CHAPTER 10

1630 Words
Laine's POV MAAGA akong gumayak that night kasi pupunta kami ng mga friends ko sa perya. After ng dinner, naligo na ako at nagsuot lng ako ng white t - shirt na may print na malaking heart tapos skirt na maong and red sneakers.Naglagay lang ako ng pulbos at lip gloss at nag spray ng favorite kong baby cologne.Saktong naglalagay ako ng head band sa ulo ko ng tawagin ako ni mommy. " Baby, nandito na ang mga friends mo,hurry up." tawag ng nanay ko. " Yes mom, I'm coming!" sagot ko naman at dali daling lumabas na ng room ko. " Tara na?" sabi ko sa kanila. Tumayo na sila at nagpaalam sa dad at mom ko. Paglabas namin ng gate napansin ko si Wil na may kasamang guy na sa tantya ko ay kasing age ko na nakatayo sa tabi ng dala nilang tricycle. " Laine, si Rodel, kapitbahay namin.Lima kasi tayo, alanganin pag sumakay tayo sa mga rides kaya sinama ko na sya para partner- partner tayo.Ayos lang ba? sabi ni Wil. " Yeah! Ayos lang.Mukha naman syang mabait.Tama ba ko Rodel?" nakangiting sabi ko. " Ah oo naman, magpapari nga ako eh.hehe.Nice to meet you Laine." sabi ni Rodel. " Same here." sabi ko naman. Then after that introduction, umalis na kami sakay ng tricycle nila Pete at sya rin ang nagmamaneho.Nasa likod niya si Wil at Rina. Kami ni Candy ang sa loob kasama si Rodel. Pagdating namin sa perya,sobrang daming tao. First night kasi.Iginala ko ang tingin ko. So this is what it looks like pala.Same as those carnivals in the US. The difference is may mga added attractions lang.Nakita ko na may mga booth na may drawing na mermaid sa harap. Tapos may mga magicians dun sa isang booth. Mom was right.It looks nice naman but it's super crowded lang. Pumunta kami sa mga booths doon at nakita ko yung mga naglalaro ng darts.One of my favorites, ang darts.Hinila ko si Candy at naglaro kami.Habang yung apat dun sa kabilang booth naman. Target shooting yata. Nung naka- pwesto na kami para tumira, may bumunggo sa likuran ko. Naitulak siguro sya kasi maraming tao. But the worst part is, nayakap nya ako sa likod at yung kamay nya napadiin sa shoulder ko at ang masama pa naramdaman ko na sininghot nya ako.Well,I can't blame whoever he is ,tempting naman kasi yung amoy ng baby cologne ko.Pero kahit na,it's over the borderline.Kaya humarap ako at tinarayan ko sya,kung sino man sya. " Hey! You bastard! You're taking advantage of me!" sigaw ko pero laking gulat ko kung sino yung nasa harap ko.The famous Nhel Mercado. Sobrang gwapo sa suot nyang white shirt at denim pants.Hindi ako nagpahalata na kinilig ako sa presence nya. Mamatay na umamin noh! " You again?" inis kong sabi. " Hey! Hindi ko alam na ikaw yang nabunggo ko. May tumulak kasi sa akin.Kung alam kong ikaw yan eh di sana umiwas ako." sagot nya. " And why you sniffed at me? You perv!" sigaw ko ulit. " Hindi ah, kung makapag bintang ka dyan!" nangingiting sabi nya. " Eh bat ngumingiti ka dyan? Sinadya mo siguro— " naputol ang sasabihin ko ng lumapit si Lovie kasunod si Candy. " Anong meron dito,ha Nhel?" tanong nya sa mokong. " Ah wala, tara na dun sa kabila." sabay hila nya kay Lovie. " Teka, andito rin pala sila Candy oh,sama na lang tayo sa kanila, please?" nag puppy eyes pa si Lovie. Naku wag kang pumayag mokong, masisira mo na naman ang gabi ko.Please,please wag kang pumayag. Naka cross fingers pa ako. But knowing Nhel na famous sa pang- aasar, hayun naimbyerna na ako sa sagot nya. " Okay fine! Masaya nga pag marami tayo." pagpayag nya at saka ngumisi ng nakakaloko sa akin. Haaay naku! Ma-enjoy ko sana ang gabing ito. Kaasar naman!grrrr... Nilibot namin yung mga booths at naglaro sa mga arcades.So far, nag enjoy naman ako kahit may kasama kaming hudyo.Deadma na lang.Nagtataka siguro yung mga kasama namin kung bakit hindi kami nag-uusap. Alam naman nilang magkakilala kami dahil sa mga parents namin pero ang hindi nila alam ay yung mga bangayan namin. Nagkayayaang sumakay ng ferris wheel.Ayaw ni Lovie kasi takot sya sa heights at ayaw din ni Rodel dahil may phobia raw sya sa ferris wheel.Kaya pumunta na lang sila dun sa Bingo booth at naglaro habang nakapila kaming anim dun sa ferris wheel.Sabi ko kay Candy si Wil ang partner ko,pumayag naman sila at ang mokong na Nhel ang partner nya. Nung turn na namin ni Wil bigla syang nag back out dahil naiihi daw sya. Bigla nyang hinila si Nhel na nakapila sa likuran namin para mapunta sa pwesto nya at pagkatapos mabilis nyang hinigit sa braso si Candy paalis ng pila para samahan muna syang mag CR. " Nhel ikaw muna dyan