BIGLA ang ginawang pagtayo ni Beatrice mula sa pagkakaupo niya sa sofa na naroon. Nagpupuyos ang kalooban niya na napatitig siya sa sariling ama.
"Daddy! what is the meaning of this! Ang ibig sabihin lang ba nito ay hindi ako a-ang pinapaniwalaan mo? at si Camilla pa talaga ang mas kinampihan mo kaysa sa sarili mong anak! kahit kailan ay hindi ako magso-sorry sa babaeng iyan!"galit na galit niyang sabi kasabay ng pag-alis niya.
"Excuse me po,"wika ni Camilla na tumayo rin.
"Saan ka pupunta iha?"tanong ni Donya Clarisse.
"Kakausapin ko po si ate, hindi ko gusto na nanatiling may galit siya sa akin,"wika ni Camilla. Nang tumango si Donya Clarisse ay tuloy-tuloy na itong lumabas.
Naiiling naman na napasapo sa noo si Don Vicenti.
"Iyan ang sinasabi ko sa'yo dati pa kung ako ang nagpalaki sa batang iyan ay hindi sana siya lalaking ganito,"parinig ni Donya Clarisse.
"Sinasabi mo ba na mali ang pagpapalaki ko sa sarili nating anak?"hindi makapaniwalang sambit ng Don.
"Ikaw ang nagsabi niyan at hindi ako. Ang sa akin lang, sana tutukan mo si Beatrice, hindi ka na bumabata. Sige na at uuwi na kami ni Camilla."Kasabay ng pagtayo nito.
Hindi naman na nakapagsalita ito, binalingan nito si Rudny na tahimik lamang nakaupo sa kaibayong sofa.
"Rudny iho, nakita mo naman kung gaano kaseryuso ang anak ko pagdating sa'yo. Huling beses ko na itong itatanong. Hindi mo ba kayang tugunin ang nararamdaman niya para sa iyo?"diretsang tanong ni Don Vicenti nang makaalis ang ginang.
Sa sandaling marinig ni Rudny ang sinabi ng Don ay tila may naghahabulan na daga sa loob ng dibdib niya. Ewan ba niya ngunit kabado siya, mataman din niyang pinag-iisipan kung ano ang isasagot sa ama nina Novice at Beatrice.
Nag-alis muna ng bara mula sa lalamunan bago siya magsalita. "Pasensya na po pero pagtingin kaibigan lang ho talaga ang tingin ko k-kay Beatrice,"matapat na sagot ni Rudny na tinapatan ang titig ng matandang lalaki.
Sa pagkurap ng binata ay tuluyan nagbago ang reaksiyon sa mukha ni Don Vicenti. lumamig ng titig nito sa kanya, pansin din ni Rudny ang paggalawan ng panga nito at ang pagkuyom ng kanan palad kung saan humahawak sa may baston nito.
"Kung gayon ihanda mo ang sarili mo na layuan ang anak ko."
"Paano ko ho gagawin iyon, gayong siya itong habol ng habol sa akin."
"Pwes! gawan mo ng paraan na matigil ang pagkahumaling niya sa iyo. Kung ayaw mong siya ang pahirapan ko,"nagbabantang saad ng matandang lalaki.
Tuluyan nawala ang ngiti sa labi ni Rudny, hindi aakalain nito na ganito ito katuso. Hindi alam ng binata kung hanggang saan ang kaya nitong gawin. Kung dati ang kaibigan niyang si Novice ay makakaya nitong maalisan ng mana at palayasin ay si Beatrice pa kaya. Sa naiisip na maging kahinatnan sa dalaga ay para bang biglang nanakit ang ulo ng binata.
"Susubukan ko ho,"wika ni Rudny.
"Huwag mong subukan, gawin mo..."Saka ito tuluyan tumayo at naglakad palabas.
Natulala lamang si Rudny sa lumipas na sandali, maya-maya ay tuluyan niyang inihilamos ang palad sa mukha. Parang pasan niya ng sandaling iyon ang buong mundo.
BINILISAN ni Beatrice ang paglalakad, inis na inis pa rin siya sa nangyari. Hindi niya aakalain na siya pa ang mapahiya sa huli.
