“Gusto kita.”
Nabigla ako sa sinabi nya. Nanlaki ang mata ko panandali at natawa. “Ara gusto rin naman kita e!”
“Ha?” takang tanong ngunit kinunutan ko lang sya ng noo. “A-ahh hahaha oo nga!”
“Hindi naman kita papatuligin sa bahay kung ayaw ko sayo e.” Sabi ko at inunahan syang pumasok sa loob ng bahay. Napakahawak ako sa dibdib ko na napaka lakas ng kabog. Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinagot ko pero iba ang pakiramdam nung sinabihan nya akong gusto nya ako. Narinig ko ang pag sunof ni Ara kaya nag mamadali akong humiga at ipinikit ang aking mga mata.
Nagising akong wala na si Ara at Marta sa tabi ko nandon sila sa kusina at nag tatawanan, amoy ko naman ang pancake na hinanda nila para sa umagahan. Tumayo ako at lumapit sa kanila pare parehas kaming naka pantulog pa at magugulo ang buhok.
“Gising na ang mahal na prinsesa!” Pang iinis ni Marta, tumabi ako kay Ara na humihigop ng kape. “Kainan na!” Sabi nya at ibinaba ang pancake sa gitna ng mesa. Inilabad nya ang chocolate syrup at butter mula sa ref. Buong oras ng pagkain namin ay si Marta lang ang salita nang salita. Nakakapagtaka ang pananahimik ni Ara parehas naman silang nag-iingay kanina.
“Sige na, Ara, ako na magliligpit.” Pigil ko kay Ara na pinagpapatong-patong ang plato. Ngumiti sya sakin at lumabas ng bahay. Nagmamadali akong iligpit ang pinagkainan at pinunasan ang lamesa. Sinundan ko si Ara sa labas ng bahay. “Tahimik ka ata.” Hindi sya sumagot at ngnitian lang ako. Pumasok sya sa loob para magpaalam kay Marta lumabas syang muli at tinignan ako.
“Uwi na ako, Maia.” Hindi nya manlang inintay ang sagot ko at lumabas na ng gate. Napayuko naman ako at tinignan ang mga palad ko.
Bakit ka nagkakaganyan Ara?
Lumipas ang araw ay ramdam na ramdam ko ang pag-iwas ni Ara sa akin. Madalas pa rin ang pag punta nya sa bahay namin pero si Marta ang madalas nyang kausapin. Dati ako ang una nyang hinahanap at kakatukin pa ako sa kwarto ko. Saakin sya maraming sinasabi parati lahat ng iyon ay ginagawa nya na kay Marta. Bumaba ako sa salas at natanaw silang nag tatawanan, naka suot ng apron si Marta habang nakaupo sa stool si Ara na binabasa ang cooking book. Huminga ako ng malalim at ngumiting nang malaki bago lumapit sa kanila.
“Wow mukhang masaya ang ginagawa nyo ah.” Singit ko Nakita ko naman ang pagbabago ng ngiti ni Ara mula sa malaking ngiti ay nagging peke ito. Nilingon ako ni Marta na mabilis na tumango.
“Nagsuggest si Ara ng churros kaya nagcrave ako.” Sabi nya habang naghahalo ng paste. “Try ko rin gumawa ng chocolate na sawsawan Haha!”
“Masarap yon melt tayo ng chocolate.” Masayang sabi ni Ara. Hindi nya ako tinitignan.
“Ara.” Tawag ko. Nakangiti nya naman akong nilingon.
“Bakit?” Napaka ganda ng mata nya nang lingunin nya ako. Namiss kong kausapin moa ko.
“W-Wala.” Sabi ko at umiling. Ibinalik nya mata nya sa cooking guide. Nakapagluto na ng Churros si Marta nag melt din sya ng chocolate. Sabay-sabay kaming kumain ng merienda at nang matapos ay nagmamadaling nagbanyo naman si Marta.
“Wait brb jebs na jebs na ako.” Sabi nya at napatakbo sa banyo.
“Tahimik ka ata.” Puna ko kay Ara na nagsimula na manahimik nang dumating ako kanina.
“Masama ang pakiramdam ko e.” Sabi nya nang hindi tumitingin sakin.
“Sus. Matagal-tagal na rin tayong magkakilala Ara no, pag may sakit ka mas madaldal ka no.” Nilingon nya ako at ngumiti.
“Sorry. Wala talaga ako sa mood.” NAtahimik ako sa sinabi nya. Tumayo sya sa upuan at nilinis ang pinaggawaan ni Ara. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang problema nya saakin. Bigla nalang syang nabadtrip o parang umiwas sa akin.
“Wag ka sanang ganyan. Sabihin mo yung dahilan sakin para makahingi ako ng sorry sa mali na nagawa ko.” Sabi ko at umalis sa harap nya. Hindi nya manlang nya ako nilingon pero napansin ko ang pagkagulat sa mukha nya.
Umakyat ako sa taas at pumasok sa muli sa loob ng kwarto ko. Inon ko ang laptop ko, dumapa ako sa kama at nanood ng Kdrama. Sinubukan ko naman syang kausapin halos tatlong araw ang nakalipas nang gabing iyon pero ayaw nya pa rin, rerespetuhin ko ang desisyon nya na iyon. Pero alam nya na ang pinaka-ayaw ko ay yung biglang nagbabago o hindi nagpaparamdam, alam nyang ganon ang ginawa ni Clark sa akin.
