang tinamaan ng kidlat si Yuri sa sakit na sinabi ni Eduardo. "Anak niyo ako, bakit ako hindi magkakaroon ng karapatan?" Hindi pinansin ni Eduardo ang sinabi ni Yuri, bagkus ay tumingin ito kay Yvo. "Nabalitaan kong ginastos mo ang laman ng atm ni Yuka." Napaasik si Yvo, "Hiniram ko lang, Dad, ibabalik ko rin. Saka hindi naman ginagamit ni Yuka, kaya gumastos lang ako ng kaunti." Tumayo si Eduardo at tinignan ang dalawa. Ang dalawa na dapat noon pa ay hindi niya tinanggap. "Mula ngayon, pagtatrabahuan niyo ang kakainin, gagastusin, at gagamitin niyo. Dahil mula ngayon ay wala na kayong karapatan sa bahay na 'to." Nagulat ang dalawa at halos magliyab sa galit dahil sa sinabi ng ama nila. "Ano ho? Pakiulit? Kami, walang karapatan sa bahay na 'to? At pagtatrabahuan namin ang mga nais namin? Wow! Anak niyo kami, pero tinatrato niyo kaming mababa at ka-level ng mga katulong." sabi ni Yvo. "Kung ayaw niyo ng nais ko, bukas ang pinto para sa inyo." Hindi na nakapagtimpi si Yvo at sinugod si Eduardo. Kinuwelyuhan niya ang ama habang gigil na gigil na nakatingin rito. "Ulitin mo ang sinabi mo? Palalayasin niyo kami, ha? Sa pagkakaalam ko pundar din ni Mommy itong bahay. Kaya wala kang karapatang palayasin kami!" Tinulak ni Yvo si Eduardo kaya napaupo ito sa sofa. Inayos ni Eduardo ang suot na coat at umayos ng upo. "Sir Eduardo, may bisita po kayo." biglang singit ng kasambahay kahit na may namumuong tensyon sa mag-ama. "Papasukin mo." Kaya agad na tumalima ang kasambahay at patakbong tinungo ang bisita na nasa pintuan na. Pinapasok ito at naglakad na ito palapit. Tumingin doon si Eduardo at pumasok ang abogado niya. Kaya tumayo siya at sinenyasan ito na maupo. Nang makaupo ay tumingin siya sa pumasok pa at pumasok doon si William. "Paano?" nasabi na lang ni Yuri at Yvo. "Maupo kayong lahat." Kahit naguguluhan ang magkapatid ay naupo sila at tinignan si William na kalmadong naupo at nilinga ang paligid dahil hinanap niya si Yuka. "Anong ibig sabihin nito?" Si Yvo na hindi na nakatiis. "Magsalita ka, attorney." utos ni Eduardo na naglakad palapit sa glass window at tumanaw sa labas kung nasaan ang swimming pool na walang lamang tubig. "Nais ni Sir Eduardo na basahin ko sa inyo ang nilalaman ng kanyang statement patungkol sa lahat ng kanyang ari-arian at kung sino ang magmamana nito." "Bakit? Ibabahagi na ba?" si Yvo na hindi mapigilang manabik dahil inaasam na niya na makuha ang kanyang parte sa yaman ng ama. "Ang lahat ng ari-arian ay pinamamana ni Sir Eduardo kay Miss Yuka Laxamana. At epektibo ito ngayon dahil nalagdaan na rin ito ni Sir Eduardo." Napatayo si Yvo habang hindi makapaniwala sa sinabi ng abogado ni Eduardo. "Ano? Dad, anong ibig sabihin no'n? Bakit si Yuka lang ang may mana?" Unti-unting humarap si Eduardo kay Yvo na walang mababakas na anumang sindak sa sigaw ni Yvo. "Bakit hindi? Si Yuka lang naman ang tangi kong kadugo." Hindi makapaniwala ang lahat sa sinawalat ni Eduardo. Tila ba isang sekreto 'yon na ngayon lang nila nalaman. "Kaibigan ko si Risa nung nagmamahalan kami ni Moira. Hindi ko alam na pinatulog ako ni Risa ng magkaroon ng kaarawan sa kanila. Nagising na lang ako na katabi si Risa at sinabi niya na may nangyari daw sa amin. Hindi ko alam ang gagawin dahil wala akong maalala at ang mahirap ay may nobya ako na kailanman ay hindi ko inisipang pagtaksilan. Ngunit dahil sa sinabi ni Risa ay nagkasira kami ni Moira. Buntis si