Chapter 20: A home SINUOTAN ako ni Haze ng jacket niya bago kami umalis ng condo niya. Muli niyang binitbit ang maleta ko na kung naging tao lang ay baka nahilo na siya, and his arm possessively snaked around my waist. He guided me to get in the car and fix my seatbelt. “Are you sure na hindi ka pa gutom, Avey?” Umiling ako sa tanong niya. Kanina pa siya. “Doon na lang tayo sa house ninyo, Haze at puwede bang hinaan mo muna ang aircon ng kotse mo?” request ko kasi nanginginig ako sa lamig ng aircon niya. “Are you sick?” he asked me. Lumubo lang ang pisngi ko at muli akong napailing. “Don’t mind me at huwag mo akong masyadong kausapin dahil hindi pa tayo bati. Bilhan mo ulit ako ng plane ticket,” sabi ko at napabuga siya ng hangin sa bibig. “Parang kanina lang ay ayaw mong umalis ng

