Chapter 1
Jayzen’s POV
Hi! Gusto ko munang magpakilala sa inyo ako nga pala si Jayzen Marasigan. Isa akong anak mayaman na spoiled brat. Describe ko lang sarili ko! Syempre maganda, sexy at maputi ako, meron din ako abs kung tutuusin kase mahilig ako mag work out. Para healthy na rin ang lifestyle diba. Nadito ako ngayon sa bahay ng aking yaya upang magbakasyon. Ayaw ko naman talaga dito ngunit mapilit ang aking mga magulang.
“Jayzen anak halika na dito at kakain na tayo” tawag sa akin ni yaya para kumain ng almusal. Sa totoo lang ayaw ko pang bumangon. Di naman na ako inaantok pero tinatamad talaga akong bumangon. Pero dahil makulit si yaya nagsimula na akong mag ayos at pumunta sa dining area.
“Yaya naman bakit naman kase sobrang aga?” Naiirita kong sabi kay yaya. Like duhh ang aga aga pa kaya.
“Ay ineng ganito talaga sa amin” nakangiting sagot sa akin ni yaya Meling. Sabay kurot sa pisngi kong makinis.
“Yaya naman pag nasugatan yung face ko ha.” Iretable kong sagot sa kanya.
“Osiya kumain ka na diyan at ng makapamasyal ka dito habang bakasyon mo pa.” Sabi habang pinaghahanda ako ng pagkain.
“Alam mo yaya Meling napilitan lang naman po akong bagkasyon dito sa inyo.”
“Iha wag ka ng magreklamo at ideya ito ng mga magulang mo.” Mapang asar na sabi niya sakin.
“What can I do? Sundin na lang ang parents.”
“Bilisan mo na diyan at mamasyal kana pagkatapos mo kumain. Di na kita masasamahan dahil marami pa akong gagawin.” Sabi niya sa akin
“Okay po yaya.”
Pagkatapos kong kumain ay pumasok ako sa tinutuluyan kong kwarto para makapagpalit at makapag ayos ng sarili. Put some make ups and the umalis na ako.
Habang namamasyal ako ay maigi kong pinagmamasdan ang paligid ng bawat dinadaanan ko. Busy ako pagmamasid ng may biglang bumunggong lalaki sa akin. Napaupo ako sa laki niya.
“Ouch! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo.” Sigaw ko sa kanya ng di siya tinitingnan. Ang sakit kaya non natumba nga ako sa pagkakabunggo niya.
“Sorry miss! Pasensya na talaga nag mamadali kase ako.” Paumanhin niyang sabi tsaka tinulungan niya akong makatayo.
“An.....” di ko na naituloy ang sasabihin ko magtataray sana ako sa kanya, kaso ng makita ko siya napatulala na lang ako. Shet ang gwapo niya. Kung idedescribe ko siya ay iba talaga ang datingan niya. Meron siyang magandang mga mata, matangos na ilong, malaki ang pangangatawan at nakakadagdag pa sa good image ay maputi at magaling siyang pumorma.
“Sorry talaga miss!”
“Okay lang di din kase ako tumitingin.” Pacute kong sabi baka kase madala siya sa pagpapacute ko. Alam niyo naman ang mga boys diba.
“Sige miss mauna na ako nagmamadali pa kase ako.” Sabay takbo niya papalayo sa akin.
Di ko namamalayan ay nakangiti na pala ako at hinahabol siya ng tingin. Nagsimula na rin akong maglakad pabalik sa bahay ni Yaya Meling. Di ko maiwasang mapangiti habang iniisip ko siya. Hays ano kayang pangalan niya at kung saan siya nag aaral. Maalaman ko din yan marami namang connections ang aming family. Mukhang blessing in disguise na rin ang pagpilit ng parents ko sa akin na magbakasyon dito. Sino bang mag aakala na dito ko makikita ang lalaking mamahalin ko. Di ko maiwasang kiligin habang iniisp ko ang lalaking yon. Mukhang mapapatagal ang pag stay ko dito kila Yaya Meling.
Sisiguraduhin kong mahahanap ko siya at mapapalapit sa kanya para makuha ko ang loob niya at para mainlove din siya sa akin.
Habang iniisip ko kung pano ako mapapalapit sa kanya ay may isang ideya na pumasok sa isip ko. Im gonna pretend to be a boy para makasali ako sa circle of friends and pag close na kami tsaka ako aamin sa kanya. Kaya ko naman magpanggap na lalaki and hindi naman ako mahuhuli dahil marami kaming connections for sure kilala ni dad ang may ari ng school. Kaya walang kahirap hirap na makakapasok ako don bilang isang lalaki.
Tapos na ang bakasyon ko kila Yaya Meling kailangan ko ng umuwi sa amin. Good thing is makakapagpaala ako kila mommy at daddy na dito ako kila Yaya Meling muna titira at mag aaral sa school na malapit dito.
Alam niyo ba kung bakit? Dahil base on my research yung lalaking nagugustuhan ko ay dito malapit ang school ng kanyang pag eenrollan. And to my luck we are both incoming first year college. At nalaman ko rin na ang kukuhanin niyang course is Civil Engineering. Ang plano ko is ang kukuhanin ko ding course ay Civil engineering para sana maging kablockmate ko siya at maging close kami.
“Iha ayusin mo na ang mga gamit at babalik na tayo sa mansyon.” Sigaw sa akin ni Yaya Meling na tila nagmamadali. Si Yaya Meling ay mag isa lang sa buhay, wala siyang asawa at anak kaya pamilya na talaga ang turing niya sa amin at syempre ganun din kami.
Dumating na ang sundo namin kaya sumakay na kami ni Yaya at yung driver na ang nag ayos ng gamit namin.
“ Yaya parang gusto ko na pong mag stay sa inyo.” Tila nagulat naman siya sa sinabi ko.
“Akala ko ba ay ayaw mo dito?.” Pgtatakang tanong niya sa akin.
“Nahanap ko na ata Yaya Meling ang lalaking mamahalin ko at taga dito siya sa inyo. I will tell mom and dad na dito ako mag aaral.” Nakangiting sabi ko sa kanya na tila excited na excited ako.
“Hala! Ikaw ang bahala. Kung ikaw ba ay papayagan ng Parents mo.”
“Syempre naman Yaya papayagan ako nila mom and dad. Alam mo namang malakas ako sa kanila.” Masayang banggit ko sa kanya.
“Hay nako! Ikaw talagang bata ka. Lumaki ka na talaga kase na iinlove ka na ngayon. Parang kailan lang umiihi ka pa sa higaan mo.” Tumatawa at tila nang aasar na sabi niya sa akin.
“Yaya naman! Hindi naman ako umiihi sa higaan!” Medyo naiinis kong sabi sa kanya.
“Hahaha oo na sige na.” Tila pagsuko niyang sabi.
Mga ilang oras lang ay nakarating na kami sa bahay namin. Dahil excited akong magpaalam kila mom and dad ay dali dali akong bumaba ng sasakyan.
“Iha mag hunos dili ka. Wag kang tumakbo at baka ikaw ay madapa.” Pahabol na sabi niya sa akin.
Di ko na inintidi si Yaya Meling at masaya kong sinalubong sila mommy at daddy.
“Hi mom and dad.” Masayang pag bati ko sa kanila. Sabay halik ko sa mga pisngi nila.
“Hi hija! Hows you vacation there?” Sabi ni daddy habang masayang pinagmamasdan ako. Si mommy naman masaya din na makita ulit ako.
“Okay na okay dad! Nga pala mom and dad may favor po sana akong hihingiin sa inyo.”
“Okay tell us my daughter.” Sabi ni mommy.
“Mom Dad gusto ko po sana don mag aral sa school malapit kila Yaya Meling.” Medyo nag aalangan kong sabi sa kanila. Medyon kabado din ako dahil baka hindi nila ako payagan.
“One valid reason anak papayag kami.” Firm na sabi ni daddy. Si mommy kung anong desisyon ni dad di na siya mangengealam basta makakabuti naman sa akin.
“Ah ehh dad kase po may nakita akong guy and nalove at first po ako sakanya. And nalaman ko po na dun siya nag aaral. Hehehe.” Namumula ako habang sinasabi ko sa kanila yon.
Bigla naman ngumiti si dad. Alam ko na good news yan.
“Osige hija papayag kami ng mommy basta mag aaral ka lang ng mabuti anak. Dun kana muna tumuloy sa bahay ni Yaya Meling mo ha. Magpakabait ka don.”
“Okay po dad”
“Nga po pala dad may isa pa po hehe.”
“Sige ano yun?” Tanong ni mommy sa akin.
“Ahmm gusto ko po sana na magpanggap bilang isang lalaki dun sa school”
“Bakit naman anak?” Nagtatakang tanong ni mommy.
“Gusto ko po kase sumali sa circle of friends niya po para maging close kami pag okay na ipapaalam ko po sa kanya na babae talaga ako.
“Sige papayag kami ng mommy basta wag ka lang gagawa ng gulo don.” Striktong sabi ni Dad.
“Okay po daddy! Thank you po.” Masayang sabi ko at hinug ko silang dalawa.
“Pasalamat ka only child ka namin haha.” Pang aasar ni mommy sa akin.
Ang lakas ko talaga sa parents ko. Sana makilala ko siya at maging friends, sana mag work ang plano ko. And tue guy that I met, promise I will make you mine. Weather you will like it or not.