" Okay na ba lahat ng gamit mo?"
Bungad ni mommy sa akin habang pinapanood nya akong mag-unpack ng things ko sa bagong room ko.
" I'm almost done , mom".
" So, how do you find your new room?" tanong niya.
" It's nice and quite comfy mom".sagot ko.
Totoo yun sa loob ko kasi super cute naman talaga nung room parang pinaayos nga muna nila dahil pang kikay ang design ng mga muwebles. May built in closet sya and bathroom, hindi sya kasinglaki nung room ko sa Manila but it's fine with me, may aircon din naman sya.
" Mabuti naman anak nagustuhan mo. Hindi kasi ito kasing laki ng room mo dun sa atin sa Manila." nakangiting turan ni mommy, tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan.
" Nagustuhan ko po mommy, kumportable rin naman siya at ayos lang sa akin kung hindi siya kasing laki ng dati kong room. Nandito rin naman po lahat ng kailangan ko. " nakangiting sabi ko kay mommy. Gusto kong iparamdam sa kanya na ayos lang sa akin ang lahat dahil kasama ko sila sa pagbabagong ito sa buhay namin.
Nakangiting niyakap ako ni mommy at hinalikan sa noo.
"O sige baby, punta lang ako ng palengke para sa stocks natin dito sa bahay at kakausapin ko na rin tita Baby mo para sya na ang mag- aasikaso sa inyo pag nasa work ako." paalam niya pagkatapos.
" Okay mom, ingat po"..
Pagkaalis ni mommy, itinuloy ko na ang pag-aayos sa mga gamit ko. Hinayaan nilang ako ang mag-design ng kwarto ko unlike dun sa dati naming bahay, nag-hire pa si mommy ng interior designer para mapaganda ang mga room namin. Pakiwari ko, kaya hinahayaan nila ako ay para matuto ako. Hindi na kasi katulad sa Manila ang magiging estilo ng pamumuhay namin dito sa province. Wala ng mga kasambahay na aalalay sa amin.
Pinagkasunduan nila mom at dad yun kaya kailangang sumunod kami ng mga kapatid ko. Ang mamuhay ng simple at malayo dun sa kinamulatan naming buhay.
AFTER a couple of hours, natapos din ako sa pag- aayos sa room ko. Nasiyahan naman ako sa kinalabasan ng room ko kaya masaya akong lumabas ng bahay at nakita ko si daddy na pinapanood ang mga brothers ko na naglalaro sa garden.
" Hi! Dad," bati ko sa kanya sabay yuko ko at yumakap sa likuran nya dahil nakaupo sya sa wheel chair nya.
" Hello,baby!" how's your day?"
" I'm perfectly fine dad, no worries".
" Buti naman anak, sana magustuhan mo rin dito, kasi look at your brothers, I think they like it here."
" Mukha nga po dad, nag- eenjoy nga sila oh"...sabi ko habang tinitignan kong nagkakatuwaan ang mga kapatid ko.
" Huwag po kayong mag- alala mukhang magugustuhan ko rin po dito, konting adjustments lang siguro." dugtong ko pa.
" Salamat anak, alam namin na hindi magiging madali agad sayo dahil nasanay kana sa buhay dun sa Manila pero sa nakikita ko sayo ngayon mukhang okay ka naman yata na."
" Oo nga po dad, yung lugar lang ang nagbago pero yung luxury and comfort nandun pa rin naman kaya okay naman na, besides kasama ko naman kayo. Mami- miss ko lang po siguro sila ate at kuya at yung mga pinsan ko,sila Elize. Pati na rin yung mga friends ko. "
" Masasanay ka rin baby, makikita mo".
" Opo naman,kasama ko naman ang gwapo kong daddy eh".
" Hahaha, binola mo na naman ako."
natawa na lang si daddy sa kapilyahan ko.Sanay na sila sa akin, kumbaga ako kasi yung pinaka makulit sa bahay pero pinaka-malambing sa lahat.
THAT night.,medyo nahirapan akong matulog dahil na rin siguro sa bagong room ko, namamahay ika nga pero alam ko kailangan ko na rin na masanay sa pagbabago. After this summer panibagong adjustments na naman dahil magiging iba na ang school ko, pero okay lang, kakayanin ko dahil kasama ko ang pamilya ko.
With that thought, nakatulog na rin ako after kong umusal ng panalangin ng pasasalamat sa Lord and ask Him to make things easier for me...