Risa sa 'yo noon, Yuri, at sinabi niya sa akin na ako daw ang ama. Narinig 'yon ni Moira, at halos gumuho ang mundo ko nang iwanan ako ni Moira. Hindi pumayag si Risa na hindi ko pananagutan ang pinagbubuntis niya, kaya kahit wala akong pagmamahal sa kanya ay pinilit kong makisama. Pinilit kong kalimutan si Moira dahil may obligasyon na ako kay Risa. Hanggang sa mabuntis muli si Risa at ikaw 'yon, Yvo. Ngunit sa pagkakataong 'yon ay nanghinala na ako, dahil walang nangyari sa amin ni Risa kahit anong pilit niya. Hindi ko siya mahal kaya hindi ko siya magawang sipingan. Doon ko natuklasan na may ibang lalake si Risa. Sobra ang galit ko dahil sa ginawa niya, pero nag-sorry siya at sinabi na kaya niya lang nagawang pumatol sa ibang lalake ay dahil kulang kami sa pera. Tinanggap ko siya at ikaw Yvo kahit hindi kita anak. Hanggang sa mawalan ako ng trabaho, kaya mas lalong naghirap ang pamilya natin. Palagi kaming nag-aaway ni Risa dahil wala akong maibigay sa kanya. Suma-sideline lang ako noon para makapagbigay kay Risa. Pero pag-uwi ko galing sa pagtatrabaho ay nalaman ko na lang na iniwan ako ni Risa kasama kayo para sumama sa ibang lalake. Iniwan niya ako dahil wala akong maibigay. Iniwan niya ako dahil mahirap lang ako." huminga ng malalim si Eduardo at naglakad palapit kela Yvo, "hanggang sa magkita muli kami ni Moira. Nagkabalikan kami at nagsama hanggang sa magkaroon kami ng supling---at 'yon si Yuka. Hindi ako iniwan ni Moira kahit na hirap na hirap kami at walang makain. Namatay siya sa panganganak kay Yuka na hindi ko man lang siya nabigyan ng magandang buhay. Kaya nang kami na lang ang maiwan ni Yuka ay nagsumikap ako para mabuhay ko si Yuka. Naranasan kong isama palagi si Yuka sa trabaho para lang 'wag siyang iwanan sa iba, ngunit hindi tinatanggap ng mga amo ko na palagi kong kasama si Yuka, kaya ang kinalabasan ay tanggal ako parati sa trabaho. Lumaki si Yuka na sa ilalim kami ng tulay nakatira. Ngunit ni minsan hindi nagreklamo si Yuka. Kahit na alam ko na noon na special child siya ay hindi ito nagreklamo sa buhay na mayroon kami. Ang Y toystore---si Yuka ang dahilan kaya naitatag 'yon. Walang-wala kami at tulala ako noon na nag-iisip kung saan kukuha ng pera. Anim na taon pa lamang noon si Yuka ng sabihin niya sa akin na gawan ko daw siya ng manika sa pamamagitan ng punit na punit na piraso ng mga tela na nakuha niya sa basurahan at bulak na galing pa sa maruming pampers.. Dahil may alam ako sa pananahi kaya ginawan ko siya ng manika. Nang makagawa ako ng isa ay binigay ko sa kanya, ngunit nagpagawa pa siya at nagpagawa hanggang sa dumami. Nagtataka ako kung bakit siya nagpapagawa ng marami. Hindi niya sinabi ang dahilan, bagkus ay hinatak niya ako para magpunta kami sa bangketa kung saan maraming nagtitinda. Nanghingi ng dyaryo si Yuka sa isang tindahan gamit ang pagpapa-cute niya. Nakahingi siya at nilapag sa sahig, at doon niya nilapag lahat ng manikang ginawa ko. Hindi ko pa alam nung una kung bakit ginagawa ni Yuka 'yon, pero nang mang-aya siya ng babaeng bibili ay naunawaan ko na nais ako tulungan ni Yuka na kumita ng pera sa pamamagitan ng manika. Sa mura niyang edad at special na katangian ay siya pa ang makakaisip ng pagkakakitaan namin. Dahil sa paggawa ko ng manika ay umunlad kaming mag-ama. Nakakuha ako ng pwesto at bahay na rin na masisilungan namin. Nang makaahon kami sa kahirapan ay saka sumulpot muli si Risa sa