Nasa venue na ang lahat ngunit nasa loob pa rin ng kanyang kwarto sa Villa San Michele si Avria. Isang villa na isang gawa ng sining, sa loob at labas, at para bang inukit ito sa tuktok ng burol ng Florence. Napaganda ng tanawin, at napakapayapa ng lugar. Isang bagay na lalong nagpalungkot sa walang buhay na mukha ni Avria. "Hey, you're stunningly beautiful with the dress. Tiyak na maiiyak si Finn kapag nakita ka niyang naglalakad pababa ng pasilyo." dinig niyang sabi ni Gwendolyn. Nakabihis na din ito, at tulad niya ay napakaganda din. Wala sa saliring napatingin si Avria sa salamin, at hindi nga nagsisinungaling si Gwendolyn. Hindi matawaran ang kanyang kagandahan sa kanyang suot na wedding dress, na tila'y ginawa para sa kanya. Perpekto nitong ipinakita ang kanyang mga kurba ng

