ARAW ng engagement nina Novice at Shaina sa Tagaytay nasa "Norshan Pamoso Resort" sila, pag-aari lang naman ng babae iyon. Iba't ibang mga t.v personal sa media ang naka-attend sa p?unexpected at prestiyusong engagement ngayong taon ang "Monuz-De Guzman Engagement party". Isang sunset theme ang napili ng groom to be ni Shaina na si Novice.
Tuluyan umibis sa sinakyan si Rudny. Agad niyang tinanggal ang suot na itim sunglass, ang ilan malalapit na tao' y napapasulyap sa kanya. Pinabayaan niya lang ang mga iyon, tahimik siyang naglakad papasok. Napangiti siya nang maalala niya ang pinagka-abalahan ng matalik niyang kaibigan na si Novice sa lumipas na tatlong araw lang naman.
Agad niyang tinapik ang balikat ni Lawrence na nakatayo habang hawak nito sa magkabilang-kamay ang kambal nito na nakatutok din ang tingin sa nag-uusap na si Shaina at Novice sa may gilid ng pool.
"Naks! may paganito pa palang nalalaman si Novice huh!"nabigkas ni Rudny habang sumasabay na pumapalakpak sa mga taong dumalo. Sa harapan ay kitang-kita lang naman niya ang nakaluhod na si Novice sa harap ni Shaina, habang may tangan-tangan itong sing-sing sa daliri. Maya-maya'y narinig at nakita ng lahat na tinanggap na ng babae ang proposal ng binata.
"Your here!"Tuwang-tuwang naman na ani ni Beatrice na mabilis na tumalon sa likuran ni Rudny.
"Ano ba! Ayan ka na naman."Naiiling na saway ng binata kay Beatrice na nanatiling nakakapit mula sa likod niya. Pilit na ibinababa niya ito ngunit talagang mahigpit ang pagkakakuyapit ng magkabilaang binti nito sa beywang niya. Maging ang mga braso nito ay ganoon din sa may balikat niya.
"Ayuko nga! sarap-sarap nga ng pwesto ko hmmm..."paglalambing ni Beatrice na idinampi pa ang pisngi sa likod ng binata.
"Wala ka na talagang magawa ano Bek-Bek every time na magkita tayo ay kung ano-ano na lang pinaggagawa mo para magpapansin."
"Aba! siyempre habang may buhay ay gagawin ko ang lahat para tuluyan kang mahulog sa akin,"panunukso ni Beatrice habang tinusok-tusok pa nito ang pisngi ni Rudny.
"Bahala ka na nga,"wika nito at tuluyan na nitong hinawakan ang magkabilaang binti ni Beatrice. Para hindi ito tuluyan mahulog.
"Kumapit kang maigi Bii baka mahulog ka!"tili naman ni Penelope.
"Mahuhulog ba iyan kung parang tuko na makakapit!"dagdag naman ni Farah na nagtatawa.
"Hee! Manahimik kayo, inggit lang kayo!"balik-sigaw ni Beatrice.
Sa sandaling iyon ay naglakad lang si Rudny. Nag-umpisa na kasing magkainan ang mga taong dumalo.
"Parang iba ka ngayon?"ngingiti-ngiting bulong ni Beatrice.
"Ano naman iba sa akin aber?"tanong ni Rudny na tumigil sa tabi ng pool sinipat-sipat nito ang kabuuan niyon tiyak niyang tamang-tama iyon sa naiisip niyang mangyari.
"Parang... ang sweet mo lang. Ayee! baka kasi may nararamdaman ka na rin sa akin hindi mo lang sinasabi."Kasabay niyon ang paghagikhik ni Beatrice na halatang kinilig sa nasabi.
"Talaga iyon ba ang pagkakaintindi mo? baka naman kailangan mong maligo para tuluyan kang magising sa pangangarap mo sa akin."Hindi na niya hinintay na makapagsalita si Beatrice dahil tuluyan niyang hinulog ito sa pool. Pagkatapos niyon ay malakas lang na nagtatawa ang binata. Hanggang sa...
"Hey! Beatrice! ahon na!"Sigaw ni Rudny. Dahil halos isang minuto na ang nakalilipas nang ihulog niya ang dalaga sa pool, ngunit ni ulo nito'y ay hindi pa niya nakikitang lumitaw! Hindi pa siya kinabahan sa buong buhay niya. Ngunit sa sandaling iyon ay labis-labis na ang pag-aalala niya.
