Nala POV
"GOOD morning dad.." Bati ko sa ama pagpasok ko sa komedor. Kasalukuyan na syang kumakain. Nakasuot na rin sya ng pang opisina nya.
Tumango si daddy ng hindi tumitingin sa akin at minuwestra ang kamay sa bakanteng upuan sa gawing kanan nya. Hinila ko ang upuan at umupo doon. Ilang saglit pa ay pumasok sa komedor ang dalawang kasambahay at nilapag ang mga pagkain. Nag-thank you naman ako sa kanila at sumandok na ng sinangag.
Maraming pagkain sa mesa na para lang sa aming dalawa ni daddy. Lagi namang ganun sa tuwing kakain kami. Sobra sobra ang pagkain na hindi namin kayang ubusin. Ang iba nga ay hindi namin nagagalaw. Ewan ko ba kay daddy bakit ang hilig magpaluto ng maraming pagkain para sa aming dalawa eh hindi naman namin kayang ubusin. Ayos lang naman dahil makakakain din ang mga kasambahay at mga tauhan.
"Anong oras ka umuwi kahapon?" Untag sa akin ni daddy habang dinadampian nya ng napkin ang bibig. Tapos na syang kumain.
"After ng school." Sagot ko at sumubo ng pagkain.
"Anong oras nga?" Bahagya ng mataas ang boses ni daddy.
Napabuntong hininga ako. "5:30 dad.."
"Are you sure? Baka may iba ka na namang pinuntahan at kinuntsaba mo na naman ang driver." Nakataas ang kilay na tanong ni daddy. Nasa mukha nya ang pagdududa.
Umikot ang mata ko. "Wala nga dad. Kahit i-tsek mo pa ang cctv."
"Talagang itse-tsek ko. And I'm telling you again Nala, ulitin mo pa ang pag c-clubbing puputulin ko ang allowance mo at i-g-grounded kita."
"I know dad.."
Tumayo na si daddy at lumabas ng komedor. Ang aga aga mukhang mainit na ang ulo nya. Siguro may problema na naman sa negosyo nya.
Muli na lang akong napabuntong hininga at tinuloy na ang pagkain. Hindi ko rin naman masisisi si daddy kung pagdudahan nya ako. Ilang beses na rin kasi akong nagsinungaling at pumuslit sa club. Kinuntsaba ko pa ang driver namin at sinuhulan. Yung huli akong nag clubbing ay nahuli ako ni daddy kasama nya ang mga business partner nya. Agad nya akong pinauwi noon at sinabon dito sa bahay. Doon nya nalaman sa driver namin na ilang beses na akong nag clubbing. Muntik na nyang tanggalin sa trabaho ang driver namin kung hindi lang ito nakiusap na kailangan na kailangan ng trabaho. Naawa naman si daddy kaya binigyan ito ng isa pang pagkakataon. Natakot naman na akong ulitin dahil ayokong maputol ang allowance ko.
Natuto akong mag club last year lang at seventeen years old pa lang ako noon. Dinadaya ko ang edad ko para makapasok sa club. Naudyokan ako noon ng mga dating kaibigan at mga kaklase ko noong senior high. Natuto akong uminom at magyosi dahil tinuruan nila ako. Masaya sa loob ng club. Nakakabuhay ng ugat ang ingay sa loob at mga ilaw na iba iba ang kukay na malikot. Masarap ding uminom lalo na kapag nalalasing ka. Nakakalimutan saglit ang lungkot at problema. Hanggang sa napapadalas na akong mag club at marami akong natutunang mga kalokohan doon. Kamuntikan na nga rin akong marape mabuti na lang at alerto ang driver ko nung time na yun. Dapat nga madala na ako sa nangyari sa akin pero hindi. Naging madalas pa ako sa pagka-club pero nag iingat na ako.
Siguro masasabi kong way yun ng pagrerebelde ko kay daddy na madalas pakiramdam ko ay wala syang pakialam sa akin. Wala nga syang oras sa akin eh.
Pero mabait naman si daddy. Noong bata pa ako kinuha nya ako sa tita ko na nag aalaga sa akin. Nagpakilala syang sya ang daddy ko. Sobrang saya ko noon dahil may daddy pala ako. Matagal ko na yung pangarap noon na magkaroon ng magulang. Dinala ako ni daddy sa malaki nyang bahay at simula noon ay namuhay na kaming magkasama kasama ang mga kasambahay. Wala naman akong balita tungkol sa mommy ko. Ang sabi ni daddy matagal na silang hiwalay ni mommy baby pa lang ako at iniwan ako kay tita.
Masagana ang buhay ko sa piling ni daddy. Para akong prinsesa. Nakakain ang kahit anong gustong kainin, nabibili ang anomang gusto at napupuntahan ang mga lugar na gustong puntahan. Galante sa akin si daddy, binibigay ang anomang gusto ko. Noong bata pa ako marami syang time sa akin. Pero nagbago sya noong mag senior high ako. Lagi na syang busy at wala ng time sa akin. Puro sya trabaho at laging mainitin ang ulo. Binibigyan lang nya ako ng malaking allowance tapos tatanungin ang ginawa ko sa school. Tapos na. Ganun na lang palagi. Tapos papagalitan nya ako kapag may ginawa akong kalokohan. Hindi man lang nya ako kausapin ng maayos. Kaya hindi maiwasang magtampo ako sa kanya.
--
"SALAMAT Kuya Ron." Sinukbit ko na ang bag sa balikat.
"Text na lang po kayo ma'am kapag uwian na po kayo."
Tumango ako sa driver at bumaba na ng sasakyan. Sinuklay ko ng daliri ang mahaba kong buhok. Bumusina si Kuya Ron at pinausad na ang sasakyan.
"Hi Nala!"
Nilingon ko ang bumati sa akin. Isang grupo yun ng mga estudyanteng lalaki. Base sa uniform nila ay criminology ang course nila. Nginitian ko lang sila at hindi na pinansin. Wala akong time ngayon makipag flirt.
Nagpalinga linga ako. Wala pa si Cassandra. Binuhay ko ang cellphone at nakitang online sya. Chinat ko sya at sinabing nandito na ako sa school. Agad naman syang nagreply na nasa kanto na sya.
Pinatay ko na ang cellphone at hinintay na lang ang kaibigan para sabay na kaming papasok. Magkaklase kami at parehas kami ng kursong kinuha.
Mayamaya pa nga ay dumating na si Cassandra lulan ng kotse ng ninong-daddy nya. Napangisi ako habang pinagmamasdan ang dalawa. Sa harap ng ibang tao ay normal lang sila kung kumilos dahil sikreto ang kanilang relasyon. May asawa na ang ninong ni Cassandra na saksakan ng gwapo at sarap. Pero hindi na maayos ang pagsasama ng mga ito kaya naman ang kaibigan ko ay umariba na ng todo at inakit ang kanyang ninong. Nagtagumpay naman sya at nakuha naman nya ito. Kung ako rin naman sya ay ganun din ang gagawin ko. Lalo pa at type na type ko ang gaya ng ninong nya. Yung tipong luluhuran. Ganern!
Lumapit na sa akin si Cassandra na may matamis na ngiti. Nginisihan ko naman sya. Mukhang nakakota ang gaga sa ninong nya.
Lumingon si Cassandra kay Mannox at kumaway. Ngumiti naman si Mannox at tinanguan ako bago sya sumakay sa kotse nya.
Pabiro kong kinurot sa tagiliran si Cassandra na kanyang ikinapitlag. "Mukhang nakakota ka sa ninong mo ah. Sanaol may nagdidilig." Mahinang sambit ko.
Namula naman ang mukha nya at nanghaba ang nguso. "Walang dilig no, dahil umuwi na ang asawa nya."
"Ay ganun? Ka-sad naman. So paano yan?"
Bumuntong hininga sya. "Eh di back to normal kami sa bahay. Balik ako sa pagiging inaanak."
"Ganun talaga Cas, bumalik na ang legal wife kaya ang kabet sa isang tabi muna."
"I know.."
Napailing iling ako ng gumuhit ang lungkot sa mukha ng kaibigan. Ganun talaga, pinili nya ang maging kabit. May kahati sya at yung original pa. Nakikita ko namang mahal na mahal nya ang Ninong Mannox nya at sabi nya naman ay mahal din sya nito at balak na nitong hiwalayan ang asawang may saltik. Sana nga ay totoo yun dahil kung hindi sya lang ang kawawa sa huli.
"Sya nga pala, naalala ko. Ang sabi mo may ipapakilala ka sa akin na kasinggwapo at kasing hot ng ni Mannox. Asan na? Naghihintay ako uy!"
Tumawa sya. "Wala pa. Busy pa kasi si Gordon. But don't worry makikilala mo rin sya."
Ngumuso ako. Nacu-curious na ako sa Gordon na yun. Sabi nya gwapo din daw yun at macho. Kahulma ni Mannox pero brusko version.
"Pahingi na lang akong pic nya. Kikilatisin ko."
Ngumisi ang kaibigan ko. "Later, send ko sayo. I'm sure mawe-wet ka."
Tumaas ang kilay ko. Bigla akong na-excite sa sinabi ng kaibigan.
*****