Kakaiba ang atmosphere nang madaling araw na yun pagkagising ni Flora Amor. Sa wakas, di na niya narinig ang maingay na bunganga ng ina. Paano'y nauna siyang bumangon dito. Tapos na kasi ang kanilang finals kaya walang dahilan para magpuyat siya at tanghaliin ng bangon. Kagabi pa lang nagdesisyon na siyang babangon lagi nang maaga lalo at isang linggo nang gabi-gabing umuuwi ang ama sa kanila. Tutulungan na niya ang mga magulang sa trabaho. Hindi na siya magiging pabigat sa mga to. Simula ngayon magiging mabuting ate na siya sa mga kapatid. Maraming oras na ang mailalaan niya sa pamilya ngayong tapos na ang klase at pasahan na lang ng mga requirements at projects mamaya. Nagsaing na siya agad ng kanin at nagprito na rin ng tocino, talong at itlog para sa agahan nila. "Oy! Anong nakain

