CHAPTER 2

416 Words
Laine's POV " Be a good girl Alyanna Maine, " sabi ni Ate Emy sa akin, ang panganay sa mga ate ko. Nakasanayan na niya akong tawagin sa buo kong pangalan lalo na kapag seryoso siya pero minsan naman yung palayaw kong Laine ang itinatawag niya sa akin. " Bawal na ang spoiled brat dahil ikaw na ang magiging ate dun at mag- aasikaso sa mga baby brothers natin." " Oo nga baby", segunda ni ate Sugar ang bunso sa kanila at sinundan ko. " At maaga kang magma-mature" sabi naman ni ate Neris ang pinaka cute sa mga ate ko... " Ngayon pa lang gusto ko ng umiyak dahil mami- miss ko kayo mga ate ko..simula baby ako kasama ko na kayo!" Nangingilid sa luha na sabi ko sa kanila. Lumapit silang tatlo sa akin at niyakap ako ng mahigpit..." Basta baby uuwi ka pa rin dito pag bakasyon ha at pag nasa US na kami , magbabakasyon ka rin dun ha?" sabi ni Ate Emy na naluluha na. "Of course naman teh" at tuluyan ng bumagsak ang pinipigilan kong luha... Mahal na mahal ko kasi ang mga ate ko dahil ako ang baby nila nun at super spoiled ako sa kanila lalo na sa dalawa kong kuya. At kahit malaki na ako baby pa rin ang tawag sa akin sa bahay..and I'm sure I will miss them badly.... KINABUKASAN. Maaga pa lang ginising na kami ni mommy para hindi daw kami abutin ng traffic sa daan... Dalawang kotse ang gamit namin, yung isa kila mom at dad at yung isa na ginagamit naming magkakapatid pag hinahatid kami sa school.Yung driver ni dad na si Mang Gusting ang nag-drive sa amin at yung isa ay si mommy ang nag drive....nabanggit ko ba kanina na hindi na nakakalakad si daddy? Na- stroke sya last year, medyo matindi yun kaya hindi na sya nakalakad at si mommy na lang nag- aasikaso ng business nila pero yung mga paper works kaya pa rin ni dad.. At kaya pumayag na rin sya na manirahan na kami sa province ay para na rin sa health nya.Pero sabi naman ng mga doktor nya, may pag-asa pa na makaalis sya sa wheelchair nya basta't regular lang ang theraphy nya. After a few hours nakarating na rin kami sa bahay nila mommy and definitely magiging bahay na rin namin... And as I step out of the car, alam ko maraming pagbabago ang magaganap. At magsisimula na ngayon ang pagbabago ng aking buhay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD