CHAPTER 36 - Abs

1496 Words
Laine " Hahaha!" halos panawan na yata ng ulirat si Nhel sa katatawa. Ako naman, sobrang naguguluhan kung bakit siya tumatawa ng ganon. Umaalog-alog pa ang balikat niya. Putek! Pinagtatawanan ba ako ng gwapong kumag na to.Teka nga! " Hey, what's funny? Pinagtritripan mo na naman ba ako ha Nielsen Emmanuel?" mataray kong tanong na nagpahinto sa kanya sa pagtawa.Alam niyang bad trip na ako pag binanggit ko na ng buo ang pangalan niya. " Ano? Bakit tumigil ka?" ulit kong tanong na taas kilay pa. " Okay, sorry babe hindi ko lang napigilan.Kasi naman ang cute ng reaksyon mo kanina, first time kitang nakitang mag-react ng ganon.Tapos parang takot na takot ka ng....aray babe!" hindi na niya natapos yung sinasabi niya dahil kinurot ko na siya sa tagiliran. " Heh, magbihis ka na baka lamigin ka pa.Kung makapag- balandra naman kasi ng abs ganun-ganun na lang! Diyan ka na nga, buset!" inis kong sabi sabay martsa palabas ng guest room. Iniwan ko sjyang tulala dahil siguro sa mga sinabi ko.Hindi na siya nakapag-protesta dahil alam niyang galit na ako. Nung nasa room na ako inis akong umupo sa bed ko.Grabe naman kasi, anong nangyari sa akin dun.Matagal na kami ni Nhel pero bakit nakaramdam ako ng kakaiba kanina pagkakita ko sa mga pandesal niya. Yeah,sometimes we kissed torridly pag may special occasion. We hug tightly pero hindi ako umaabot sa punto na naiinitan ako. Ngunit kanina hindi ko alam kung bakit para akong sinisilaban lalo na nung nilagay njya yung mga kamay ko sa dibdib niya. Shet na malagket, nawindang ako dun ah. Tama siya, first time niya ako nakitang mag-react ng ganun. Haissst..nakakahiya yata ako kanina baka kung ano na isipin niya sa akin. Lord patawad po. Dapat siguro yayain ko siyang magsimba sa Baclaran at lumakad ng paluhod o kaya magpapa-pray over ako kay Pastor Charlie. Naku naman! ********* Nhel PAGKATAPOS naming mag-dinner ni Laine, umakyat na kami sa mga room namin para magpahinga. Nahiga muna ako at inisip yung mga nangyari buong maghapon. Masaya ako para kay Laine sa bagong career niya sa modeling.Susuportahan ko siya dahil alam kong gusto din niya ito at masaya siya. At pangarap ito ng mga magulang niya. Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Hindi ko akalain na ganito ang buhay na iniwan dito nila tito Franz.Pero mas pinili nila ang buhay dun sa probinsya dahil dun sila masaya.Kinilig nga ako dun sa sinabi ni Laine kanina,na masaya siya kung saan ako naroon.Kailangan ko talagang magsikap sa pag-aaral para naman pag nakatapos ako magwo-work ako ng mabuti para hindi ako maging alangan sa kanya at maibigay ko ang buhay na kinagisnan niya pagdating ng tamang panahon. Tumayo na ako at nagtungo sa banyo para maligo.Parang may narinig akong kumakatok pero agad din namang nawala.Nagulat na lang ako ng paglabas ko ay naroon na si Laine. Gusto kong bumalik sa loob ng bathroom kasi naka tapis lang ako ng towel sa bewang.Kahit matagal na kami ni Laine hindi pa niya ako nakikitang ganito na halos hubad na.Pero bago ko pa nagawang tumalikod pabalik ng bathroom, hindi ko na maihakbang ang mga paa ko dahil sa nakita kong reaksyon ni Laine.Titig na titig siya sa akin at parang natulos na sa kinatatayuan niya.Hindi ko alam kung bakit parang nainitan ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Sorry naman tao lang. Para naman hindi kami ma-awkward, nagsalita na ako.Kunwari hindi ko napansin yung reaksyon niya kanina. " May kailangan ka ba?" Sorry hindi ko nadaluhan yung katok mo nasa loob kasi ako ng bathroom. " sabi ko sa kanya na nakatulala pa rin. Hindi siya tumitinag kaya nagtanong na uli ako. " Babe ,ano nangyari, may kailangan ka ba sa akin?" gusto ko ng matawa pero pinigilan ko. " Beh magbihis ka na nga naiinitan ako...ah eh I mean baka lamigin yang likod mo..." yun na lang ang naintindihan ko sa sinabi niya dahil ang tumatak agad sa isip ko yung naiinitan daw siya. Napangiti ako ng lihim.Sabi ko na nga ba eh, naapektuhan siya sa akin kaya natulala siya at pulang pula na ang mukha niya na parang kamatis.Hindi ba niya alam na matindi rin ang epekto sa akin yung paraan ng pagtingin niya sa halos hubad kong katawan.Naiinitan ako at alam kong ganun din siya pero hindi ko pwedeng ipahalata sa kanya na alam ko ang nararamdaman niya. Ayaw ko siyang mapahiya. Si Laine yan eh, mahal ko yan at nirerespeto. Kaya naman para hindi siya mapahiya, idadaan ko na lang sa pang-aasar sa kanya. Lumapit ako at tinitigan ko siya.Hinaplos ko ang pisngi niya.Kinuha ko ang mga kamay niya at nilagay sa dibdib ko.Ramdam ko ang lalong panginginig at pag iinit ng mga kamay niya. " Do you like the view babe?" tanong ko na halos nakadikit na ang mukha ko sa kanya. Nung parang magpapanic na ang itsura niya, hindi ko na napigilan ang tumawa ng tumawa na halos mawalan na ako ng ulirat. Natigil lang ako nung tanungin niya ako kung ano ang nakakatawa.Alam ko bad trip na siya kasi binuo na niya yung pangalan ko.Sa isang banda eto talaga yung gusto kong mangyari kesa naman yung mapahiya siya para lang makaalis dun sa nakakapaso na sitwasyon kanina.Buti na yung maasar na lang siya. At yun na nga, naasar na talaga siya at bago siya mag walk-out, sinabihan pa ako na kung makapag-balandra ako ng abs eh ganun-ganun na lang. Haay ang babe ko, ngayon ko lang siya nakitang nagkaganon sa akin. At yung titig niya sa akin kanina ay may kakaiba. Hindi ko siya masisisi, nagbago naman talaga ang pangangatawan ko simula nung yayain ako nila Paul na mag- workout sa gym.Para sa kanya yun kaya ako nag-workout. Ayokong maging alangan sa sexy niyang katawan. Hindi niya alam na minsan gusto ko ng manggigil sa kanya.Ikaw ba naman ang magkaroon ng super ganda at sexy na girlfriend, hindi mo ba pagnanasaan.Pero syempre, nirerespeto ko siya kaya hindi ako nagpapahalata na nate-turned on ako paminsan-minsan..It's a man's natural reaction. I sighed..puntahan ko na nga muna si Laine sa room niya, kailangan kong mag- sorry dahil naasar ko siya kanina. I heaved a sigh before I knock on her door.Hindi naman nagtagal ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Gusto kong mangiti sa itsura niya na naka-simangot at taas ang kilay.Ang cute ng babe ko pag naaasar pero sinupil ko ang ngiti ko baka kasi lalong maasar. " What do you want Nielsen?" naku po bad trip pa rin yata, walang lambing sa dulo. Tinalikuran ako at sumunod naman ako papasok ng room. " Babe sorry na." sabi ko sabay yakap sa kanya mula sa likuran. She heaved a deep sigh.Inalis niya ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya at humarap sa akin.Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko. " Alright beh, next time don't you dare show me again those abs, you're torturing me. Hindi maganda sa pakiramdam." she honestly said looking straight into my eyes. Napangiti ako. Napaka-straightforward niya. " Hahaha.Naughty girl.Sabi ko na affected ka eh.Okay lang babe, gusto ko nga yon, yung pagnasaan mo naman ako paminsan-minsan." I said smiling and wink at her. " Sira ka talaga, aminado naman ako dun, natural lang yun kasi girlfriend mo ako. But don't show it often ha, naiinitan ako." sabi niya na itinago pa ang mukha niya sa dibdib ko na tila nahihiya sa sinabi niya. I hugged her tightly and caressed her back. " Hahaha.Ang cute mo talaga babe, napaka-honest mo kaya naman mahal na mahal kita." sabi ko habang hinahalik-halikan ko ang ulo nya..hmm.bango! " Hmm..sige na babe i-kiss mo na ko dali baka magbago pa isip ko." asar ko sa kanya. " Sus, para-paraan ka beh, obvious ka masyado." sabi niya. " Ha! Obvious ba? Hindi naman ah!" pa- cute kong sabi. " Okay let's get this over and done.Inaantok na ako." sabi niya. Umayos naman ako para halikan siya. I was surprised when she grabbed my nape and started kissing me gently.Medyo alanganin pa siya kasi first time niyang nag-initiate ng kiss. There's something in her kisses that tells me how much she loves me.Then finally, I caught her lips.This lips that always drives me crazy.I deepened our kiss and it lasted for I don't know how long.And when I felt that it's getting hotter, I automatically break the kiss. Mahirap na baka kung saan kami makarating. Napaisip din ako pagkatapos. Para saan yung kiss? eh wala namang special occasion ngayon.Breaking the rules na naman. Haha. Isipin na lang natin na National abs day ngayon. Sige magpalusot ka pa Nhel!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD