SUMMER’S POV HINDI ko alam kung bakit iyan ang lumabas sa bibig ko. Wala lang, siguro ay gusto ko lang siyang inisin para tigilan niya na ako. Nakakapikon na rin kasi minsan. Iba kasi ang pakiramdam ko, eh. He was like this when he wooed me years ago. Very makulit, papansin, and pasulpot-sulpot lang kung saan. Na para bang ayaw akong tantanan ng kakulitan niya. May time nga na napagkamalan ko siyang holdaper dahil sa bigla niyang pagsulpot sa likuran. We ended up in the police station, gosh! I sighed. “Wow, in love ka? Kanino? Kay Hiro?” Pinulot niya rin naman agad iyong nabitawan niyang paperbag, napailing na lang ako sa kashungahan niya. “Eh, lamang naman ako ng sampung ligo sa kaniya, ah!” hindi makapaniwalang turan nito. Ang kapal ng mukha ng lintek na ’to. Hindi ko na lang siya

