CHAPTER 6

1062 Words
Laine's POV Pagkaalis nila mom ay naisipan kong maglinis sa labas ng bakuran, ang dami na kasing mga tuyong dahon sa flower box.Habang sobrang busy ako sa pagwawalis ng mga tuyong dahon ay may naramdaman akong parang may dumaan sa may likuran ko at muntik na akong masagi ng kung sino.Narinig ko na lang na may bumagsak. Yun pala may lalaking naka bike na sumemplang malapit sa may bakod. Dahil kinabahan ako, hindi ko napigilan ang bibig ko na parang armalite na dire-diretso na naglitanya ng kung ano- ano sa lalaking nakatalikod. Inaayos nito ang natumbang bike at matapos nun ay pinagpag naman ang mga kumapit na natuyong dahon sa damit niya. Naputol ang sinasabi ko ng bigla syang humarap sa akin at nagsalita.. " O ano miss, tapos kana ba sa litanya mo?!" nakangiting tanong nya.Shocks ang ganda ng speaking voice nya. Talagang natulala ako. Kasi naman ano eh, paano ko ba ide- describe yung naramdaman ko? First time yun eh parang biglang nag palpitate yung heart ko. Basta hindi ko maintindihan. Hindi ako agad nakapagsalita, feeling ko nalulon ko na dila ko.Shocks! Ano ba kase! Ang gwapo naman kasi ni kuya eh. " Hoy! Miss hindi kana kumibo dyan kanina lang para kang armalite dyan!" turan ni kuyang sumemplang. " Huh?" " Mukha ba akong palaka? kasi yun ang sabi mo kaninang nagulat ka.Natulala kana dyan!" sabi ulit niya. " Huh?" " Ano wala ka na bang sasabihin kundi huh? Parehas ka lang nila, natutulala kapag nakita ako". mayabang niyang sambit. Tila nabalik naman ako sa huwisyo ko ng marinig ko yung huling sinabi nya. " Hoy kuyang ewan! Ang yabang mo rin ano, kaya natulala ako kasi kinabahan ako! At oo nasabi ko yung palaka kasi mukha kang PALAKA!" diniin ko talaga yung word na yun para pagtakpan yung pagkapahiya ko. Totoo kasing na crush at first sight ako sa kanya.hehe. Ang gwapo nga kasi. Moreno, matangkad, maganda ang mga mata, matangos ang ilong at mapula ang labi. Check na check at pasado sa standards ko. Pero hindi ko yun ipapahalata at aaminin.Mamatay na umamin! " Kung bakit naman kasi ang dami- daming lugar , dito ka pa sesemplang!" Asar kong sabi. Kailangan maldita mode ako. " Eh may iba pa bang daanan bukod dito papunta dun sa poulty nila mang Ben, wala naman di ba?" sagot nya. Tila naaaliw pa sa nakikita nyang pagkaasar ko. May ngisi kasi sa labi na pinipigilan lang. " Malay ko ba! I'm just new here. Do you think I know who the hell you are talking about? Just go ahead,you're blocking my way!" Inis kong sabi, napapa - spokening dollar kasi ako pag naiinis. " Ang taray mo miss, sayang maganda ka pa naman, di bagay sayo magtaray. At isa pa huwag mo akong inglesin dahil kahit gwapo ako wala akong hilig magsalita ng english." banat pa nya. " To hell I care! Baka tubuan ka na ng muscles nyan, kanina ka pa nagbubuhat ng sarili mong bangko!" sabay talikod ko papasok ng bahay. Iiling- iling na lamang na tumalikod na rin sya at sumakay na ng kanyang bike. Pesteng yun ang yabang komo gwapo.Sayang crush ko pa naman sana. First time ko to naramdaman, at sa kanya pa na ubod ng ewan.Naku wag ko na lang sana makikita pagmumukha nun kung hindi! Huh ewan na nga lang. Kakainis!!! ***** Nhel's POV INUTUSAN ako ni mama na bumili ng itlog sa poultry nila Mang Ben sa dulo. Sakay ng bike ko sinunod ko ang utos ni mama.Nang malapit na ako dun sa bahay ng ninang ni Kuya na si Tita Paz, may babaeng nakatalikod na nagwawalis.Nung tumuwad sya para abutin yung mga natuyong sanga sa flower box medyo nalilis yung palda nya at lumitaw yung maputi at makinis nyang legs, kaya naman natuon ang pansin ko dun na naging dahilan ng pagkasemplang ko. Muntik ko na nga syang mabunggo buti na lang nailihis ko yung manibela at dun ako sumadsad sa may bakod nila at tumumba sa may damuhan. Alam ko nagulat sya dahilan para magtatalak sya na parang armalite.Natutuwa ako sa mga sinabi nya at ang cute talaga ng boses nya, parang anghel kahit galit sya. Naisip kong humarap na nung maayos ko yung bike ko. Gusto kong makita kung kasing ganda ba nung boses nya yung itsura nya. " O ano miss, tapos kana ba sa litanya mo?" tanong ko pagharap ko sa kanya.Nakatulala sya sa akin. Grabe ang ganda nya. Medyo bata sya sa akin pero parang dalaga na sya.At yung weakness ko sa isang babae nasa kanya, balbon!Yun din ang napansin ko sa legs nya kanina kaya sumemplang ako..hehe..medyo parang perv ba ang dating ko? Hindi naman. Naakit lang ng konti. Medyo nagkaasaran kami at sinabi nyang mukha akong palaka. Ako? si Nielsen Emmanuel Mercado, mukhang palaka? Walang maniniwala dun uy! Sa totoo lang, hindi po sa pagmamayabang mula grade school hanggang ngayong high school, ako ang palaging escort ng buong school.Kaya natatawa lang ako sa kanya ng sabihin nya yun, alam ko naman na pinagtatakpan lang nya yung pagkapahiya nya dahil natulala naman talaga sya.. " Kung bakit ang dami- daming lugar dito ka pa sesemplang." nagulat ako ng magsalita ulit sya, haha... hindi pa pala sya tapos. " Bakit may iba pa bang daanan papunta dun sa poultry nila Mang Ben, wala naman di ba? sagot ko ng may pang-aasar. Ang ganda kasi nya lalo pag naaasar. Nag-english na sya ng sumagot sya. Wow grabe ang galing nya ha ni hindi sya nag buckle man lang. Inasar ko na naman sya at naging dahilan yon para mag walk out na sya. Naiiling na lang akong sumakay uli sa bike ko at umalis na.Sayang hindi ko man lang nalaman ang pangalan nya. Pagdaan ko ulit sa harapan nila hindi ko na sya nakita.At ng gabing matutulog na ako naisip ko na naman sya.Ang ganda talaga nya.Maganda yung mata nya,matangos yung ilong at red ang lips nya.Haay crush ko na nga yata sya.Sa dinami dami ng mga babae na na- ugnay sa akin parang sya lang yung pumukaw talaga ng atensyon ko. Kahit si Lovie na girlfriend ko daw ngayon, hindi man lang nangalahati sa ganda nya. Siya kaya yung anak ni Tita Paz? Bukas nga tanungin ko si mama para may chance na makilala ko sya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD