SUMMER’S POV “WHAT the f*ck are you doing here, Kiefer?!” bulalas ko nang may nanlalaking mata. Naagaw ko ang atensyon ng mga tao na nasa malapit ngunit wala akong oras para pansinin pa iyon. I don’t f*cking care! Tila ako pinagbagsakan ng langit at lupa nang mabungaran ko ang mukha ng damuhong ’to. Sapo-sapo niya pa ang parte ng kaniyang mukha na tinamaan ng kamao ko. Takte, ramdam ko rin ang hapdi sa kamay ko kaya mahina ko iyong pinaypay. Sa tigas ba naman ng mukha ng hayop na ’to. Suwerte na lang at hindi nagkandabali-bali ang buto ko sa kamay. Napasimangot siya at umaktong naiiyak na. “Ang sama mo sa akin, Sam. Bakit ka nananakit, ha? Akala ko ba lawyer ang gusto mo, bakit parang gusto mo nang maging kriminal?” kunwari ay umiiyak na tanong niya. Hinihilot-hilot niya pa ang panga

