
Sa isang bansa na kung tawagin ay Fiore, naninirahan ang Walumpu't siyam na milyong bilang ng populas'yon. Ito ang mundong puno ng mahika. Mahalaga ang tungkulin nito sa buhay ng mga Salamangkero.
Sa isang bayan na kung tawagin ay Collusius, matatagpuan ang isang Academia na palaging nasasangkot sa iba't ibang uri ng kaguluhan. Ang Apreia Academy.
Isang babaeng nagngangalang Catra ang mapapadpad sa lugar na ito. Iba't ibang klaseng pagsubok ang kaniyang pagdadaanan. Dahil dito, mas lalo siyang magiging matapang, matibay, at matatag.
Sa lugar na ito, magkakaroon siya ng napakaraming kaibigan at nang nagtagal, itinuring niya na rin itong pamilya. At sa lugar din na ito, iba't ibang bagay ang kaniyang matutuklasan.
Anu-ano ang mga bagay na ito? Anu-ano ang mga bagay na kaniyang pagdadaanan? Sinu-sino ang kaniyang makakalaban?
Halina't samahan natin si Catra sa kaniyang paglalakbay, at alamin ang kaniyang tunay na pagkakakilanlan.