Napalingon siya, walang tao sa paligid dahil nasa food area ang lahat.
Hindi na nagdalawang-isip na tumalon si Rudny sa pool. Mabilis siyang sumisid at hinanap ang babae. Nakita niyang nasa ilalim ito ng parte na pool, nakapikit at tila wala ng buhay.
Dahil sa naiisip ay mabilis siyang lumangoy at matapos niyang malapitan ito ay dali-dali na siyang naglalangoy paahon kasama ito.
"Bek- Bek! Oh God! please wake up! sweetheart..."panic na paggising niya rito. Habang tinapik-tapik pa nito ang magkabilang pisngi ng babae. Ngunit nanatiling nakapikit ito.
Isang paraan na lang ang naiisip ni Rudny na dapat niyang isagawa iyon ay mouth to mouth resuscitation.
Inilagay na niya ang palad sa may dibdib nito at inumpisahan na ang hakbang. Akmang idadampi na niya ang labi ng bigla magtatawa si Beatrice. Halos namimilipit na nga sa kakatawa ito habang nakasapo pa sa tiyan nito.
"Grabe! naniwala ka talaga! galing talaga ng acting skill ko. Pero sayang sana napigilan ko ang sarili ko para naman nakahalik ka rin,"pangangantiyaw ni Beatrice.
Si Rudny naman ay hindi nakapagsalita pulang-pula na ito sa galit, naniningkit ang mata nitong nakatitig sa nagtatawang babae. Naiiling na lang siya sa pagka-childish nito at dahil na rin sa talo siya dahil dapat si Beatrice ang dapat nabiktima pero ang nangyari siya itong nayari.
"Bwesit ka! huwag mo ng uulutin iyon hindi magandang biro ang ginawa mo! Lalo't parehas na tayong basa!"paalala niya rito na naiiling ang ulo.
"Don't worry I can manage."Kasabay niyon ang pagtayo ni Beatrice. Parang slow motion ang ginawang pagtanggal ng dalaga sa suot nitong dress na tuluyan bumaba sa lapag. Now the woman only wearing a black two piece swimsuit.
"Bagay ba sa akin?"tanong ni Beatrice na umikot-ikot pa at nagpoise sa harapan niya.
"H-hindi bagay sa'yo, palitan mo nga iyan!"nauutal na malakas niyang sabi kasabay ng sunod-sunod niyang paglunok. Mabilis niyang iniwas ang mukha sa magandang hubog ng katawan ng babae.
"Duh! Ang sama mo bagay ko kaya, see ang ibang lalaking narito panay ang tingin sa akin,"bulong ni Beatrice sa teynga ni Rudny na napaigtad sa ginawa niya.
"Lumayo ka nga! pwedi bang magpalit ka kung may hiya ka pa. Alam mo ba kung ano talaga nasa isip nila, para kang mumurahin na babaeng hindi na virgin!"bulyaw ni Rudny. Kita niya ang pagkagulat sa mukha ni Beatrice.
Maging siya man ay hindi niya inaasahan na masabi iyon.
"Ang sama mo Ruru! anong akala mo sa akin hindi na birhen, pwes halika papatunayan ko!"asik ni Beatrice na agad hinila ang lalaki.
"Ano ba! Bitiw!"sigaw ni Rudny. Binitiwan naman siya ng dalaga.
Sa sandaling iyon ay nagtitigan lamang sila.
"Ikaw sumusobra ka na anong akala mo sa akin, hindi porke't nag-aral ako sa States at ganito ako mag-isip ay hindi na ako matinong babae! pwes papatunayan ko sa'yo na mali ka ng iniisip!"dagdag pa ni Beatrice. Masamang-masama ang loob niya ng mga oras na iyon.
"Tama na, pwedi ba kahit ngayong araw lang ay huwag mo akong guluhin. Get a life,"sabi ni Rudny na tuluyan tinalikuran ang babae.
"Ganoon, wala kang sasabihin bago mo ako layasan!"himutok ni Beatrice.
"Pinagsasabi mo?"nalilitong tanong ni Rudny na nagsalubong pa ang kilay.
"Hindi ka magso-sorry sa pang-iinsulto mo sa akin tungkol sa p********e ko. Kung sa'yo hindi big deal na minamaliit mo iyon ako malaking bagay sa akin na hindi dapat pinapalagpas!"matatag na ani nito.
"I'm sorry! ayan okay na pwedi na akong umalis!"walang pakundangan na sabi ni Rudny.
Naikuyom naman ni Beatrice ang dalawang palad. Akmang pagsasampalin niya ang binata ng mabilis na hinawakan sa magkabilang palapulsuhan ito ni Rudny. Mabuti na lamang at nasa tago silang parte ng resort kung 'di tiyak na mapag-uusapan pa sila.
"Hey! tigilan mo ako Bea! Pinalagpas ko na ang ginawa mong pagsampal sa akin sa Heaven's Peek Club House. Huwag na huwag mo ng mauulit iyon dahil hindi ko na palalagpasin!"gigil na banta ni Rudny.
"Bakit ano gagawin mo huh!"bulyaw naman niya.
"Basta makikita mo kapag naging bad ka pa! Kaya sige na layo! baka hinahanap ka na ng Mommy at Daddy mo!"utos niya na tuluyan binitiwan ang dalaga.
Isang pag-irap na lang ang ginawa ni Beatrice kay Rudny bago ito tuluyan nagtatakbo palayo.
Napabuga naman ng hangin ito, sinipat niya ang sarili. Mabuti na lang at may extra clothes pa siya sa sasakiyan. Ipapa-dryer na lang niya ang suot para matuyo agad.
"Nangyari sa'yo?"ang biglang pagsulpot ng tinig.
Nilingon naman niya iyon at si Novice ang nakita niya kasama si Lawrence.
" Basang-basa ka,"dagdag ng isa.
"Obvious ba tiyak kong si Bea na naman ang may kagagawan niyan. Am I right?"wika ni Novice.
"Yeah, bakit ba kayo narito?"tanong ni Rudny.
"Hinahanap ka namin at tama nga ang sinabi ni Novice na baka magkasama kayo ng kapatid niya,"sagot ni Lawrence.
"Ganoon ba pwedi favor Novice, pagsabihan mo nga iyang kapatid mo na palitan ang suot niya, s-sobra daring kasi,"suhestiyon ni Rudny sinabayan na siya ng dalawa sa paglalakad hanggang sa may sasakiyan niya. Tuluyan na niyang kinuha ang mga ipamamalit niya sa nabasang damit.
"Pati ba naman iyon pinu-problema mo. Ako nga hindi niya pinapakinggan, bayaan mo na matanda na si Bea para malaman kung ano ang mabuti para sa kanya. Sa ngayon let's enjoy today!"Tuluyan inakbayan nito si Rudny matapos na makapagpalit ito.
Hindi na nagkomento si Rudny, ngunit hindi siya sang-ayon sa naging sagot ng kaibigan niyang si Novice ng tungkol sa bagay na dapat ay itama para sa ikabubuti ng nakababata nitong kapatid na si Beatrice.
KASALUKUYAN nasa pool area sina Beatrice at ang dalawa nitong kaibigan na sina Farah at Penelope na kasa-kasama ang mga boyfriend ng mga ito.
"Ikaw bii, kailan mo ba balak na magka-boyfriend aba't five years ago pa yata ng huli kang magkaroon ng karelasyon,"ani ni Penelope na nakasandig sa bisig ng boyfriend nito.
"Paano magkakaroon ng manliligaw iyan, eh siya na ang nan-re-reject at nagsasabing may boyfriend na siya,"sabad naman ni Farah. Kasalukuyan itong nakikipagsayaw sa boyfriend nito.
"Tumigil nga kayo, basta! one of this day ay magiging kami rin ni Rudny I swear!"Itinuloy niya ang pag-inom sa hawak niyang scotch.
Iginala niya ang tingin, maraming dumalo na bisita sa naging engagement ng Kuya Novice niya. Parehas na kilala ang dalawa kaya hindi na niya ipinagtaka iyon. Karamihan sa mga kilalang tao sa business world ay naroon. Maging mga pulitiko at ibang sikat na artista. Akmang idadampi niya sa bibig ang baso ng mapansin niya ang pagkakagulo ng ilang mga kabataan sa isang bahagi ng pool area kung saan sila naroon.
Napataas ang kilay niya nang tuluyan niyang mapag-sino lang naman ang taong pinagkakaguluhan ng mga ito.
"Hey! Bea hindi ba't ang half sister mo iyon?"turo ni Penelope sa direksyon ng dalagita.
Nakasuot lang ito ng puting two piece swim suit. Sa desinyo lang naman nito ay lamang na lamang ang nipis at vulgarity niyon. Sa unang tingin ay hindi na napagkakamalan si Camilla na katorse lamang dahil sa taas nito at hubog ng pangangatawan tulad ng Beenti singko.
"Wow! infairness kabog ang outfit niya ngayon kaysa sa'yo!"wika naman ni Farah na nakatingin sa direksyon ni Camilla na patuloy lang na pinapalibutan ng ibang tao.
Iniikot niya ang mata at iniiwas na niya ang titig dito. Mula sa kabilang banda ay nakita lang naman niya si Rudny na nakasuot na ng swimming trunks.
"Ooohh! that's what I like,"anas ni Beatrice habang pinagmamasdan lang naman niya pababa ang eight pack abs nito.
Tumayo na siya at plano na niyang lapitan ang binata nang biglang magsalubong ang dalawa niyang kilay sa nakita.
Dali-dali siyang naglakad, hindi niya pinakinggan ang pagtawag ng dalawang kaibigan niya. Ang gusto lang niyang gawin ay ilayo si Rudny sa half sister niyang malandi!
"Hey! layuan mo nga si Ruru! malandi ka!"Hila niya sa braso ng dalagita. Tuluyan naman itong nailayo mula sa pagkakayakap kay Rudny.
"A-ate B-Bea—"Ngunit hindi na pinatapos ni Beatrice ang iba pang idadahilan nito. Dahil magmula nang isilang ito ng Mommy niya ay wala na itong ginawa kung 'di kuhanin ang atensyon ng ina na dapat ay may karapatan din siya!
Pinagsasabunutan na niya ito at sinampal. Tuluyan ng nagdilim ang isip ng dalaga, umapaw ang kinikimkim niyang galit sa lumipas na taon.
"Hey! stop it!"sigaw ni Rudny ng tuluyan mailayo nito si Beatrice sa half sister nito na nag-iiyak na at halatang nasaktan sa ginawa ng nakatatandang kapatid.
"At bakit ako titigil huh! siya ang pagsabihan mo dahil kay bata-bata pa pero ano ang ginagawa? nagagawa ka pa niyang landiin kahit alam niyang may gusto ako sa'yo!"masama ang loob na sabi ni Beatrice.
Dahil sa nangyaring kaguluhan ay nakaagaw na sila ng atensyon sa mga bisita.
Sa kalagitnaan ng pagkakagulo ay dumating si Novice, kasama nito ang fiance na si Shaina.
"Ano na naman ito Beatrice?"galit na tanong ni Novice.
"Hon, easy..."pagpapakalma naman ni Shaina rito.
"Paano ako kakalma, she ruin our engangement party,"sagot ni Novice.
"Siya ang nauna, nilalandi niya si Rudny,"sumbong ni Beatrice.
"Bek-Bek wala naman ginagawa si Camilla, inalalayan ko lamang siya dahil muntik na siyang madulas,"explain naman ni Rudny.
"T-totoo iyon a-ate."si Camilla na humihikbi pa rin nanatili pa rin itong nakadikit sa lalaki. Habang si Rudny naman ay gustong-gusto ang pagkakalapit nilang dalawa.
"Magtigil ka! huwag kang sasabad, dahil hindi ikaw ang kinakausap ko!"asik ni Beatrice na akmang hahablutin pa ang buhok ng dalagita.
"Enough!"Sigaw ni Don Vicenti na kadarating lang din kasunod nito si Donya Clarisse.
"Ang mabuti pa'y magusap-usap tayo sa ibang lugar hindi rito. Pagpiye-piyestahan na tayo, halika na Camilla, Beatrice!"tawag ng nakakatandang babae.
Agad naman sumunod ang dalawa. Tuluyan naman na nahupa at nagpulusan ang mga bisitang nakiki-usyuso.
"Sumunod ka rin iho, may mahalaga akong sasabihin sa'yo,"baling naman ni Don Vicenti bago ito tuluyan naglakad paalis para sundan ang dalawang anak na babae.
"Pasensya ka na Rud,"paghingi ng dispensa ni Novice na tinapik-tapik pa ang balikat ng kaibigan.
"Okay lang inaalala ko lang ang matatanda, hindi sila sanay sa ganito,"usal ni Rudny.
"Huwag kang mag-alala ngayon si Dad na ang nakakita sa pageeskandalo ni Beatrice ay tiyak kong may kalalagyan na siya,"sabi ni Novice.
"Sure ka ba?"wika ni Rudny.
"Mark my word, kilala ko si Vicenti,"nanunuyang saad ni Novice bago tuluyan sumunod si Rudny kina Don Vicenti.