Chapter 2

1638 Words
Jayzen’s POV First day of school excited na akong pumasok at makita ko ulit ang gwapo niyang mukha. Kaya naman pag gising na pag gising ko palang ay dali dali na akong naligo at nag ayos ng sarili. Humarap ako sa salamin at nakakita ako ng gwapo. Yes guys nagpagupit na ako at nagbihis lalaki. Kailangan kong careerin to para sa ikakawagi ng aking plano. Yung maganda kong mukha naging gwapo. Buti na lang 5”11 ang height ko kaya kung titingnan mo ko sobrang gwapo ko talaga. Sa hindi naman pagmamayabang eh medyo may kalakihan din nga ang akong pangangatawan dahil na rin sa araw araw ako sa gym dati. “Hija! Ah este hijo na pala. Jayzen lumabas ka na sa kwarto mo at mag almusal ka na dito. Maaga pa ang pasok mo sa school.” Sumisigaw na sabi sa akin ni Yaya Meling. Si Yaya Meling ay di na muna babalik sa mismong bahay namin dahil pinasasamahan ako ni Daddy dito. “Opo yaya, palabas na po ako.” Excited ako e magbabagal pa ba ako haha. Pagkatapos kong kumain ay sumakay na ako sa kotse ko. Yes may sarili na akong car regalo sa akin ito ni dad nung 18th birthday ko. Eto lang naman yung car na gustong gusto ko talaga. Ito ay Honda NSX kala niyo lambo or ferrari no. Nope ayoko na non kasw yun naman ang kalimitan e. Dali dali ko ng pinasibad ang kotse ko at nag drive na ako papuntang school. Pagpasok pa lang ng sasakyan ko sa parking area tinginan na lahat ang estudyante sa akin. Eto ang gusto ko e yung nasa akin lahat ang atensyon. “Wow sino kaya ang sakay ng magandang car na yan.” Nasa loob palang ako ng kotse rinig na rinig ko na mga bulungan nila. “Sure ako gwapo ang driver nan.” Malanding sabi naman ng isang babae. Oo sobrang gwapo na dati ay sobrang ganda. Napangisi na lang ako sa mga iniisip ko. Pagkaayos ko ng pagpark ko ay dahan dahan akong bumaba ng kotse ko. Pa suspense effect pa ba haha. Ang mga estudyante ay abang na abang naman kung sino ang bababa. Pagkakita nila sa akin ay pagkamangha ang makikita mo sa mga mukha nila. Ikaw ba naman makakita ng gwapo haha ang yabang ko na ata. Well totoo naman lahat ng sinasabi ko. “Sabi ko sayo girl gwapo e.” May paghampas pa nitong sabi sa kasama niya. Napapngiti na lang ako sa mga taong nakapalogid sa akin. Di ko na sila inintindi pa at pumunta na ako sa classroom na nakalagay sa schedule ko. Nga pala ang kinuha kong course ay Civil Engineering dahi eto ang course ng lalaking crush ko. Buti na lang medyo matalino ako sa math. Pagpasok ko ng classrom namin ay same din sila ng reaction. Yung mga babae na kilig na kilig. Ganito pala ang feeling ng lalaki pag nakikitang kinikilig ang mga kakabaihan sa kanila. “Ang gwapo naman niya.” “Ano kayang pangalan niya.” “May girlfriend na kaya siya.” Yun agad ate haha. “Siguro di siya dito nag highschool di familliar ang mukha niya.” Oo tama ka diyan ate komento ko sa isip ko. Yan lang naman ang mga bulungan ng mga magiging kaklase ko. Pinagmasdan ko ang buong classroom and sa sobrang swerte ko ay nakita ko siya napangiti na lang ako ng sobra. Nakaupo siya don banda sa likuran at may kausap na dalawang lalaki siguro ay mga kaibigan niya. “Hi dito ka na maupo sa tabi ko.” Malanding sabi sa aking ng isang babae. “Wag dito ka na lang pogi.” Sabi naman nung bakla. Eww di kami talo. Hanggang sa magkagulo na sila kung kanino ako tatabi. Di ko alam kung san ako pwepwesto. “Pre dito ka na lang sa tabi namin may bakante pa namang isa dito.” Pag tingin ko dun sa nagsabi shet si crush pala. Kaya naman nagmamadali akong pumunta sa kanila dahil sa may likuran pa sila. Umupo na ako sa tabi niya dahil dun ang bakanteng upuan kung sinuswerte ka nga naman. “Hi Im Steven Sy.” Nakangiting bati niya sa akin at nakipag shake hands pa. Ang lambot ng kamay niya at yung amoy niya ang bango parang naliligo ng pabango ito ah haha. Shet ang gwapo lalo na sa malapitan. Mapupula ang lips na tila inaakit ako. “Tinawag na kita kase pinagkakaguluhan ka nila.” Pagdugtong niyang sabi. Ang bait naman ng love ko. “Ah thanks nga pala. By the way Im Jayzen Marasigan.” Nakangiting pakilala ko din sa kanya. “Eto nga pala mga kaibigan ko si Kyle at Russel” pakilala niya sa dalawa niyang kaibigan. “Guys si Jayzen pala.”  “Hi Jayzen iba talaga pag gwapo pinagkakaguluhan haha.” Sabi sa aking ng kaibigan niyang si Kyle habang tumatawa pa ito. “Pag pasensyahan mo na yan Jayzen may sapak sa ulo yan.” Pang aasar naman ni Russel kay Kyle. Mukha namang masaya na makisama sa kanila at makipagkaibigan sa mga kaibigan niya. Basta ang mahala makasama ko anv love ko na Steven pala ang pangalan. Ilang oras kaming naghintay ngunit walang dumating na prof ganun naman ata talaga pag first day walang prof na dumadating. Ganon daw sa engineering sa school namin. Naririnig kong pinagkwekwentuhan ng mga kaklase ko. One week daw wala ang prof pag umpisa ng klase parang palugit nila yon sa mga estudyante dito. Vacant na namin lunch time. Sa cafeteria na lang siguro ako kakain. “Guys mauna na ako ha. Nag aantay na kase girlfriend ko sa canteen.” Sabi ni Steven at nagmamadali pa itong umalis. Tila naman nalungkot ako sa sinabi niya. May girlfriend na pala siya, pero bahala na ang mission ko ay mapasaakin siya kahit na may gf pa siya ang kaso lang medyo mahihirapan akong akitin siya. “Ikaw Jayzen di ka pa aalis?” Tanong sa akin ni Kyle. “Sige mauna na kayo maya maya na lang ako.” Alanganing ngumiti ako sa kanila. “Sige Jayzen mauna na kaming dalawa.” Sabi naman ni Russel at nag simula na silang umalis.  Pagkaalis nila ay nag ayos na ako ng gamit. Pilit kong ginagawang panlalaki ang boses at paglalakad ko. Habang papunta ako ng cafeteria ay parang may nakita akong dalawang babae na familliar sa akin. Kaya naman agad kong nilapitan ang mga ito. At di nga ako nagkakamali sila nga. “Sofie and Chlarisse sabi ko na nga ba kayo yan.” Nagulat ako na nandito sila at nagtataka din. “Hi Zen” Sabay na bati nila sa akin at parehas humalik sa mga pisngi ko napasinghap naman ang mga babae sa paligid at ang sama ng tingin sa dalawa.  “Wag niyo kong ma hi hi diyan, bakit nga pala kayo nandito.” Ngingiti ngiti naman sa akin ang dalawa. Si Chlarisse at Sofie ay mga bestfriend ko pero di ko sinasabi pa sa kanila na lilipat ako ng school kaya nagtataka talaga ako kung bakit nandito ang dalawang to. “Dito na rin kami mag aaral pero di kami same course sayo. Business Ad ang kinuha namin.” Magiliw na sagot sa akin ni Sofie. “Pano niyo nalaman na dito na ako papasok.”  “Sinabi sa amin ni Tito and naisip namin ni Maris na sundan ka dito at diro na rin mag aral.” Maayos na sagot naman ni Chlarisse. Si Chlarisse kase yung tipo na seryoso unlike Sofie na puro kalokohan. “Ikaw ha Zen nagpakalalaki ka pa para lang mapalapit sa lalaking natitipuhan mo.” Nakangising sabi ni Chlarisse. “Psst wag kayong maingay at baka may makarinig sa inyo.” Naiinis kong sabi, dito pa daw ba banggitin pano na lang kung may makarinig. “Tara na sa canteen Zen wag ng maraming satsat at nagugutom na ako.” Pang aasar na sabi ni Sofie. Diba sabi ko sainyo hindi talaga matinong kausap yan si Sofie. Kaya naman nagsimula na kaming mgalakad papuntang canteen. Yung dalawa naman ay masayang nagmamasid sa paligid. Nakikita din nila na ang sama ng tingin sa kanila ng mga kababaehan. “Zen ang sama ng tingin sa amin ng mga chix mo ah. Iba na talaga ang gwapo.” Pang aasar na sabi ni Sofie. Pero di naman ako maasar natutuwa pa nga ako kase alam kong maraming gmnagwagwapuhan sa akin. “Nako Zen ang sarap sabunutan ng mga babaeng yan ha. Dukutin ko isa isa ang mga nila e. Kala mo naman ang gaganda grrr.” Naiinis na sabi ni Chlarisse na tila naiirita sa mga babaeng nakatingin sa amin. Pagdating namin sa cefereria ay nakita ko naman agad si Steven na umoorder sa counter. Siguro para sa kanila ng girlfriend niya. Hayst iniisip ko pa lang na mag gf siya naiinis na ako. Naghanap na kami ng table na pwepwestuhan namin. “Zen ano sa iyo? Kami na ni Chlarisse ang oorder at mag bantay ka na lang diyan sa table.”  “Kahit ano na lang.” Di ko pa kase alam kung anong gusto kong kainin. Napatingin naman ako sa katabi naming table at may nakita akong isang babae. Maganda siya, mapula ang labi at kita mo naman walang lipstick o kahit anong nakalagay sa lips niya, matangos ang ilong at mga matang nakakabighani. Wait what? Kinocomlepment ko ba yung babae. Bago sakin to kase ngayon lang nag check out ng isang babae. Swerte siguro ng boyfriend niya ako na lang sana. Wait ulet ano ba tong iniisip ko. Bigla naman ngumiti yung babae ay shet bat lalo pa siyang gumanda sa paningin ko. “Babe eto na foods natin binili ko mga favorite mo.” Napakingon naman ako sa nagsalitang yon. Wait wag mong sabihin na yung magandang babae na kanina ko pa tinitingnan ay girlfriend pala ni Steven. Kinimplement ko pa naman siya pero siya pala ang karibal ko sa puso ni Steven. Napansin naman ako ni Steven at binati niya naman ako. Kaya si Ate mong girl ay napatingin sa akin. Bigla naman bumilis ang t***k ng puso ko para na akong aatakihin. Wag mong sabihin na...... No!!! Its for my Steven.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD