Chapter 27: Memories DheAvey’s Clothing Line Hmm, it’s familiar. Totoong hindi na ako nag-aaral talaga, kasi may sarili na rin akong clothing line. Hindi namin ito napuntahan ni Haze noong na-discharge ako sa hospital. Sa bahay lang kasi kami, nakapupunta lang naman kami sa ibang place kapag natatapos na ang therapy ko. Masyadong overprotective ang isang iyon. Tapos kapag hindi ko nasasagot ang tawag niya ay nag-aalala na agad siya. Ang nakababatang kapatid ko ang tinatawagan niya. Hindi naman ako naiinis kapag nararamdaman ko na clingy masyado ang boyfriend ko. Alam kong busy naman iyon, pero pagdating sa akin ay marami siyang oras. Sa pagpasok ko ay puro pamilyar na mukha ang nakikita ko. “Mga staff ko sila, kuya?” tanong ko sa aking nakatatandang kapatid. Siya kasi ang kasama ko

