Chapter 1

1077 Words
Nala POV NAPASINGHAP ako ng may malakas na kamay na humila sa akin papasok sa loob ng abadonadong classroom. "Who the f**k -- Kyle?" Bulalas ko ng makaharap ang walang hiyang humila sa akin. Ngumisi si Kyle at malanding sinuyod ng tingin ang aking katawan. Ngunit nagtagal ang kanyang mga mata sa parte ng s**o kong halos pumutok sa suot kong white blouse. "Hi baby.. finally nasolo din kita." Aniya sa senswal na boses. Namilog ang mata ko ng bumaba ang kanyang mukha para halikan ako. Mabilis ko namang iniwas ang mukha kaya dumampi ang kanyang labi sa aking panga. Sinibasib nya ako ng halik doon at pilit hinuhuli ang labi kong mariing nakapinid. Ang isang kamay nga nya ay pumisil na sa s**o ko. Nakaramdam ako ng takot at pagkataranta. Pilit ko pa ring iniiwas ang aking mukha at ginamit ko ang buo kong lakas at tinulak sya. Napaatras naman sya at nagulat. Umismid ako. May sa lampa pala sya. Isang malakas na tulak ko lang muntik ng matumba. Kumunot ang noo ni Kyle. "What's wrong Nala? Akala ko ba you like me?" Tumaas ang kilay ko. "Sinabi ko bang like kita?" Ang kapal ng mukha ng unggoy na to! Ngumisi si Kyle. "Hindi. Pero obvious naman na you like me. You cheered me pa nga sa practice game kahapon di ba? Sinisigaw mo pa ang name ko." Umawang ang labi ko at pagak na tumawa sa sinabi ni Kyle. Makapal nga talaga ang mukha nya. 2nd year college student si Kyle at kumukuha ng kursong architecture. Member din sya ng football club at famous sa campus dahil may hitsura naman sya. Yun nga lang playboy at gwapong gwapo sa sarili. "Ang feeling mo ha.. Porket chineer lang kita at sinigaw ang pangalan mo type na kita." "Tsk tsk! Don't deny it babe. Don't worry type din naman kita eh. You should be thankful pa nga dahil sa dami ng babaeng nag aabang na tapunan ko ng atensyon ngayong araw ay ikaw ang napili ko." Tumaas pa ang kamay nya at hinaplos ang pisngi ko. Pero tinabig ko yun at muli syang tinulak. "Sige na nga, aaminin ko na type kita.." Ngumisi sya. "I knew it." "Dati." Nakangising dugtong ko. "Pero ngayon hindi na. Ang bastos mo eh, asyumengero ka pa. Tabi nga dyan!" Patulak na tinabig ko sya at binuksan ang pinto. Walang lingon na lumabas ako sa abandonadong silid. May ilang estudyanteng dumadaan ang napapatingin pa sa akin. Wari'y nagtataka kung ano ang ginawa ko sa abandonadong silid. Pero wala akong pakialam sa kung ano ang iniisip nila. "Nala wait!" Napatigil ako sa paglalakad ng hawakan ni Kyle ang braso ko. Padaskol na binawi ko naman ang braso. "Ano ba?" Asik ko sa kanya. Nagpalinga linga si Kyle at nginingitian ang mag estudyanteng dumadaan na tumitingin sa kanya. Inikot ko naman ang mata. Muli syang humarap sa akin at naging matalim ang mata. "How dare you na asikan ako?" Mahina ang boses pero mariin nyang sita sa akin. Tumaas ang isang kilay ko at nginisihan sya. "Kung di mo ko binastos, hindi kita aasikan." Sabi ko sa mataas na boses na maririnig ng mga estudyanteng dumadaan. Pinandilatan ako ng mata ni Kyle. "Lower your voice." "Ayoko nga! Sasabihin ko kung ano ang gusto ko. Bastos ka at feeling mo lahat ng babae nagkakandarapa sayo. Ang kapal mo." Malakas ang boses na sabi ko. Lalo tuloy napatingin sa amin ang mga estudyanteng dumaraan na nagbubulungan na. Namula na ang mukha ni Kyle sa hiya at hindi na makatingin sa mga estudyante. Lalong tumalim ang tingin nya sa akin at nagtatagis na rin ang kanyang panga na para bang gusto na nya akong sakalin. Nginisihan ko na lang sya at inirapan sabay talikod at malalaki ang hakbang na lumabas ng building. Kung bakit ba naman kasi doon ko pa naisipang mag-cr. May nag aabang pala sa akin na asyumengerong unggoy. "Ang tagal mong nag-cr ha. Parang may iba ka pang ginawa." Nakangising saad ni Cassandra ng makabalik na ako sa tambayan namin dito sa botanical garden. "Gaga! Wala no. Hinila kasi ako ni Kyle sa abandonadong silid." Dinampot ko ang binder notebook ko sa bench. Namilog ang mata ni Cassandra. "Si Kyle? Yung football player na crush mo?" Umikot ang mata ko. "Dati crush ko sya, ngayon hindi na. Manyak pala ang gago at asyumengero pa. Ang kapal pa ng mukha." Tumaas ang isang kilay nya. "Di ba gusto mong manyakin ka nya? Kasasabi mo lang kahapon eh." Bumuntong hininga ako. Pinagsisisihan ko na nga na sinabi ko yun. "Oo nga sinabi ko yun. Pero natakot ako kanina. Akala ko mare-rape na ako eh. Turn off tuloy ako sa kanya." Pabirong kinurot ako ni Cassandra sa tagiliran. "Yan kasi.. kaya sa susunod huwag kang magbibitaw ng ganung salita." "Oo na. Akala ko kasi matino sya. Mas malandi pa pala sya sa akin." Tumawa sya. "Eh di nakahanap ka ng katapat mo." Umikot ang mata ko. "Hmp! Basta di ko na sya crush!" "Hayaan mo na sya. Marami ka pa namang crush. Halika na nga, baka nasa labas na ang mga sundo natin." Yaya nya sa akin. Lumabas na kami ni Cassandra ng botanical garden habang naghuhuntahan. Maraming mga estudyanteng lalaki na nadadaanan namin ang napapatingin sa amin. May bumabati at sumisipol. Nginingitian namin ang mga mababait. Iniirapan at pinapakyu naman namin ang mga bastos. Hindi na bago sa akin ang makasalamuha ng mga bastos na lalaki. Pero alam ko naman kung paano sila i-handle at paano rin lumaban. Huh! Palaban yata si Nala Pareñas. Aminado naman ako na may pagka maharot malandi ako. Marami akong crush dito sa school at kung saan saan pa basta gwapo at pasado sa panlasa ko. Marami ding nanliligaw sa akin pero ni isa ay wala akong sinagot. Ayaw na daddy na magkaboyfriend ako dahil baka daw magaya ako sa ibang kabataan na maagang nabuntis at hindi na nakapagtapos ng pag aaral. Hindi rin si pagmamayabang pero maganda ako. Tsinita-mestisa ang type ng beauty ko na trend sa kasalukuyang generation. Maputi ang kutis ko na parang labanos at kapag naaarawan ay namumula. Maganda din ang katawan ko. Nagyayabang ang s**o kong may kalakihan ang sukat at ang puwitan kong matambok. Marami akong natatanggap na indecent proposal mula sa mga lalaking hayok sa laman at gigil na gigil sa katawan ko. Kahit may kalandian ako ay wala akong pinatulan ni isa. Oo malandi ako, pero kaya kong kontrolin ang kalandian ko. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD