Prologue
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Lahat po ng ginamit na pangalan, lugar, pangyayari at iba pa, ay produkto lamang ng imahinasyon ng manunulat.
This story contains some mature scenes and strong language that are not suitiable for young audience.
Please stop spreading hate on the typographical errors, I am not an expert. I am just expressing myself through writing. Thank you for reading and enjoy!
°°°°°°°°°
“Ang ganda naman dito.” Nagniningning ang mga matang sabi ko. “Parang ayoko nang umalis.”
“Hindi pwede e.”
Tinignan ko sya sa mata. “Ang alin?”
“Lahat. Hindi pwede ang lahat.”
Ngumiti ako at muling tumingin sa mga bituin. Tama naman siya. Hindi talaga pwede ang lahat. Parehas kaming natatakot sumugal, naduduwag, at kuntento na sa pagtatago ang parehas naming nararamdaman.
“Hindi pwede.”
“At least, we felt love in October.”
Nginitian ko syang muli.
Sapat na ba sayo yon?