CHAPTER 42 Higit tatlong oras siguro akong tumambay sa Memorials Park. Nang magtanghali ay kumain lang ako sa isang fast food chain bago bumalik ng school. Nagpunta ako sa bilyaran kung saan ako madalas na tumatambay lalo kapag vacant time. As usual, hindi lang estudyante sa school namin ang naroon. Halu-halo at sa iba't-ibang school galing. Naupo ako sa isang stool at tahimik na pinapanood ang mga tao sa kabuuan ng bilyaran. Walang pumapansin sa akin, o siguro ay hindi pa nila ako nakikita. Pero sa ganoong lagay ko na-realize na mas maganda na iyong ganito. Iyong hindi ka napapansin, hindi ka kilala at hindi napag-uusapan. Nabigyan ko ng importansya iyong katahimikan at kapayaan sa paligid ko— and I'm loving it. Kakaiba sa pakiramdam na parang normal lang ang lahat sa 'yo, na walang d

