Nhel HINDI ko alam kung bakit medyo kinabahan ako dun sa sinabi ni Marga kanina. Tuwiran niya kasing sinabi na lahat ng gusto niya, nakukuha niya. At hindi naman ako manhid.Alam ko na noon pa man, talagang malaki ang pagkaka-gusto niya sa akin.Lantaran na niyang pinapakita yon sa akin lalo na kapag wala si Laine. Umiiwas lang talaga ako.Pero ngayon nag-uumpisa na siyang gumawa ng move para mapalapit sa akin. Dapat alerto kami ni Laine at maging maingat habang wala pa kaming naiisip na pangontra sa maaaring maisipang gawin ni Marga. I heaved a very deep sigh. Lord please protect my relationship with Laine. " Ang lalim nun beh ah.What's bothering you?" tanong ni Laine na paupo na sa tabi ko sa sofa, galing siya sa kusina. " It's Marga. " tugon ko.Pumihit ako paharap sa kanya at tini

