️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️
SA MANSYON NILA Yuka sila dumeretso. Hindi niya maaaring isama ito sa presscon dahil hindi niya alam kung anong mangyayari kapag humarap na siya sa press. Sa mansyon ay ligtas ito at mapagbibilin niya kay Yaya Pen.
"Yuka! William!"
Pagpasok nila ay nagtitipon ang mga tao sa bahay. Nagulat siya na may mga pulis sa bahay.
"William, ano bang ginawa mo.." Naiiyak na sabi ni Yaya Pen at humawak kay Yuka. Nagtaka naman siya pero hindi na niya natanong ang matanda dahil napatingin siya sa mga pulis na lumapit.
"Mabuti at narito ka na Mr. William Dela Torre. Narito kami ngayon para hulihin ka sa kasong r**e kay Miss Yuka Laxamana. Ikaw ay inaakusang gumahasa kaya kung nais mong magpaliwanag ay sa prisinto na lamang tayo mag-usap."
"Anong pinagsasabi niyo? Sinong nag-akusa sa akin na ako pa ang nang-r**e kay Yuka?"
Galit na galit siya dahil hindi niya akalain na may problema na naman siyang kahaharapin.
"Talaga naman, ah! Sinabi sa amin ni Yaya Pen na na-r**e si Yuka. At may kasambahay na nagpatunay na ikaw ang pumasok ng gabing 'yon sa kwarto ni Yuka at ni-r**e ang kapatid namin."
Napatingin siya kay Yvo ng magsalita ito tungkol sa akusasyon na ginawa daw niya.
"Paano niyo napatunayan na ako? Tulog na tulog ako ng mga oras na 'yon. At kahit itanong niyo pa kay Yuka. Hindi ako ang gumawa no'n sa kanya!"
Napatingin naman ang mga ito kay Yuka. Hindi nito maunawaan ang nangyayari. Nakatayo lamang ito sa tabi ni Yaya Pen at pinaglalaruan ang buhok ng matanda.
"Hindi normal ang kapatid namin, kaya hindi valid ang sinabi mo. Ang mahalaga ay may pruweba kami na ikaw ang nang-r**e kay Yuka. Hulihin niyo na 'yan! Kriminal 'yan!"
Galit na tumingin siya sa magkapatid na pinagkakaisahan siya. Agad na hinawakan siya ng mga pulis at pinosasan.
"Ano pong ginagawa nila kay Kuya?" tanong ni Yuka kay Yaya Pen.
"Wala, alaga ko. Tara sa kwarto, magpahinga ka muna."
Lubos na naaawa si Yaya Pen sa dinadanas ni Yuka. Hindi niya alam kung dapat bang paniwalaan niya ang binibintang ng magkapatid kay William. Pero nang malaman niya ang nangyari kay Yuka ay si William ang unang nakakita. At wala namang makakapasok na iba sa bahay kaya maaaring tama ang magkapatid. Hindi niya lang maunawaan kung bakit sa tagal na pinagkatiwala ng mga laxamana ang proteksyon ni Yuka kay William ay doon pa nito magagawa ang ganoong kawalang hiya na bagay kay Yuka.
"Aalis po si Kuya. Sama ako kanila."
"Yuka!" nakawala kay Pen si Yuka at tumakbo ito para sana habulin si William na inakay na ng mga pulis. Ngunit agad na napigilan ito ni Yuri at sinampal si Yuka kaya agad na nilapitan niya ang alaga at nilagay sa likod niya.
"Napakarami mo nang kahihiyan na ginawa sa pamilyang ito, Yuka! Ngayon ay kakampi ka pa sa sampid na 'yon!" sabi ni Yuri.
"Bakit niyo naman sinampal si Yuka? Gusto niyo bang makarating ito kay Eduardo?"
Tumalim ang tingin ni Yuri sa kanya, "Isa ka pa! Masyado kang epal. Kung wala ka rin sa tabi ni Yuka ay hindi mapapahamak ang kapatid namin! Kaya, lumayas ka sa pamamahay na 'to!"
Tumigas ang mukha niya at matapang na hinarap ang babae.
"Hindi ikaw ang magpapalayas sa akin rito. At kailan pa kayo nagkaroon ng malasakit sa kapatid niyo? Hindi ba't kayo ang palaging nagpapahamak sa kanya. Ayokong isipin, pero iniisip ko na baka pakana niyo lahat ng nangyayari rito. At baka pinapalabas niyo lang na si William ang may gawa no'n kay Yuka, pero ang totoo ay kayo, para ma-dispatya niyo sila."