buhay namin. Kasama niya kayo, Yuri at Yvo. Dahil sa pagmamakaawa noon ni Risa at pangungulila ko sa inyo noon kaya tinanggap ko muli kayo ni Risa. Tumira tayo noon sa simpleng bahay lang noon, pero dahil sa patuloy na pag-unlad ng negosyo namin ni Yuka kaya nakapagtayo ako nitong mansyon. Nakabili rin ako ng iba pang ari-arian, nakapagtayo ng toy store, at nakapag-branch sa ibang lugar dahil sa paggawa ng manika." tinignan niya ang dalawa---si Yuri at Yvo. Mga hindi makapaniwala sa kinuwento niya, "ngayon niyo sabihin sa akin kung sino ang mas may karapatan sa lahat?" "P-pero anak niyo ako, Dad. Si Yvo lang naman 'di ba ang anak sa ibang lalake?" "Ate!" Si Yvo na hindi makapaniwala sa sinasabi ng Ate niya. Ngumiti ng mapait si Eduardo dahil hindi niya akalain na ang pinalaking mga anak ay masyadong uhaw sa kanyang kayamanan. "Hindi rin kita anak, Yuri. Una pa lang ay may nobyo noon si Risa na tunay na nakabuntis sa kanya. Pinaako niya sa akin ang pinagbubuntis niya kaya niya ako nilasing. Hindi ko alam ang gagawin sa kanya dahil paulit-ulit niya akong niloko." Napaluha si Yuri sa natuklasan niya. Napaupo siya sa sofa at hindi mapigilang mabuhusan ng malamig na katotohanan. "Si Mom, nasaan siya? Hindi ba't kasama mo siya sa ibang bansa?" tanong ni Yvo. "Dito pa lang ay hiniwalayan ko na siya. Hindi siya nagpapakita sa inyo dahil may tinatakasan siyang pinagkakautangan. At sinabi ko na sa kanya noon, na kapag hindi siya tumigil sa pagsusugal, wala siyang mapapala sa akin." "Hayop ka pala! Dapat pala noon pa lang pinatay na kita! Hindi naman pala kita totoong ama!" Mapait na ngumiti muli si Eduardo sa sinabi ni Yvo. "Handa na akong mawala sa mundong ito, Yvo. Kaya habang may oras pa ako ay inaayos ko na ang nararapat kay Yuka... Ngayon na tapos ko nang ipaliwanag sa inyo lahat, maaari na kayong umalis kung ayaw niyo ang nais kong gawin niyo." Galit at walang imik na nag-walkout si Yvo. Si Yuri naman ay nanghihina na unti-unting lumuhod kay Eduardo. "Patawarin niyo ako.. Please, 'wag niyo po akong paalisin." Napahinga ng malalim si Eduardo dahil kahit hindi niya tunay na anak si Yuri at Yvo ay tinuring na rin niyang mga anak ito. "Tumayo ka at hindi kita paalisin. Ngunit oras na saktan mo si Yuka, hindi ako magdadalawang-isip na palayasin ka." Agad na tumango si Yuri sa gusto niya kaya nakahinga siya ng maluwag. Napatingin naman siya kay William na gulat na gulat pa rin sa siniwalat niya. "Pakisundo sa taas si Yuka, William. Hindi na ako makakaakyat dahil hirap na rin ako." Agad na tumango si William at umalis para puntahan si Yuka.. Sabik na rin siyang makita ang dalaga. Dalawang araw siyang nakulong at hindi nakita ito, kaya sobra niya itong na-miss. Palapit pa lang siya sa kwarto nito ng marinig niyang umiiyak ito. Kaya dali-dali siyang lumapit at agad na binuksan ang pinto. Parang nagdilim ang mga mata niya ng makita ang nobyo ni Yuri na pilit pinagsasamantalahan si Yuka. "Hayop ka!" Agad na sinugod niya ito at hinawakan sa balikat. Pagharap pa lang nito ay sinugod na niya agad ng suntok sa mukha. "Papatayin kita, Hayop ka!" Hindi niya tinigilan ito hangga't hindi naaalis ang galit niya. Halos mapatay na niya ito ng mapahinto siya ng may biglang yumakap sa kanya mula sa likod. "Takot na ako! Ayaw ko galit ka.." Tila siya nahimasmasan at agad na hinarap si Yuka. Nanginginig ito sa takot kaya agad na kinabig niya ito palapit sa kanya upang yakapin. "Sshh.. Hindi na ako galit." Napapikit siya dahil sa katangahan niya. Hindi niya dapat pinakita kay Yuka ang gano'ng bagay. Mahigpit niya itong niyakap at hinalikan niya ang noo nito para pakalmahin pati na rin ang sarili niya. "Bad siya.. Saktan niya ako." Agad na humiwalay siya rito at tinignan ito. Napahawak siya sa mukha nito at halos magtagis ang panga niya. Nakita niya ang bakas ng sampal sa mukha nito. Tumingin siya kay Paul at pumikit siya para pakalmahin sandali ang sarili. "Tara, Yuka, doon tayo sa baba. May bisita ka.." Humihikbi na tumango ito kaya pinunasan niya ang luha nito. Inayos niya ang damit nito na nagulo dahil muntikan na itong magahasa muli. Kung nahuli siya ay baka tuluyan na siyang makapatay. Pero talagang makakapatay na siya ngayon. Inalalayan niya palabas si Yuka at hanggang sa pagbaba. Pagdating sa sala ay napahinto ito pero agad na ngumawa at napatakbo ng makita si Eduardo. "Daddy!" Napangiti naman si Eduardo ng makita si Yuka, pero nagtaka siya ng makitang mugto ang mata nito at mapula ang pisngi. Magulo rin ang buhok at gusot ang damit.. Agad na yumakap ito sa kanya kaya ramdam niya na takot na takot ito. "Anong nangyari?" Sumeryoso si William, "Kilala ko na ho ang salarin. Nahuli ko itong balak na namang gahasain si Yuka." Tumigas naman ang mukha ni Eduardo at napalakas ang tukod niya sa sahig sa bastong hawak niya dahil sa galit. "Sino ang walanghiyang 'yon?" "Si Paul ho, nobyo ni Yuri." Hindi makapaniwala si Yuri sa sinabi ni William. Agad na umalis siya para kumpirmahin kung nagsasabi si William ng totoo. Umakyat siya at tinungo ang kwarto ni Yuka. Pagpasok sa kwarto ni Yuka ay napatakip siya ng bibig. Hindi siya makapaniwala na si Paul nga ang gumahasa kay Yuka. "B-Babe, tulungan mo ako, mapapatay ako ni William." Gumapang si Paul sa sahig palapit sa kanya. Hirap na hirap ito dahil sa bugbog na natamo nito kay William. Hahawakan sana siya nito sa binti ng sipain niya ito sa mukha na kinadaing nito. "Hayop ka! Minahal kita pero gano'n pala ang gagawin mo! Nararapat lang sa 'yo 'yan! Dapat sa 'yo ay mamatay!" Nagdidilim ang paningin ni Yuri sa sobrang galit, pagkabigla, sakit na nararamdaman, at guilt para sa ginawa niya kay Yuka. Nakakita siya ng gunting sa side table kaya agad na kinuha niya 'yon. Hindi na siya nakapag-isip ng tama at nilapitan niya si Paul na nagulat pero huli na dahil tinarak na niya ang gunting sa dibdib nito. "Hayop ka! Hayop! Mamatay ka na!" Patuloy niyang pinagsasaksak si Paul hanggang hindi na pumapalag ito. Natauhan si Yuri at nabitawan ang guting na puno ng dugo. Napatingin siya sa kamay niya at nanginig siya ng makita ang dugo sa kamay niya. Napaupo siya at napaiyak habang hindi mapigilang matulala sa kanyang nagawa. "Ate!" "Yuri!" Agad na napaatras si William at sinara ang pinto. Pagharap niya ay bumungad si Yuka na nais pumasok sa kwarto nito. "Nasaan Ate?" Umiling siya, "Wala.. Mabuti pa bumalik ka sa Daddy mo." "Ayaw.. Gusto ko sumbong boyfriend niya, e." Hinawakan niya ito at hinalikan niya ito sa labi. Nagulat ito at napatakip ng bibig. "Kain mo lips ko! Waaah!! Sumbong kita kay Daddy!" Bigla itong tumakbo kaya napangiti siya pero agad nawala ang ngiti niya at napahinga ng malalim. Mabuti nang hindi nakita ni Yuka ang ginawa ni Yuri, dahil baka mas lalong madagdagan ang trauma nito at kung ano ang pumasok sa isip nito. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD