Chapter 26: Long distance relationships SINCE okay naman na ako ay nagawa ko nang pauwiin sa Pilipinas si Haze. Doctor siya at alam ko naman na busy siya. Mas importante ang career niya, kahit ilang beses pa niyang sabihin sa akin na mas mahalaga ako. “Ayos lang sa iyo na umuwi na ako? Hindi mo na ako makikita araw-araw,” sabi niya, tapos tumutulis ang labi niya. Kaya pinitik ko iyon. “Kailangan mong umuwi, Haze. Kahit mami-miss kita ay ayoko namang mawalan ka ng career. Hindi mo nami-miss ang parent mo? Ang mga kapatid mo, ha? Ako na lang ba palagi ang inaalala mo?” Matiim niya akong tinitigan sa mukha at napabuntong-hininga. “Kung ganoon, magiging long distance relationship na tayo. Gusto mo ba iyon? Phone calls na lang ang komunikasyon natin?” tila nanghahamon na tanong niya. “Bas