Natigil sa paghakbang si Beatrice nang makarinig siya ng sumusunod na yabag mula sa likuran niya. Nang lumingon siya ay kita niya si Camilla. Tuluyan siyang natigilan at unti-unti'y hinarap niya ang babaeng karibal na niya ata sa lahat, mapa-bagay man o sa mga taong malalapit man sa kanya.
"Anong kailangan mo, bakit mo ako sinusundan?"mataray niyang tanong rito.
Pinagmasdan naman siya nito, isang ngisi ang pumunit sa labi ni Camilla. Ang inosenting mukha at kilos nito'y tuluyan nag-iba naging mapangkutya at nang-iinsulto na. "Gusto ko kasing makita na umiyak ka, grabe ka rin kanina masyadong kang nag-enjoy sa pananabunot at nakuha mo pa akong sampalin. Pero sorry ka na lang dahil sa huli ikaw din ang napahiya,"pang-iinis ni Camilla sa kapatid.
Eversince na naipanganak at nagkaisip siya ay walang bukam-bibig ang Mommy niya kung 'di kumusta na kaya si Beatrice. Kung kumakain ba ito ng maayos at naalagaan sa poder ba ni Don Vicenti. Lahat ng iyon naringgan niya sa mismong bibig ng ina!
And every time she hear it ay hindi mapigilan ni Camilla na managhele sa nakakatandang kapatid. Galit siya rito dahil siya nga ang kasama ng ina ay si Beatrice pa rin ang laging iniisip nito! Lumaki siyang punong-puno ng insecurity rito. Kaya ang ginagawa niya ay pilit niyang kinukuha ang mga bagay na para sa kapatid atleast man lang doon ay nakakahigit siya.
"Kulang pa ang ginawa ko sa iyo, dahil lang naman sa paglalandi mo kay Rudny, dapat sa'yo kinakalbo. Hindi ka lang sinungaling ang plastic mo pa!"asik ni Beatrice habang naniningkit ang pagkakatingin niya rito.
Isang naaliw na tawa naman ang nagmula kay Camilla. Kaya upang lalong uminit ang ulo ni Beatrice.
"Anong mali kung landiin ko siya, gayong hindi ka nga gusto ng lalaking kinababaliwan mo. Kung ako sa iyo ate tigilan mo na siya, dahil feel ko lang huh! o naramdaman ko talaga mas type niya ako. Nakita mo naman kung gaano siya ka-concern sa akin kanina right kung paano niya ako piliin at ipagtanggol. Kaya tigilan mo na ang pangangarap sa kanya. Malay mo dahil hindi ka niya pinapansin dahil ako ang hinihintay niya!"pambwe-bwesit pa ni Camilla.
"Ang kapal mo talaga!"Akmang susugurin ito ni Beatrice nang dumating naman si Donya Clarisse na biglang umawat.
"Bea! please naman, ganito na lang ba lagi sa tuwing nagtatagpo ang landas niyo ni Camilla. She's your sibling kaya dapat ay mahalin mo siya,"wika nito. Agad naman lumapit si Camilla with teary eyes, alam niyang peke iyon kaya lalong nanggalaiti si Beatrice.
"Look Mom! umaarte lang ang babaeng iyan dahil sa gusto niyang masira ako!"
"Anak, alam kong masama ang loob mo kaya please ikaw ang nakatatanda say sorry to your younger sister,"pakiusap pa ng Donya.
"No! I won't do that! a-ako na nga ang inagrabadyo rito ako pa ang idinidiin niyong may sala! I hate you mother! I hate you! Magmula ng isilang mo iyan ay nawalan ka nang pakialam sa akin pagkatapos mo akong iwan sa poder ni Dad!"masamang-masama ang loob na sabi ni Beatrice. Nag-umpisa na siyang mag-iiyak. Hanggang sa dumating na rin si Don Vicenti na naiiling.
"Beatrice tama na! makinig ka naman sa amin. Magpakumbaba kana para hindi na lumaki ang gulong ito! Hindi ko alam kung naging mali ang pagpapalaki ko sa'yo. Hindi ko lubos maisip na nagagawa mong pagsalitaan ng ganyan ang ina mo. I'm very disappointed to you lady!"wika ni Don Vicenti.
"Same Dad, masamang-masama ang loob ko dahil sa pagpanig niyo kay Camilla. Hindi niyo ba nakikita na sinisira niya ako sa harap niyo at kayo naman nagpapa-uto!"