Nagtiwala ako sayo Ara, pero bakit parang katulad ka rin nya.
Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog, tinignan ko ang oras sa cellphone ko, alas dos na ng madaling-araw. Bumangon ako sa kama at isinuot ang jacket nan aka sabit sa likod ng pinto bago ako lumabas. Lumabas ako ng bahay at nag lakad-lakad. Ganito ang madalas kong gawin noong panahong iniwan ako ni Clark. Naglakad-lakad lang ako sa village namin. Napahinto ako sa park nang may makitang babae na nag sswing, hindi ko alam ang mararamdaman ko pero kinabahan ako. Naglakad takbo ako paikot sa village pero mas kinabahan ako nang tumayo ang babae at lumakad papunta sakin. Mas binilisan ko ang pag lakad pero binilisan din ng babae.
“Maia!” Nagulat ako nang tawagin nya ako. Pamilyar ang boses nya pero kinakabahan parin ako kaya tumakbo na ako. Laking gulat ko nang hilain nya ang jacket ko sa bandang batok.
“Ahh!!” Sigaw ko at ipinikit mata ko.
“Maia? Hahaha ako to.” Idinilat ko ang mata ko at nakita ko sa Ara na tawa nang tawa. “Ang cute mo naman!” Sabi nya at muling tumawa.
Himala pinapansin mo ako.
Tinignan ko sya ng masama at ngumuso bago sya tinalikuran at nag simulang maglakad ulit.
“Maia! Maia, wait lang. Huy!” Habol nya sakin ay hinawakan ang pulsuhan ko. “Sorry na nga.”
“Para saan?” Sabi ko at inagaw ang kamay ko.
“Naguguluhan lang ako. Masyado akong maraming iniisip.”
“Tulad ng?” Hindi sya sumagod. Nagulat ako nang hilain nya ako pabalik sa playground at pinaupo sa swing, umupo naman sya sa kabilang swing. Tumingin sya sa langit kaya napatingin din ako naramdaman ko ang pagkinang ng mata ko nang makita ang mga bituin.
“Maia, gusto kita like not friends like, like like.” Napakunot ang noo ko. “I know. I shouldn’t be feeling this way pero hindi ko mapigilan. I just know that the way I treat you was different.” Matagal akong natahimik. Muli akong tumingin sa langit at humingang malalim. “Im sorry. Baka guni-guni ko lang yon, Maia. Wag mo na isipi—”
“Pwede naman siguro nating subukan.” Ani ko na hindi ko rin alam bakit ko nasabi. Ibinaba ko ang paningin ko at tinignan sya sa mata. Kumikinang ang mga mata nya dahil sa mga liwanag na galing sa langit. Hindi ko man aninag ang mukha nya ay alam kong nabigla sya sa sinabi ko.
“A-Ano?” Matagal ako bago nakasagot sa sinabi nuang iyon.
“H-Ha?” Utal na sagot ko.
“T-Talaga ba?”
“Ano ka ba, Ara!” Natatawang sabi ko. Napatayo naman sya at cute na sumimangot.
“Totoo ba, Maia?” Parang naiiyak na sabi nya.
“Oo nga!” Napangiti sya at humawak sa pisngi.
“Yieee!” Sigaw nya at patabok niyakap ako, niyakap ko rin sya pabalik. Nasisiguro ko sa sarili na masaya ako at hinding hindi ko pag sisisihannang desisyon na ito. Hindi mali ang magmahak muli lako pa't naramdaman mong muli yung saya na kaya niyang ibigay .
Araw-araw kaming magkasama ni Ara. Tuwing gabi naman ay magkachat kami. Nakaktuwa na nararamdaman ko na ulit na may nagmamahal sakin. Nanonood ako sa laptop ng kdrama nang magring ang phone ko alam kong si Ara iyon kaya naka-ngiti ko itong sinagot.
“Kumain ka na?” Tanong nya sa akin.
“Yes po. Ikaw?”
“Kakatapos lang ganda. Nanonood ako ng kdrama, any recommendations.”
“Try mo yung Scarlet Heart luma na yon pero favorite ko yon. Sobra!”
“Bet ko yan kasi bet mo.”
“Talaga ba?”
“Oo, pero mas bet kita.”
“Maharot ka girl”
“Ikaw lang naman hinaharot Haha!” Narinig ko ang malakas na halakhak nya kaya inilayo ko ang phone sa tenga ko. Natapos ang mahigit isang oras nap ag-uusap namin sa cellphone. “Sige na. Mwa.” Sabi nya
“Sige babye.” Paalam ko naman. Ngayon ko masisiguro sa sarili ko na nakakaramdam akong muli ng saya, na nag mula sa hindi ko inaasahang tao. May mga bagay talaga na darating unexpectedly at wala kang magagawa kung hindi ang magpasalamat dahil dumating ito sa buhay mo. Akala ko noon hindi na ako magiging masaya at patuloy lang na guguluhin ng nakaraan ko pero nagkamali ako.
Salamat dahil pinasaya mo akong muli Ara