kay Laine. Naiihi na ako." sabi ni Wil. " Next, dali mahaba ang pila!" sabi nung mamang operator ng ferris wheel. Kaya wala kaming nagawa ni mokong kundi ang sumakay na. Hindi kami nagkikibuan habang dahan- dahang tumataas yung ferris wheel kasi nga nagsasakay pa.Magkadikit na halos yung braso namin kasi masikip yung lugar.Nararamdaman ko nga na nagtatayuan yung balbon ko sa braso kasi nadidikit ako sa balat nya. Huh! Torture! kasi naaamoy ko yung mabangong cologne nya.Shet na malagket! Kasalanan ito ng pantog ni Wil. Nung nasa pinaka taas na kami.Naku po! Panic attack!Natatakot ako. Lord,ang taas po baka masira,mahulog po kami. " Natatakot ka ano?!" biglang tanong nya. " H-hindi ah!" ninenerbiyos kong sagot,sana lang wag nya mahalata. " Hindi raw eh nanginginig yang boses mo!" sabi nya. Amusement was evident in his face. Hindi na ako kumibo,buking na eh. Sa totoo lang natatakot na nga ako. Nagulat na lang ako sa sumunod nyang ginawa.Kinuha nya ang mga kamay ko and intertwined our fingers. " This will make you feel better." ******* Nhel's POV STRIKE 3 na ako sa babaeng kaharap ko na spokening dollar pag naiinis sa akin. Natulala ako hindi dahil tinarayan na naman nya ako kundi tumibok na naman ang puso ko ng triple yata kesa sa dati.Paano naman ang ganda nya sa simpleng white t-shirt at maong skirt na suot nya.Pansin ko terno pa kami ng suot.Destiny ah. Inasar ko sya, nagtalo na naman kami pero naputol lang yon nung lumapit si Lovie kasunod si Candy. Nung hihilahin ko na si Lovie para lumipat ng pwesto,tumanggi sya at gusto nya na sumama na lang kami sa grupo nila Laine.Nag puppy eyes pa sya para pumayag ako. Pero naisip ko masaya nga kung marami kami,kaya kahit gusto kong iwasan si Laine, pumayag na rin ako.Hindi ko na lang aasarin at kikibuin para hindi naman masira ang gabi namin pareho. Nung sulyapan ko sya parang naimbyerna sya na pumayag ako. Sorry Laine, hindi na lang kita aasarin kahit ngayong gabi lang para mag-enjoy tayo pareho, sabi ko sa isip ko lang. So far, naging maayos naman kami.Hindi kami nagkikibuan.Marahil nagtataka yung mga kasama namin pero hindi na lang nag usisa. Nung magkayayaang sumakay ng ferris wheel, umayaw si Lovie,takot kasi sya sa mataas at si Rodel may phobia sa ferris wheel.Kaya naglaro na lang silang dalawa ng Bingo habang kami nakapila na sa ferris wheel.Narinig ko si Laine na nag request kay Candy na si Wil na lang ang partner nya. Si Rina at si Pete kasi kanina pa nauna. Nagliligawan kasi yung dalawang yun.Pumayag naman si Candy na kami na lang ang partner. No choice kasi ayaw ng babaeng armalite.hehe. Nung turn na nila, biglang sinumpong yung pantog ni Wil. Anak ng teteng! kung kelan pa naman sila na.Tinulak nya ako sa pwesto nya sabay hila kay Candy paalis ng pila para samahan sya mag CR. " Nhel, ikaw na muna kay Laine,naiihi na ako." sabi nya sa akin. Oh no! Paano ba yan? No choice kana Nhel. " Next, dali mahaba ang pila." narinig kong sabi nung operator. Wala kaming nagawa kundi sumakay na.Hindi kami kumikibo pareho. Sobrang magkadikit nga yung mga braso namin dahil masikip yung lugar.Medyo kinikilig ako kasi nararamdaman ko yung braso nyang balbon eh weakness ko nga sa babae yon at naaamoy ko yung baby cologne nya na masarap singhutin. Grabe baka hindi ako makapagpigil mahalikan ko to dito. Nung medyo nasa taas na parang nararamdaman ko na nate- tense sya, kaya lakas loob akong nagtanong. " Natatakot ka ano?" " H-hindi ah!" sagot nya. ninenerbyos nga sya halata sa boses nya eh. Ayaw lang aminin. " Hindi raw eh halata dyan sa boses mo na ninenerbiyos ka." amused kong sabi. Hindi na sya kumibo, tanda ng pag amin dahil halata ko naman na takot talaga sya. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin o talagang matindi lang ang tama ko sa babaeng ito. Kinuha ko ang mga kamay nya at pinag-salikop ko ang mga kamay namin ng mahigpit. " This will make you feel better". sabi ko sa kanya.Naks! English yun ha, matagal kong pinag-aralan yun pang special occasion lang.hehe. Hinintay ko kung ano ang magiging reaksyon nya.Baka magalit tapos itulak ako o magtaray at maging armalite na naman.Pero lumipas ang mga sandali na hindi sya kumikibo at hindi rin nya inaalis yung kamay nya sa akin. Wow! lambot ng kamay nya. At ng umikot na ng mabilis yung ferris wheel, wala na, inalis na nya yung kamay nya sa akin.Gusto kong tumutol pero nagulat ako sa sumunod na sinabi nya. " Nhel, I'm scared! Can you hug me, please?" Ano daw?!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD