SUMMER’S POV NAPANGIWI ako dahil sa kanilang sinabi. Gusto kong kontrahin ang mga ito ngunit ano naman ba ang pakialam ko? Duh. They can think whatever they want to, the hell I care. As long as alam ko na hindi naman ’yon totoo. They don’t even know me. “Enjoy the concert, Ma’m!” paalam nila sa akin, tipid ko silang nginitian. Pagtalikod ko ay naroon ang mga tingin ng ibang tao na gusto ring bumili ng merch. Nagsiatrasan sila nang humakbang ako, akala mo naman kakagatin ko sila. Muntik nang mapaikot ang bilog ng mga mata ko nang mahuli ko pa silang humagikhik na tila ba kinikilig. Nawala lang sa kanila ang atensyon ko nang biglang namatay ang mga ilaw sa paligid, tanging ang malaking spotlight na nasa gitnang bahagi ang maliwanag at ngayon nga ay nakatutok na sa entablado. Magsisimula