"Umayos ka Beatrice kung ayaw mong itakwil kitang anak at alisan ng mana. Better na tigilan mo na si Rudny para umayos ang ugali at buhay mo. Kung hindi mo gagawin ang inuutos ko ready yourself to make your own life without the luxury life you have now!"mabigat na saad ng Don na walang bahid ng biro ang salita.
Naiiling at lalong bumuhos ang luha sa magkabilang mata ni Beatrice. Unang beses na ganituhin siya ng ama at sa harap pa ng babaeng kaaway niya.
"I-I hate you Dad! never kong gagawin ang ipinag-uutos niyo! all my life ay naging sunod-sunuran ako sa lahat ng gusto niyo para sa buhay ko kahit hindi naman talaga ako masaya, pero umayon pa rin ako... because mahal ko kayo at inirerespesto. Pero dahil tila wala na kayong pakialam sa akin ngayon ay nagawa niyo pa akong talikuran, sige! mas mabuti pa nga na umalis na ako ng tuluyan sa buhay niyo! I'm old enough to raise myself without the help of your f*cking money! Iyan naman ang mahalaga lang sa inyo ang kayaman niyo! kaya nawala ang Mommy! kaya nasira ang pamilya natin! dahil makasarili ka!"
"Ingrata!"bulyaw ni Don Vicenti. Akmang pagbubuhatan niya si Beatrice nang inawat siya ni Rudny.
"Umalis ka riyan Rudny, huwag kang makialam sa usapan ng pamilya,"malamig na usal ng matandang lalaki.
"Alam ko po, pero kalabisan naman na sasaktan niyo pa ang anak niyo. Hindi ko ho iyan papayagan,"matatag na balik-sagot ni Rudny na nanatiling yakap-yakap ang umiiyak na si Beatrice.
"Tama na Vicenti! tama na!"nagsisigaw na awat ng Donya. Sa sandaling iyon ay muling bumalik sa sistema ng ginang ang trauma ukol sa pananakit ng dating asawa na si Don Vicenti sa kanya. Agad naman itong inalo ni Camilla.
Sa sandaling iyon ay saglit na namagitan ang katahimikan sa pagitan nilang lahat. Ngunit, makaraan ang ilang minuto matapos na makaalis si Donya Clarisse at Camilla ay muling nagsalita si Don Vicenti.
"Wala kang alam sa pinagdadaanan ng pamilya namin Rudny. Gayong hindi mo naman alam ang halaga ng isang pamilya dahil hindi ka pa nagkakaroon ng sa iyo para pangunahan mo ako sa pagdidisiplina sa mga anak ko..."baling nito sa binata.
"...at Ikaw, Bea makinig ka. ipapahanda ko kay Manang na ayusin at ihanda ang lahat ng kagamitan mo dahil hindi ka na muling makakatapak sa mansyon! Simula sa araw na ito ay wala ka ng ama!"Matapos sabihin iyon ay tuluyan na silang tinalikuran nito
Muling bumukal ang luha sa mga mata ni Beatrice.
"Bek-Bek if you need something I'm here to help you, okay anytime... anywhere,"pagbibigay ng assurance ni Rudny.
Hindi naman umimik si Beatrice, sa oras na iyon ay wala siyang ganang makipag-usap. Maging man kay Rudny, she just want to be alone that time.
Napabuntong-hininga ang binata, nahahati siya ngayon sa pipiliing desisyon ukol sa kasama.
Ang ipinakikiusap ba ni Novice na huwag niyang pababayaan si Beatrice o ang ipinapagawa ni Don Vicenti na tuluyan itaboy niya sa buhay ang dalaga.
Kung ano man ang magiging desisyon niya sa huli ay titiyakin niya na ang mas makakabuti pa rin sa babae ang pipiliin niya sa huli.
Hindi man niya matugunan ang nararamdaman ni Beatrice ay nirerespeto at isa ang babae sa importanteng tao sa buhay niya.
SA sandaling iyon ay nagpresenta si Rudny na samahan si Beatrice na kuhanin ang mga gamit sa mansyon.
"Hindi ko alam na ngayon na mag-uumpisa ang tatay mo,tsk!"Naiiling na pagbubukas ng usapan ni Rudny sa katabi nito sa sasakiyan na si Beatrice na nakatingin lang sa labas ng bintana.
