CHAPTER 43 Isang malakas na sampal ang lumagapak sa mukha ni Haris— iyon ang naabutan ko nang makarating ako sa hallway ng Emergency Room. Wala sa sarili nang mapahinto ako sa paglalakad at kaagad na tinakpan ang bibig. Nanlalaki ang mga mata ko habang maiging pinagmamasdan si Benjamin. Galit na galit ang kaniyang mukha, walang kapatawaran ang pagpupuyos nito. Kulang na lang ay tumagos sa likod ni Haris ang mga mata niyang nanlilisik. Ngayon ko lang siya nakitang ganiyan, sadyang nakakatakot. Kaya hindi ko rin magawang lumapit sa pwesto nila. Hindi ako gumagalaw, o kahit ang huminga sa takot na baka mabaling ang atensyon niya sa akin. Samantala ay tahimik lang din si Haris. Nakayuko siya, tila buong pusong tinatanggap ang galit ng kaniyang ama. Nakatalikod ito sa gawi ko dahilan para h

