Kanina pa ako rito sa likod ng academia habang nakaupo sa isang upuan. Pinagmamasdan ko rin ang isang napakalaking puno, na nasa aking harapan. Sa laki ng punong ito, hindi ko na matanaw ang mga dahon at sanga nito. Tanging ang mga dahong nalagas na lamang na sigurado akong, nagmula ito sa punong nasa aking harapan ang aking nakita. Rinig na rinig ko rin ang huni ng mga ibon mula sa itaas. Habang pinagmamasdan ko ang mga ito, may kung sino mula sa aking likuran ang tumawag sa aking pangalan. "Ano 'yon, Julius?" tanong ko sa kaniya nang hindi lumilingon. Makalipas ang ilang saglit, naramdaman ko na lamang ang kaniyang presensya sa aking tabi. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya, at agad na sumilay ang isang matamis na ngiti sa kaniyang labi. "Huwag ka ngang ngumiti," walang buhay na s

