Chapter 21: Their arrival “ARE you tired?” tanong ni Haze sa akin nang safe na lumanding ang eroplanong sasakyan namin. Bitbit na niya ang bagahe ko at ang hindi kalakihan niyang duffle bag ay nasa ibabaw ng maleta ko. Magkasiklop ang mga daliri namin at hinawakan ko rin ito gamit ang kaliwang kamay ko. “Hmm, a bit,” sagot ko at humilig siya nang bahagya sa akin at hinagkan ako sa gilid ng ulo ko. “Haze, baka mabigla ang parents ko kapag pinakilala kitang boyfriend ko. Ni hindi ka man lang nanligaw, eh.” “Alright I will court you, kung iyan ang inaalala mo. But for me, you’re still my girlfriend,” he answered. Pinisil ko lang ang braso niya. Ipinilit pa rin ang gusto niya. “Bahala ka, Haze.” I just shrugged my shoulders at mahinang natawa lamang siya. We just grab a taxi para ihati

