CHAPTER 37 - Photo Shoot

2862 Words
Nhel " Okay Laine move closer, yeah that's it..very good...now face your partner..!" utos ng photographer kay Laine. Nasa may harapan ako nanunuod sa photo shoot ni Laine.Bagay sa kanya ang mga damit na mino-model niya. Kasalukuyang pang-sports ang suot nila ng ka- partner niya.Hindi ko mapigilan ang humanga sa kanya. She move and pose like a pro.Kahit yung photographer humanga sa kanya dahil mabilis siyang matuto at walang reklamo. " One last shot. Face your partner again Laine..that's it...very good..Perfect! Good job guys ! okay it's a wrap.We're done for today. " anunsyo ng photographer. Nilapitan ko agad si Laine at inabutan ng bottled water. " Are you alright? " tanong ko habang inaayos ko yung bag niya. " Yeah, I'm fine beh..a bit tired but I'm fine, don't worry." sagot niya habang kinukuha sa akin yung inaabot kong damit na pamalit niya. " May gagawin pa ba after this?" tanong ko. " Wala na, tomorrow na ulit." sagot niya na tila pagod nga. " Sige halika na magpalit ka na ayokong lumakad ka na ganyan ang suot mo." sabi ko habang pinapasadahan ng tingin ang suot nyang pang aerobic, napaka-sexy niya dun at ayokong may tumitingin sa kanya. " Tsk.ayan na naman po ang bebeh ko, sinumpong na naman ng pagka-territorial niya.Tara na nga!" sabi niya sabay hila sa akin papuntang dressing room. Nakauwi na kami at nagpahinga na dahil talagang napagod siya dun sa photo shoot.Ikaw ba naman ang magpa-palit-palit ng isusuot at magpose ng magpose, nakakapagod nga. ******* MABILIS na natapos ang 3 days photo shoot ni Laine at ngayun nga ay sakay na ulit kami ng kotse nila pauwi ng Sto.Cristo.Sa susunod na tatlong buwan na uli ang balik niya sa Montreal. Maraming pinadalang pasalubong si Kuya Frank para kila tito Franz at sa mga bata at binigyan niya rin ako ng ilang box ng buko pie galing Laguna. Nakatulog si Laine sa byahe dahil kulang na kulang talaga siya sa pahinga.Kausap ko siya kani-kanina lang at kaya pala hindi na kumikibo ay nakasandal na sa kabilang side ng kotse at natutulog na. Hinila ko siya ng dahan-dahan at isinandal sa dibdib ko at tsaka marahan kong niyakap at dinampian ng halik sa noo. I heaved a sigh.For 3 days na sobrang busy siya at pagod sa shoot hindi kami masyadong nagkaroon ng time sa isat-isa, pagdating kasi sa bahay hinahayaan ko lang siyang magpahinga at matulog.Pero buti na lang ako ang kasama niya atleast kahit paano nakikita at nakakausap ko siya. Ngayong pauwi na kami sisiguraduhin ko na inseparable na naman kami. Bakasyon naman at susulitin ko talaga na kami lang dalawa ang magkasama yung tipong magkakapalit na kami ng mukha. Hehe. Pinagmasdan ko si Laine. Hinawi ko ang mga takas na buhok sa mukha niya at hinaplos ko ang kanyang pisngi.This girl is my dream. She's everything that I ever wanted. And someday, she will be the person I'll wake up to everyday, the person I'll run home every night and the person I'll have gray hair with. Napangiti ako sa naisip ko. Hindi ko talaga ma-imagine na hindi siya ang magiging kasama ko for the rest of my life.Kung hindi rin lang siya wag na lang.Ganon ko siya kamahal. Nakarating kami ng Sto. Cristo ng halos hapon na.Tuwang-tuwa sila tito Franz sa mga kwento namin at nagkagulo ang mga bata sa mga pasalubong na dala namin.Hindi na raw sila makapag-intay na makita ang mga photos ni Laine sa brochures ng Montreal. Nang makapag-pahinga ng konti ay nagpaalam na rin akong umuwi.Hinatid ako ni Laine sa may gate. " Beh thank you sa pagsama mo sa akin ha? Napagod ka rin ng husto dun." sabi niya ng nakayakap pa sa akin. Niyakap ko rin siya at hinalikan sa noo. " Remember babe, your happiness is my happiness too.Gagawin ko ang lahat para sayo.Mahal kita alam mo yan." sagot ko. Napangiti siya sa sinabi ko. Tumaas naman ang kilay ko. " Para saan naman yang ngiti mo?" tanong ko. " Wala lang mas sweet pala pag tagalog mo sinasabi yung I love you." sagot niya ng nakangiti pa rin. Napangiti na rin ako ng ma-realize ko yung sinabi ko.Sweet nga siguro pag tagalog.Mas madalas na lang siguro na tagalog ko sasabihin para mapangiti ko siya ng ganon. " You're so cute when you smile like that.Para tuloy gusto kitang halikan, right here,right now." medyo patay malisyang sabi ko baka naman makalusot. " Hmm..you're teasing me, right? What if I tell you that I want it too but my parents are inside.They will see us, what will you do then ?" sabi niya na puno ng kapilyahan at hinahaplos pa ang braso ko. Napamaang ako. Alam kong gumaganti na naman siya sa pahaging ko.Ganyan naman yan eh dine-dare ako palagi,ayaw kasi niya ng paligoy-ligoy.Pero gusto ko talaga siyang halikan ngayon mismo, kahit walang special occasion. Hindi ko lang alam kung paano ko uumpisahan. Madali lang sana kung kami lang dalawa ang tao.Ewan ko ba bakit parang gusto ko siyang lambingin ngayon. Pakiramdam ko miss na miss ko siya kahit magkasama naman kami ng ilang araw.Napaka-clingy ko na yata. Nabigla siya ng hilahin ko siya pabalik sa loob ng bahay nila.At nagulat pa siya ng kausapin ko ang daddy niya. " Tito maaga pa naman po, pwede bang dun na lang sa amin mag dinner si Laine? Ihahatid ko na lang po siya mamaya." paalam ko kay tito Franz. " O sige pero wag masyado pagabi, ihatid mo rin agad para makapag-pahinga na rin, pagod kayo sa byahe." pagpayag ni tito. Tiningnan ako ni Laine ng nanlalaki ang mata. Yes! Akala mo babe ha.Dare pa more, lagot ka sa akin mamaya. " Ah yes po tito,thank you po. Ihahatid ko po agad siya after dinner." sagot ko na maluwang ang ngiti. Nung naglalakad na kami, panay ang kantyaw sa akin ni Laine. " Hay naku, para-paraan talaga yung isang tao dyan.Panalo na naman siya sa kalokohan niya." sabi niya na tatawa-tawa. " What? I said it straight to you, you're the one who dared me.So gumawa lang ako ng paraan para magawa ko yung gusto ko.Di ba babe? sabi ko sabay wink sa kanya. " Sus, you're always like that beh, you annoy me first para i- dare kita, palit ka na ng style, panis na yan." sabi niya na natatawa. " Hahaha..you knew me so well babe..dalian mo na nga gusto ko na makarating sa bahay namin." sabi ko habang hila-hila na siya. " Ewan ko sayo nagmamadali ka dyan.Bakit ba feeling ko may gagawin kang di maganda.hahaha." sabi naman niya. " Oy babe grabe ka, ano palagay mo sa akin? wala akong gagawin sayo na hindi mo magugustuhan."biro ko sa kanya. " Hay nako, bakit parang tunog pervert ka beh? Nakakatakot yan ah! sabi niya na lumayo pa ng konti sa akin. " Hahaha.Tara na nga baka hindi ako makapag-pigil dito pa kita mahalikan." " Tse! Magtigil ka't mali... ******** Laine NATATAWA na lang ako kay Nhel habang nagmamadali siyang hila-hila ako papunta sa kanila. I like his guts when he wants something from me. He annoys me first just to get what he wanted.Pwede naman niyang gawin yung gusto niya because he has all the rights naman being my boyfriend. Pero hindi siya ganon, hindi siya yung tipong sunggab lang ng sunggab.He's such a gentleman. " Alright we're here." anunsyo ni Nhel na ngiting-ngiti pa. " Laki ng ngiti ah, excited lang beh?" asar ko. " Syempre ilang araw kong hindi nakita sila mama." inosente kuno na sagot niya. " Ows, talaga lang ha?" tanong ko ng nakataas pa ang kilay. " Haha..ikaw naman babe,alam mo na yun." sabi niya sabay wink sa akin. " Sige, push mo yan.Wish mo lang walang sablay yan.haha." asar ko uli. " Yeah, trust me." Pagpasok namin sa kanila, tuwang-tuwa ang pamilya niya pagkakita sa akin, para akong artista na pinagkaguluhan. Pansin ko na parang iretable na si Nhel kasi hindi niya ako masolo.Kaya nagpaalam muna siya na maliligo muna bago kumain ng dinner.Eksaktong nakatapos na siya nung nag-umpisa kaming kumain.Tumabi siya sa akin at tahimik lang na kinain ang mga inilagay ko sa plato niya.Problema neto? Nung matapos kaming kumain ay nagprisinta ako na kami na lang ni Nhel ang maghuhugas ng pinagkainan gaya ng nakagawian na namin nun.Kaya lang panay ang reklamo niya dahil baka gabihin na raw ako sa pag-uwi.If I know, meron siyang motibo kaya siya nagmamadali.haha. Eksaktong tapos na kami maghugas ng pinggan at nakapag-toothbrush ng tawagin kami ni tita Bining dahil may naghahanap daw kay Nhel. Paglabas namin nadatnan namin ang barkada na nakaupo na sa sala at may kasamang representative ng baranggay. " Laine galing kami sa inyo, sinabi ni tita Paz na nandito ka nga daw, gusto kang kausapin nitong secretary ng baranggay. Siya si Ms. Dimaun." paliwanag ni Candy. " Hi, good evening Laine.Pasensya ka na ginabi kami, actually galing na kami sa inyo kinausap ko na ang parents mo.Sinabi nila na ikaw na muna daw ang kausapin." sabi ni Ms.Dimaun. " Teka po, tungkol po ba saan yan?" naguguluhan kong tanong. " Tungkol ito sa pageant na gaganapin sa fiesta ng bayan.Ikaw ang napili ng baranggay natin para lumaban sa Mutya ng Bayan." paliwanag niya. Nagulat naman ako. " Po? Bakit ako po? I mean marami namang deserving dito kaysa sa akin." tanong ko. " Bakit naman hindi ikaw? Eh obvious naman kung bakit.Tsaka ikaw ang pinili ng buong baranggay dahil ilang beses ka na nanalo sa mga pageant ng school at naniniwala kami na malaki ang laban mo.Sige na pumayag ka na." pakiusap pa niya. " Oo nga Laine, kayang-kaya mo yan.Beauty and brains ka kaya. Tiyak na tiyak matatalo mo yang taga ibang baranggay, sigurado yun." segunda ni Rina. " Teka po, sasabihin ko muna sa parents ko.Nasabi niyo na po ba?" sambit ko. " Oo, papayag daw sila kung payag ka." sagot ni Ms.Dimaun. " Ah ganon po ba..teka po meron pang isa." lumingon ako kay Nhel na nasa likuran ko." Payag ka ba Nhel? " Sige Laine, okay lang sa akin. Suportahan kita." mabilis na sagot niya ng nakangiti. " O ayun naman pala payag na rin si pogi.So settled na tayo.Friday ngayon kaya Monday ka pa makakapunta ng baranggay para sa mga detalye ng pageant.So expect ka namin dun sa Monday ha Laine?" sabi ni Ms.Dimaun. " Ah okay po.Pupunta na lang po ako.Salamat po." sagot ko. " Maraming salamat din Laine.Alam kong mananalo tayo dahil sa natural mong ganda, inside and out.Sige tuloy na kami medyo gabi na." paalam niya. At umalis na si Ms.Dimaun.Sumama naman sa kanya ang barkada para ihatid siya.Nangako sila na bukas na lang kami magbo-bonding dahil pagod na raw kami ni Nhel sa byahe. " Haay salamat, naubos na rin ang istorbo." nakangising sabi ni Nhel. " O eh di ihatid mo na ako, gabi na, magagalit na si daddy." patay malisyang sabi ko. " Hindi magandang ideya yan Alyanna, kanina pa ko naghihintay!" naaasar ng sabi niya kasi binanggit na pangalan ko. " Haha..ang bilis mo namang maasar beh..sige mamaya mo na lang ako ihatid at mukhang mag-aamok ka na dyan.Cool ka lang!" sabi ko. Hayun mabilis pa sa alas kwatro na hinila na ako sa likod bahay at dun daw kami sa duyan nila mag-bonding.Malaki yung duyan na yon, kasya ang dalawang tao.At dito kami madalas nun. Umupo kami at inugoy-ugoy ng bahagya ang duyan.Niyakap niya ako ng mahigpit mula sa likuran at ipinatong ang ulo nya sa balikat ko.Hmm..nagpapabebe na naman ang bebeh ko. Gusto kong matawa sa kanya dahil parang hindi kami magkasama ng ilang araw at ganito to umasta.Daig pa ang may sapi.Kaya naman hindi ko na napigilan ang magtanong. " Beh may sapi ka ba?" natatawa kong tanong. " Ano namang klaseng tanong yan babe?" tanong din niya. " Eh kasi naman kanina ka pa atat na atat diyan.Ilang taon ba tayong di nagkita ha?Sa pagkaka-alam ko mula nung mag-umpisa ang summer inseparable na tayo.At simula nung lumuwas tayo ng Makati hindi pa tayo naghihiwalay hanggang ngayon.Ano nangyare sayo ha?" sagot ko na pinipigil ang matawa. " Wala lang babe, nami-miss ko lang yung magkatabi lang tayo doing nothing pero masaya o kaya yakap lang kita whispering sweet nothings.Magkasama nga tayo palagi pero wala tayong masyadong ganung moment ngayon. Ewan ko ba parang lagi kitang nami-miss ngayon kahit kasama naman kita.Siguro nga dahil wala tayong masyadong time na tayong dalawa lang." malungkot na sabi niya. Oo nga, these past few days wala kaming ganitong moment.At kapag ganito tong bebeh ko, ang sarap nitong i-bebe talaga.hehe.kilig much! Humarap ako sa kanya at hinawakan sya sa magkabilang pisngi.Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. " Beh I know what you feel coz I feel the same way too.Magkasama nga tayo ng madalas ngayon pero walang tayo lang, meron ding sila.I also missed being alone with you doing nothing yet happy and contented." sabi ko na puno ng pagmamahal. Niyakap niya ako ng mahigpit at gumanti rin ako ng yakap na yung tipong mararamdaman niya ang lahat ng damdamin ko para sa kanya. Nanatili lang kaming ganon ng ilang minuto, pinakikinggan lang namin ang mga t***k ng puso namin na magkapareho ang pintig. Oh! This is the man that I want to marry someday.The one that I will spent the rest of my life with.Nararamdaman ko yon dahil sa magka- parehong t***k ng puso namin.Maaaring may mga dumating na pagsubok sa pagitan namin but in the end alam kong mapagtatagumpayan namin dahil mahal namin ang isat-isa. After 123456....minutes kumalas si Nhel sa pagkakayakap nya sa akin at tinitigan lang ako ng punong-puno ng pagmamahal. " Babe, can I kiss you?" tanong niya. " Sure! bakit ba nagpapaalam ka pa?" tanong ko rin. " Coz we will break the rule again dahil wala namang special occasion ngayon!" walang kagana-gana niyang sagot. Napa-buntung-hininga ako ng malalim. Oo nga tama siya walang special occasion ngayon. " Pwede naman siguro? " alanganing tugon ko na patanong din. " O di ba? Hindi ka rin sigurado sa sagot mo. " malungkot niyang turan. " Ano ba kasi ang gusto mong mangyari? Pwede naman smack lang." sabi ko. " I want to kiss you all night!" walang kagatol-gatol niyang sagot na siyang ikinagulat ko. " Ano?! Hoy Nielsen baka gusto mong mapagalitan ni daddy at i- banned ka sa lahat ng sulok ng bahay namin pag hindi mo ako inuwi ngayon.At ano idadahilan mo? Kasi hinalikan mo ako all night?!" hindi ko mapigilang bulalas. " Hahaha..ang cute mo ms.armalite. What I mean is, I want to kiss you not just once like we used to, but twice, thrice or maybe spent the remaining 2 hours kissing you before I take you home.What do you think? may pataas-taas pa ng kilay ang hudyo. " Hindi mo naman ako hina-harrass niyan?Baka naman mamaga na mga nguso natin sa two hours na kissing.Are you serious beh?" tanong ko na nakataas rin ang kilay. " Hahaha.I'm just kidding, I just wanna be with you but if you insist, I'm ready." pilyong sagot niya. " Alright! close your eyes,I'll do it first." sabi ko. " No,no,no! Don't initiate coz the last time we kissed, muntik na akong makalimot. Pang special occasion ka na lang, mahirap na!"matinding pagtanggi niya. " Who taught me anyway? Sige na nga ikaw na. Ang dami mong arte dyan!" sabi ko ng naiinis na. Then without a warning, he immediately reach for my lips.He kiss me gently, his eyes are closed.Medyo may kakaiba sa halik niya. Dinadama niya ng husto na parang ngayon lang niya natuklasan kung paano humalik. Napangiti ako sa pagitan ng mga halik and in an instant I pulled his nape and caressed it.Sa ginawa ko, lalo niyang pinalalim ang halik.He's a good kisser and his breath is so addicting to my nostrils and I just can't get enough of his kiss. Gosh! nadadala na naman niya ako sa dako pa roon pero ayaw ko muna na tumigil kami.Gumanti na rin ako with the same intensity, the kiss became hot and wild,ang mga kamay niya ay humahaplos na sa aking likod and it sent shivers down to my spine..Then, sudden panic hits me. We have to stop, we need to stop. He tried to open his eyes when I lifted my mouth from him.He look straight into my eyes.His eyes are blazing with desire.Oh no! He's really affected with our kiss.He buried his face on my neck.And it shocks me when he whispered to my ear. " Babe I want you!" Hala! Seryoso ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD