CHAPTER 11

1432 Words
Laine's POV NATATAKOT na talaga ako nung nasa itaas na yung ferris wheel kaya nung kunin ni Nhel yung kamay ko and intertwined our fingers hindi na ako tumutol.Tama sya, it made me feel better, parang kapag hawak nya ako walang masamang mangyayari. Ewan ko ba, yun ang naramdaman ko that moment.I feel safe with him.Siguro nga dahil crush ko naman talaga sya kahit palagi kaming nagbabangayan. Nung bumilis na yung ikot nung ferris wheel, wala na, inalis ko na yung mga kamay ko sa pagkakahawak nya. Naramdaman ko na parang gusto nyang tumutol pero nagulat sya sa sunod na sinabi ko. " Nhel, I'm scared! Can you hug me please?" sabi ko.Ewan ko kung bakit ko nasabi yon. Dala na rin siguro ng sobrang takot ko. Wala ng hiya-hiya kapag talaga natatakot ka. Nabigla sya sa sinabi ko pero saglit lang. Nag-aalanganin man siya pero niyakap nya pa rin ako ng mahigpit habang hinihimas nya yung likod ko to comfort me. Nasa ganung posisyon lang kami habang umiikot yung ferris wheel.Naririnig ko ang malakas na t***k ng puso nya na kakatwang pareho nung sa akin.Bakit ganun? At nung humina na yung ikot ng ferris wheel at malapit na kaming bumaba, binitawan na nya ako. " Thank you!" nahihiyang sabi ko. He just smiled and nodded.Yung ngiti niya na nagpakalma sa sistema ko na puno ng takot dahil sa bilis ng ikot nung ferris wheel. Pakiramdam ko nagkaroon kami ng instant connection dahil sa nangyari. Nagkita kami nila Rina sa may exit tapos pinuntahan na namin yung mga kasama namin na nauna na sa Bingohan. Nang magsawa na kami kakalaro at kakaikot sa perya at marahil pagod na rin pare-pareho,napagpasyahan namin na umuwi na. Sumakay na si Nhel at Lovie sa ibang tricycle dahil hindi na sila kasya dun sa amin. Bago sila sumakay ay sumulyap pa muna si Nhel sa akin at tipid na ngumiti. Ginantihan ko naman din ng tipid na ngiti. And from that moment, alam ko may nagbago na sa pagitan naming dalawa. Hinatid na nila ako sa bahay at si Tita Baby na lang ang nagbukas ng gate para sa akin dahil tulog na raw sila mommy. Naglinis na ako ng katawan at nagbihis na ng pantulog ko.Habang nakahiga ako sa kama naisip ko yung mga nangyari kanina sa ferris wheel.Naisip ko si Nhel.Napaka gentleman naman pala nung mokong na yun. Mas okay pala kung hindi kami nagbabangayan.At yung ngiti nya, my gosh! puyat na naman ako nyan kaiisip sa ngiting yun. Haaay! Alyanna Maine, bata ka pa diba? Bakit ganyan na ang nararamdaman mo? Sige, crush lang ha? hindi pwede ang mas deeper pa dun. After a while, may narinig akong kumakatok sa door ko. " Laine, gising ka pa ba?" si tita Baby yun ah. Bumalikwas ako ng bangon at pinagbuksan sya. " Tita bakit po?" tanong ko agad nung mabuksan ang pinto. " Nasa terrace si Nhel,hinahanap ka." sagot sa akin ni tita. " Po? Si Nhel po? Bakit daw?" nagulat ako sa sinabi niya kaya sunod-sunod na ang tanong ko. " Hindi ko alam, ikaw na magtanong. Inaantok na ako,ikaw na magsara ng mga pinto pagkaalis nya ha?" bilin ni tita sa akin. " O sige po,good night po." sambit ko. Tiningnan ko ang oras sa clock na nasa bedside table ko. Magte- ten pm na ah. Ano kaya ginagawa dito ng mokong na yun? Nagtataka man lumabas na rin ako baka kasi lamukin pa yun sa labas. " Bakit? Gabi na ah." bungad ko kaagad ng marating ko ang terrace. Nakatayo siya dun at halatang hinihintay nga ako. " Matutulog ka na ba?" tanong nya. " Hindi pa naman. Actually, hindi pa nga ako makatulog eh." sagot ko. " Ayos!" pabulong nyang sabi pero narinig ko naman. " Anong ayos?" tanong ko. " Ah kasi hindi rin ako makatulog kaya naisipan kong pumunta dito baka sakaling gising ka pa." paliwanag nya.Medyo napapakamot pa sya sa likod ng ulo niya. Parang nahihiya pa ang kumag. " Bakit ako ang pinuntahan mo? Bakit hindi si Lovie?" tanong ko uli sa kanya. " Ikaw kasi yung naisip kong puntahan." sagot uli nya. " Eh bakit nga?" kulit ko uli sa kanya. " Kailangan ba may dahilan pag gusto mong puntahan ang isang tao?" tila naaasar na sya. Ang bilis namang maasar nito. " Oo naman, there's always a reason for everything.Pero