CHAPTER 38 (SPG) Wala sa sarili nang mapabangon ako, tila ba awtomatiko akong nagising sa oras na alas siete ng umaga. Kaagad kong nasapo ang noo nang halos magdilim ang paningin ko. Hinihingal din ako at animo'y kagagaling lang sa masamang panaginip. Mayamaya nang malingunan ko si Haris na siyang mahimbing ang tulog sa tabi ko. Payapa ang bawat paghinga niya. Wala itong saplot pang-itaas at ganoon din ako. Napasinghap ako. Madali kong hinanap ang nighties ko. Nang makita iyon sa malayong sahig ay deretso akong tumayo at pinulot iyon. Mabilisan ko iyong isinuot. Sunod kong hinanap ang g-string na suot ko lang kagabi. Ngunit hindi ko na iyon mahanap saan mang sulok ng kwarto ni Haris. Lumuhod na ako upang hanapin sa ilalim ng kama, pero wala roon kahit ang anino nito. Nasapo ko ang bibi