Nakatanggap siya ng sampal kay Yuri kaya halos mahilo siya sa lakas. Napaatras siya at napahawak sa pisngi.
"Masyado kang walang modo matanda ka! Baka nakakalimutan mong yaya ka lang at kami pa rin ang anak at amo mo! Hindi porket ikaw ang pinagkakatiwalaan ni Daddy ay aasta ka nang mataas sa amin." sinabunutan siya ni Yuri, "lumayas ka rito! Ayokong makita ang pagmumukha mo!"
"'Wag, Ate! Bakit mo sinasaktan si Yaya? Huhu.."
Pinigil siya ni Yuka pero napabitaw ito sa kanya ng itulak ito ni Yuri.
"Yvo, hawakan mo si Yuka."
"Masusunod, Ate." ngumisi si Yvo at pahaklit na tinayo si Yuka at mariing hinawakan sa braso.
"Ang sama-sama niyo! Saktan niyo Yaya ko!"
"Tumahimik ka!" sinampal ni Yvo si Yuka kaya halos mapaiyak si Pen ng makita 'yon bago pa siya mahatak palabas ni Yuri.
-
PAGDATING sa prisinto ay agad namukhaan si William ng mga tao. Pinagkaguluhan at kanya-kanya na kinuhanan siya ng video. Halos walang pumapasok sa isip ni William kundi ang sunod-sunod na nangyayari---sa kanya at sa kanila ni Yuka. Para bang may tao sa likod nito na gusto siyang pabagsakin at sirain.
"'Heto si Chief, kausapin mo tungkol sa iyong hinaing."
Pinaupo siya sa harap ng hepe ng mga pulis. Kilala siya dahil artista siya kaya alam na niya na special treatment ang matatanggap niya.
"Wala ho akong kasalanan sa binibintang sa akin. Hindi ko magagawang gahasain ang babaeng mahalaga sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako ang tinuturo, pero isa lang ang alam ko, may nais na sirain ako."
"Naiintindihan kita, Mr. William Dela Torre. Ngunit sa lumalabas na video mo, tingin ko ay may pagkakasala ka rin. Sa nalaman ko, isang special child si Miss Yuka Laxamana. At hindi ba't kahina-hinala na makipagsiping sa 'yo ang isang kagaya niya."
Pumikit siya dahil alam niya na 'yon ang babasehan ng lahat. Ang nangyari sa kanila ni Yuka ay isang paraan para lang alisin ang pangyayari naging dulot ng trauma nito, at ang nangyari din na 'yon ay isang pinakaimportanteng bagay na nangyari sa kanya. Isang magandang pangyayaring nais niyang maulit kapag natapos lang ang lahat ng problemang ito.
"May karapatan akong gawin 'yon, Chief."
Dumilat siya at tinignan ito. Hindi ito makapaniwala at natawa.
"At sa anong paraan, Mr. Dela Torre? Hindi ka isusuplong ng mga kapatid niya kung may karapatan ka."
"Bakit ba hindi muna kayo mag-imbestiga bago niyo ako hulihin?"
"May nakakita sa 'yo at sinabi nito sa mga bata ko na ikaw nga raw ang nakita niyang pumasok sa kwarto ni Miss Yuka Laxamana sa saktong oras bago nilahad ni Misis Salvador ang oras kung kailan niya nakita si Yuka na galing mismo sa pangre-rape."
Napabagsak ang kamay niya sa lamesa at galit na galit siya.
"Iharap niyo sa akin ang taong 'yon! Patutunayan ko na mali siya! Dahil hindi ako pumasok ng kwarto ni Yuka. Pumasok lang ako ng ma-r**e na si Yuka at alam ni Yaya Pen 'yon!"
"Pasensya na, Mr. Dela Torre, ngunit kailangan ka na naming ikulong. Magpatawag ka ng abogado mo na tutulong para makaalis ka rito."
"Sinasabi ko nga na wala akong kasalanan!" hinatak na siya ng mga pulis kaya halos manggalaiti ang panga niya sa sobrang galit. Napahilamos siya ng mukha at parang masisiraan ng bait dahil wala siyang magawa sa sitwasyon niya.
Kinulong siya sa isang bakanteng selda. Napasuntok siya sa sahig at napagulo sa buhok niya. Ngayon ay iniisip niya si Yuka. Kailangan siya nito. Kailangan niya ring malaman kung ayos na ba ito, ngunit wala siyang alam na paraan para malaman ang kalagayan ni Yuka.
To be continued...