baka kasi mabalitaan ni Lovie na pinuntahan mo ako, magalit pa yun. Tsaka isa pa hindi natural sa ating dalawa to di ba?" sagot ko pero nakangiti na para hindi na siya maasar sa kakulitan ko. " Okay, gusto kong makipag kwentuhan sayo para magkakilala na tayo ng lubusan.Mas maganda pala kung magiging friends tayo kesa lagi tayong nagbabangayan." paliwanag nya. " At this hour of the night? You must be kidding!" sabi ko. " Bakit hindi eh pareho naman tayong hindi makatulog." sagot nya. " Alright, ano naman pag-uusapan natin?" pagsuko ko tutal hindi rin naman ako makatulog. " Kahit ano! Favorites, interest or kahit mga personal." siya. " Okay! Call ako dyan." pag ayon ko. " Sige ako muna magtatanong. Easy question muna. Ano favorite food mo at color?" pangunguna ko sa kanya. " Color? black, white and blue. Sa food naman, kare-kare,beef steak at spaghetti." sagot nya. " Ikaw naman,same question na lang." dugtong pa niya. " Sa food, pareho tayo, sa color naman, I like white and light blue. " sagot ko. " So, halos pareho lang pala tayo ng favorites." pansin niya. " Oo nga ano!" sabi ko. " Ano naman mga interests mo?" siya naman unang nagtanong. " Reading books and cooking." sagot ko sa kanya. " Cooking? Ibig sabihin marunong ka ng magluto?" namamanghang tanong nya. " Yup! Passion ko yun.At specialty ko yung kare- kare." proud na sabi ko. " Talaga? At your age,kaya mo na yun?" tanong nya uli. " Oo naman kasi ini- enrolled nila ako sa cooking school last summer,pati baking pinag-aralan ko na rin.Meron nga na mas bata pa sa akin sa cooking class." kwento ko sa kanya. " Great! Ang galing mo pala." sabi nya. " Hindi naman.Ikaw, ano mga interests mo?" tanong ko. " Volleyball and Cars." sagot nya. " Bakit hindi basketball? Usually pag boys hilig nila basketball di ba?" hirit ko pa. " Maiba lang.Varsity kasi ako ng volleyball sa school.Although mahilig din akong manood at maglaro ng basketball sometimes." sagot naman nya. " Uhm, ganon? So, tapos na tayo sa easy questions, hard naman. That means, personal questions naman. Ano, call?" tanong ko. " Okay, call! " sagot niya. " Ano ang definition ng love sayo?" unang tanong ko. " Sa age mong yan, iyan pa talaga ang tanong mo ha?" nangingiti nyang balik tanong sa akin. " Eh ikaw naman ang sasagot, hindi naman ako di ba? And FYI 13 na ako and few months na lang 14 years old na ako and besides, tinatanong na yan sa slumbook." turan ko. " Okey sige..Love? Uhm, for me, strange feeling yan na hindi kayang i- explain.Sinasabi yan dun sa taong seseryosohin mo.Pag nag I love you na ako sa isang tao, forever ko na yun at siya lang talaga.Gets mo?" mahabang paliwanag nya. " You mean, sa dami ng naging girlfriends mo,kahit isa wala ka pang sinabihan ng 3 -words na yun?" takang tanong ko. " Oo, at wala akong niligawan sa kanila kahit isa.Para sa akin sagrado ang love. Kapag niligawan ko, ibig sabihin seryoso na ako at sya na rin yung forever ko.Wala pa akong nai- date, naipakilala sa magulang ko at nahalikan.Ibibigay ko lang ang lahat ng first time ko sa taong seseryosahin ko! Yan ang prinsipyo ko pagdating sa love. " mahabang tugon nya. Natahimik naman ako at pinroseso ng utak ko yung mga sinabi niya. Pwede pala yun na kahit hindi mo niligawan eh magiging girlfriend mo na? May ganun? Ngayon ko lang nalaman yun at dito kay Nhel pa.Pero parang ang pangit naman sa side ng babae yun.Pag ako, gusto ko liligawan ako at syempre yung sasabihan ako ng i love you.Sabi kasi ni mommy yun ang basis para malaman mo kung sincere sayo yung guy. Meaning hindi talaga naging girlfriend ni Nhel yung mga babaeng na involved sa kanya kahit pati si Lovie? Fling lang ba yung tawag dun? yung walang commitment. Ay ang gulo nya.Pero bakit ko ba poproblemahin yun eh hindi naman ako interesadong mapabilang sa mga fling- fling na yun. Crush ko sya. Oo naman, aminado ako sa sarili ko dun pero hindi ko hahayaang malaman nya yun. Dalagang Pilipina yata ako kaya never kong ipapaalam sa kanya. Mamatay na umamin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD