Pagkatapos ng kasal ay tumungo na sila sa reception. At habang nasa biyahe sila ay panay ang paghalik ni Jones sa kanyang kamay habang panay ang pagpapasalamat nito sa kanya. "Muntikan na akong magduda na hindi ka dadating," naluluhang sabi ni Jones. "But our mothers told me to stopped worrying dahil dadating ka daw. At dumating ka nga. You make me the happiest person in the world. Thank you, Habibi." Masuyong hinalikan nito uli ang kamay niya. Napatingin tuloy si Avria sa kay Jones, at napailing. "So you really thought I won't show up?" "You can't blame me. You don't love me," sabi ni Jones sa malumbay na boses. "You have my word, Finn. I'm sorry kung natagalan ako. Inihahanda ko lang ang saliri ko, pero hindi sumagi sa isip ko ang umatras o hindi sumulpot." "Salamat kung gayon," sa

