DAYS had past at medyo nakapag-adjust na rin si Laine sa buhay nya sa probinsya ng Sto. Cristo.Malaki ang naitulong ng pagpunta-punta sa kanila ng pinsan at kababata na si Candy.
Nang araw na yon nang muling dumalaw ang pinsan nyang si Candy ay may kasama itong kaibigan at pinakilala sa kanya. Saktong katatapos lang nyang magluto ng meryenda nila.
" Hi insan! may kasama ako, siya si Rina, kaibigan ko at dun lang sya nakatira malapit sa amin, yung malaking bahay na nadadaanan dyan paglabas". tukoy ni Candy dun sa kasama nito na tantya nya ay matanda sa kanila ng dalawang taon.
" Rina, pinsan ko si Laine, yung madalas kong ikwento sayo nun." pakilala naman ni Candy sa kanya kay Rina.
" Hello!Laine, nice to meet you, totoo pala ang kinukwento ni Candy na maganda ka." sabi ni Rina at nag-shake hands sila.Pansin niya na maganda din ito, may kaputian at balingkinitan ang katawan. Mukha itong mabait at friendly.
" Naku talaga tong si Candy kung ano- ano na naman kinukwento. Binebenta na yata ako nyan eh. " biro nya.
" Grabe ka talaga insan, nagsasabi lang naman ako ng totoo, anong binebenta ka dyan!" reklamo ni Candy.
" Sige na nga, high blood kana naman eh, hahaha"...ayon nya.
" Nakakatuwa naman kayong dalawa. " singit ni Rina.." Dapat pala Kends sinama natin ang barkada para nakilala rin nila si Laine "...dagdag pa ni Rina.
" Oo nga ano, sige next time isasama natin sila. Kaya Laine maghanda ka ng maraming meryenda pag lumusob yung mga yun." si Candy yun habang ngumunguya ng Chicken pie na gawa mismo ni Laine.
" Oo ba! No problem. " sagot nya.
" Ikaw ba talaga gumawa ng Chicken pie na to? Ang sarap ah. " tanong ni Rina.
" Yup!"
" Ang galing mo naman insan, bata ka pa marunong ka ng magluto." sabi ni Candy.
" Dalawang summer kaya ako ini-enrolled ni mommy sa cooking school. Nung una filipino dishes ang inaral ko then nung nakaraang summer sa baking class naman. May balak yata silang magtayo ng restaurant at ako ang gagawin nilang kusinera. "natatawa nyang sabi.
" Atleast marunong ka na, hindi ka magugutom kung sakali. Hindi tulad namin prito na nga lang sunog pa,hahaha." masayang sabi ni Rina.
Ilang oras din silang nagkwentuhan bago nagpaalam ang dalawa.Nangako ang mga ito na dadalasan ang pagpunta sa kanya at kung may pagkakataon ay ipapasyal sya para maging pamilyar sya sa mga lugar sa Sto. Cristo.Alam nya, na yun na ang simula ng isang magandang pagkakaibigan na mabubuo sa pagitan nilang tatlo. Magaan din kasi ang loob niya kay Rina gaya kay Candy.
ISANG hapon nagyaya ang mommy nya na mamili ng ilang gamit na kulang sa bahay nila.
" Baby, let's go shopping, may mga kitchen utensils akong kailangang bilhin,wanna go out?" tanong nito sa kanya.
" Mom, I don't feel like going out today, kayo na lang nila dad at mga brothers ko." sagot nya.
" You sure?" tanong ng mommy niya.
" Yup! Uwian nyo na lang po ako ng siomai."
" Okay anak. " pag-ayon ng mommy niya.
Pagkaalis ng mga magulang kasama ang mga kapatid nya ay naisipan nyang maglinis sa harap ng gate nila. Inalis nya ang mga natuyong dahon sa flower box at winalis ang harapan nila.
Malawak ang garden nila ngunit tila napabayaan na ang mga halaman dahil ilang buwan din na walang nag-aasikaso simula nung mamatay ang lola niya. Balak niyang magpabili ng mga hanging plants sa mommy niya para ihilera sa may bakod. Magdaragdag din siya ng mga bagong halaman. Pagtutuunan niya ng pansin ang garden nila sa mga susunod na araw para bumalik ang dating ganda nito. At yung malaking swing sa may gilid ng bakuran na hindi na gaanong nagagamit dahil makalawang na ay papapinturahan niya para magamit nila.
Aliw na aliw sya sa pagwawalis sa labas ng bakod nila ng biglang —
BLAG!
" Ay palaka!" napasigaw sya sa gulat ng muntik na syang masagi ng kung sinong Poncio Pilato na sakay ng bike na sumemplang makalampas sa may bakod nila.
" Naku naman, kuya magdahan- dahan ka naman kasi! Paano kung nabunggo mo ako eh di nasaktan ako and worst baka nabagok pa ulo ko tapos dadalhin pa ako sa ospital. Eh ayoko pa naman ang ospital. Ayokong makakita ng mga taong may sakit na nasasaktan,ayoko ng mga gamit nila dun, I don't like the smell of the hospital basta ayoko dun, AYAW KO! " litanya ni Laine sa lalaking nakatalikod sa kanya na nag- aayos ng bike nito.
" At isa pa, ang daming pwedeng pagsemplangan dyan oh, dito ka pa talaga malapit sa akin sumemplang kung di ka ba naman..... " naputol ang sasabihin nya ng biglang humarap ang lalaki.
" O ano miss tapos ka na ba sa litanya mo?" tanong ng lalaki.
Natulala na lang si Laine ng makita nya ang mukha nito....
OMG!