Tinutukoy ni Rudny ay pagkuha ng susi ng sasakiyan ni Beatrice ni Don Vicenti.
Sa totoo lang ay naawa siya sa babae dahil siya ang dahilan kung bakit pinag-iinitan ito. He felt guilty.
"Sorry for what happened,"maya-maya'y nasabi ni Rudny upang maging dahilan ng paglingon ng dalaga sa kanya. Kababakasan ng lungkot ang mata nito.
"Huwag mo ng intindihin iyon, choice ko ito. Saka hindi ko naman ikamamatay na mawalan ng mana at luho na bigay ni Daddy. All I need is you Ruru... "
Gusto niyang batukan si Beatrice dahil ang seryuso na ng usapan nila, pero heto at nakukuha pa rin na isingit ang nararamdaman sa kanya.
"Sana kasi ay sinunod mo na lang siya,"nasabi na lang niya.
Bigla naman ang pagsasalubong ng kilay ni Beatrice.
"Parang sinabi mo na rin na dapat na kitang layuan. B-bakit i-iyon din ba ang gusto mo, sawa ka na ba sa akin?"hindi na maipinta ang mukha ng dalaga.
Nasapo naman ni Rudny ang mukha na nakasentro ang atensyon sa pagmamaneho. Hindi niya matagalan na tumagal ang pagkakatigan nila.
"Hindi naman ganoon iyon,"mahina ang boses na saad ni Rudny.
"Eh, ano? hindi mo ba ako mamimiss kapag nangyari iyon? Dahil ako... oo mami-miss kita,"hirap na saad ni Beatrice.
"Ayaw lang kitang nahihirapan, mami-miss? asa ka!"halakhak ni Rudny.
Bigla naman ang ginawang pamamalo ni Beatrice sa braso ni Rundy.
"Ang sama mo! kainis ka! kung hindi lang kita mahal... hmp! I hate you!"tili ni Beatrice.
"Kumalma ka nga, nagmamaneho ako gusto mong bumangga tayo at maaksidenti!"saway ni sigaw Rudny na mabilis na kinabig ang manibela.
"Mas okay na iyon para hindi na tayo magkahiwalay."Napahalakhak si Beatrice sa itsura ng katabi.
"May sira ka na talaga sa utak ano!"gigil na saad ng binata.
Lumipas ang sandali na nanatili na lang sa daan ang pansin ni Rudny. Habang si Beatrice naman ay tuluyan nakaidlip sa tabi niya.
Malalim na rin ang gabi at limang oras din ang byahe mula sa pinangalingan nilang resort hanggang Manila.
Saglit siyang tumigil upang magpa-refill ng gas at makapagyosi.
After five minutes ay muli na naman niyang pinaandar ang kotse, binalingan niya si Beatrice na mahimbing na mahimbing ang tulog sa kinauupuan nito.
Sinulyapan ni Rudny ito nang mag-stop light, kita niyang may tumabing mga ilang hibla ng buhok ni Beatrice sa mukha nito.
"Hindi kita ma-mi-miss iyon ang inaakala mo, pero... hahanap-hanapin ko ang kakulitan mo. Malulungkot ako tiyak kapag dumating na ang panahon na dapat mo na akong kalimutan,"bulong ni Rudny.
Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip ni Rudny at ganoon ang naging move niya. Hindi lang iyon,hindi rin niya napigilan titigan ang magandang mukha nito sa ilang segundo. Kung hindi pa niya nadinig ang sunod-sunod na busina galing mula sa mga sasakiyan sa likuran ay hindi pa niya ititigil ang ginagawa.
"Your weird!"pagalit na sita ni Rudny sa sarili.
"A-anong nangyari?"napapahikab pang pagtatanong ni Beatrice na nagising pala.
"W-wala, ang mabuti pa'y dumiretso na tayo sa condo ko. Bukas ko na ipapakuha ang mga gamit mo,"suggestion ni Rudny.
"Bahala ka, kahit saan pa iyan ayos lang. Basta ikaw ang kasama ko,"tugon naman ni Beatrice na may bahid ng magandang ngiti sa labi habang nakatitig sa nagmamanehong binata.
Nang lingunin at suklian din siya nito ng ngiti ay parang gumagaan na rin ang kinakaharap niyang mabigat na pinagdadaanan na problema ukol sa ama.