CHAPTER 4

1175 Words
MAAGA pa rin gumising si Laine kinabukasan kahit medyo puyat sya. Sunday kasi at kaugalian na nilang mag- anak na mag attend ng mass. After nyang gawin ang kanyang morning rituals ay lumabas na sya ng room para mag breakfast. Nasalubong nya ang tita Baby nya sa sala at binati nya ito.Pinsan ito ng mommy nya at dalaga pa, mga nasa mid thirties na ang edad nito. " Good morning tita! Sila mommy po?" tanong nya at sabay nagmano dito. " God bless anak, nasa dining sila nag- aalmusal na. " sagot ni tita Baby... "ang laki mo na ah parang kailan lang baby ka pa, dalagita kana at napaka-ganda katulad ng mommy mo." dugtong pa ng tita nya. Medyo nag blush siya sa pagpuri ni tita Baby sa kanya kasi ayaw na ayaw nya ang ganong mga papuri although marami nga ang nagsasabi na maganda talaga sya, combination kasi sya ng mommy at daddy nya. Yung matangos na ilong at kulay dark brown na mga mata na may mahabang pilik ay nakuha nya sa daddy nya. Yung kissable red lips, maputi at makinis na kutis ay sa mommy nya naman nakuha.Biro nga ng marami ay sobrang in love daw siguro ang mga magulang nya sa isat- isa kaya ganun ang physical features nya. " Tita naman, wag nyo naman po akong purihin ng ganyan, nakakahiya po..hehe!" " Hala, eh totoo naman ang sinasabi ko at bukod sa maganda ka ay consistent honor student ka pa! Swerte ng magiging boyfriend mo kung sakali.." biro pa ng tita Baby niya. " Naku! Tita wala pa po sa isip ko yan bata pa po ako." " O eh sabi ng daddy mo, marami daw ang gustong manligaw sayo." " Wala naman pong makalapit sa kanila sa akin dahil sobrang intimidating ni Dad. Papayag lang daw sya kung may maglalakas ng loob na magsabi at magpaalam sa kanya na ligawan ako." sabi niya. " At palagay ko po tatanda akong dalaga kasi tingin pa lang ni daddy takot na ang mga lalaki at dadaan pa sila sa dalawa kong kuya." dagdag pa nya.At totoo nga yon dahil nakita nya kung gaano ka- strict ang dad nya at mga kuya niya sa mga nanliligaw sa mga ate nya. " Hahaha, wag naman ,sayang ang magandang genes mo anak.." natatawang turan ng tita Baby niya. "Hahaha!, sige tita punta na po ako sa dining room.Tara po kain tayo." anyaya niya sa tiyahin. " Tapos na ako mag breakfast kanina pa.Sige Laine dito lang ako sa garden magdidilig ng halaman." at lumabas na si tita Baby. DUMIRETSO na siya sa dining room para mag breakfast at inabutan nyang masayang nagkukwentuhan ang mga magulang nya at ang mga bisita ng mga ito... " Morning dad, morning mom!" bati nya sabay halik sa pisngi ng mga ito. " Morning din anak. " sagot ng mommy nya. "Baby sila nga pala si Mareng Bining at Pareng Phil, natatandaan mo pa ba sila?" tanong ng mommy nya. Napatingin sya sa dalawang tao na nasa kabilang panig ng hapag. "Ay opo, kumusta po kayo?" pagbati nya sabay lapit at nagmano sa mga ito. " Kaawaan ka ng Diyos anak. " sabi ni Mareng Bining.. " Ito na ba si Laine, yung panganay nyo? Dalagita na pala ano pareng Franz?" tanong nung Pareng Phil sa daddy niya. " At napaka gandang bata, ano mareng Paz?" segunda naman ni mareng Bining. " Hindi naman sa pagmamalaki mare, muse yan ng buong school nila sa Maynila at consistent honor student din sya, napaka swerte namin sa batang yan. " proud na sabi ng kanyang mommy. " Kung ganon mare, tuloy pa ba yung kasunduan nating apat nuon kapag nagdalaga na si Laine?" tanong ni Mareng Bining. Natigilan ang mag- asawa sa tanong na yon ng kanilang kumare. Tila inaalala yung naging kasunduan nila sa nakaraan. At si Laine napanganga sa nakitang reaksyon ng mga magulang. Ano nga kaya ang kasunduang yon? tanong ni Laine sa sarili. NATAPOS ang misa ng parang walang naunawaan si Laine dahil ang isip nya ay natuon dun sa usapan ng mga magulang nya at ng mga kaibigan ng mga ito kanina.Ano nga kaya yung sinasabi nilang kasunduan? tanong nyang muli sa sarili. Medyo nalimutan na lang nya yung iniisip nung magyaya ang daddy nya na kumain na lang sila sa labas.Ayaw naman nyang tanungin ang mga ito baka kasi sabihin na usapan iyon ng matatanda kaya pinilit na lang nyang kalimutan yun.Tutal sasabihin din naman siguro sa kanya yun ng mga magulang kalaunan dahil siya naman yung involved. THREE days na simula nung lumipat sila dito sa probinsya ng Sto. Cristo nang bisitahin sya ng kababata at pinsan nyang si Candy. " Insan, musta na, ikaw na ba yan?" " Wow ganda natin ah at mukhang dalaga na. " excited na sabi ni Candy. " Ikaw din naman insan, ang ganda mo rin kahawig mo yung artista na si Lanie Mercado!" balik papuri niya dito. " Hindi naman, ang ganda kaya nun, pareho lang kaming morena nun."sagot ni Candy. " Oo kaya, wala ka namang bilib sa sarili mo Candy."sabi nya. " Naku!naku!naku! Nagsalita ang may bilib sa sarili, ikaw nga dyan umaapaw ka na sa magagandang katangian parang hindi ka naman aware.Kung ako ang ganyan malamang nag-audition nako bilang regal babies. " litanya ni Candy. " Hahaha! Grabe ka naman insan, lika nga dito sa loob magmeryenda muna tayo." pagyaya nya sa pinsan. " Laine, totoo ba na dito na kayo titira for good?" tanong ni Candy habang kumakain sila. " Yap, at dito na kami mag- aaral. May branch pala dito yung exclusive school na pinapasukan ko sa Maynila, dun na daw ako para hindi na magpapalit ng uniform." sagot nya sa tanong ng pinsan. " Ay masaya yan! Marami akong kaibigan dito at ipapakilala kita sa kanila at sigurado magkaka-crush sayo ang mga binatilyo dito, kamukha mo kaya si Phoebe Cates." ani Candy. " Uy grabe ka naman, ang ganda kaya nun, hindi naman ako ganun kaganda noh! " sabi nya. " Hoy! Insan tumingin ka nga sa salamin ng makita mo. Kahit sino tanungin mo iyon din ang sasabihin nila." " Hay, naku! Kumain ka na nga lang dyan at baka gutom lang yan, kung ano-ano sinasabi mo." ingos niya sa pinsan. " Hay naku rin, Alyanna Maine Cruz Guererro, napaka humble mo talaga kahit kelan. " napapailing na sabi ni Candy. Napangiti na lang sya sa pinsan, ayaw na nyang makipagtalo dahil binanggit na nito ng buong- buo ang pangalan nya, alam nyang naiinis na ito dahil ganun na ito nung mga bata pa lang sila. " Hahaha! suko na po Candelaria Cruz Marquez ". "Tse!" at pinandilatan sya ng pinsan. Tapos sabay silang nagtawanan. Sa sobrang dami ng napag- kwentuhan nilang magpinsan kaya hindi nila namalayan ang oras dahil komportable talaga sila sa isat- isa. Mga bata pa lang sila ay close na talaga sila sa isa't isa. Hinatid na lang nila si Candy pagkatapos ng hapunan at nangako ito na babalik na lang ulit. Natulog syang may ngiti sa labi dahil alam nya magiging masaya ang paglipat nila sa probinsya dahil sa pinsan at kababata nyang si Candy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD