Laine NAGING matagumpay ang fashion show namin na ginanap sa isang five star hotel na pag-aari ng isa sa mga apo ng matandang Montreal. Pagkatapos ng show ay maraming lumapit para umorder ng mga damit na katulad ng mga inirampa naming mga models. Marami ang nag-congratulate sa akin dahil yung mga isinuot ko ang maraming nakuhang orders. Binati rin ako ng big boss at gusto pa niya uling i-extend ang contract ko sa kanila na matatapos na sa susunod na tatlong buwan. Nagpasalamat ako at nagpaalam na ang matanda na bumeso pa sa akin. Napansin ko na papalapit na si Nhel at ng masalubong niya ang big boss ay binati rin siya at nakipagkamay. Nakita kong nag-usap sila saglit at ng umalis na ang big boss ay napatingin si Nhel sa akin na may malapad na ngiti. Sinalubong ko siya ng yakap at g

