KABANATA 17

2531 Words
Hindi ko alam kung tamang ideya ba talaga na pumayag akong pumunta dito o hindi. May parte sa akin na pinagsisisihan, may parte din sa akin na hindi. Gustuhin ko man umatras ay may isang tao na umaasa sa akin at si Nilus 'yon. Ayoko siyang biguin sa maling desisyon. At kung gagawin ko man 'yon, tiyak na huling pagkakataon ko na ito. Wala nang matitira sa akin sa oras na sasayangin ko pa ito. Taos-puso kong tinatanggap ang matalim, punung-puno ng galit at pagkamuhi ang mga mata na ibinabato ni Madame Tarrah sa aking direksyon. Gustuhin mang bumigay ang aking mga binti dahil sa sobrang takot ay pilit ko 'yon nilalabanan. Ayokong magpatinag. Hindi puwede na aatras ako sa laban na ito na hindi pa nalaban - na wala pa akong nagagawa para sa lalaking mahal ko. "Mama..." pinukaw ni Nilus ang atensyon ng kaniyang ina. Dahan-dahang nailing si Madame Tarrah, sinisink in pa niya ang ibinunyag ni Nilus sa kaniya, na kasal na kami. "Mali ang nadinig ko, Nilus, hindi ba? W-wife? Oh no, child... Don't throw some bad jokes here." natatawa niyang sabi. Pilit 'yon. "Mama, this is not a joke-" "Well, it's not funny!" hindi niya mapigilang tumaas ang kaniyang boses. He sighs. "Mama, please..." "Don't joke around here, Nilus. In front of your titos and titas... In front of your cousins. Don't give us such a humiliation." mariin niyang sambit. Napako ang tingin niya sa akin. "Alam kong alam mo na kahit kailan ay hinding hindi ko matatanggap ang babaeng 'yan sa pamilya ko... Sa pamilya natin!" Pumikit ako ng mariin. Lumunok ako. Tinatanggap ko ang bawat na matatalim na salita laban sa akin. Pinili kong tanggapin 'yon kahit masakit na sa aking kaibuturan. Kahit na ramdam ko na ang mga matatalim na punyal na ilang beses na bumabaon sa aking puso ay ikinalulugod ko 'yon tatanggapin. "Her mother wished to be a Hochengco for once! Now, she's using her own daughter to fulfill her dream!" hindi na niya makontrol na tumaas ang kaniyang boses. Sapat na marinig ng lahat ng tao sa buong silid. "Hindi mo pa ba nakikita, Nilus? Mas pipiliin mo bang maging bulag sa babaeng 'yan? She will take her advantage para mapaikot ka lang sa mga palad niya!" "Nagkakamali ka, mama. Hindi magagawa ni Janella ang bagay na 'yon." seryosong wika ni Nilus, sa kabila ng galit ay pinili pa rin niyang maging makapagkumbaba at respetuhin ang kaniyang ina. Bumaling sa akin si Madame Tarrah, humakbang siya palapit sa akin na siya naman ang pag-atras ko. Dinuro niya ako. "At ikaw! Hindi ba't engaged ka na kay Ardis Hoffman? Bakit? Nabigo ka ba dahil hindi mo rin siya napaikot kaya sa anak ko naman ikaw dumapo? Ha! Kung ano talaga ang puno, siya din ag bunga! Pareho lang kayo ng ina mo, mga malalandi! Mga hindi marunong makuntento!" "Tarrah, tama na." biglang awat sa amin ni Madame Inez. Pumagitna naman si Madame Naya sa amin. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Bakit ganoon? Wala naman akong ginawang masama pero bakit ako ang humarap sa matinding galit at matatalim na akusa na hind namna dapat sa akin? Bakit ako ang sasalo ng lahat ng mga ito? Ramdam ko na ang pamumuong luha sa aking mga mata. Hindi ko alintana na marahas 'yon tumulo at umagos 'yon sa aking mga pisngi. Habang tumatagal ako dito, ay unti-unting pinapatay ang puso ko. Nanghihina ako ng husto sa mga narinig ko. HIndi ko akalain na ganito pala itinanim ni Corrine sa pamilyang Hochengco. Kinagat ko ang akinh dila para hindi humagulhol sa harap nila. "If you don't have to say, just get outta of my face, now!" sabi niya sa akin. "Janella..." nag-aalalang lumapit sa akin si Nilus. "Let's-" Bago man niya ako tuluyang hawakan ay kusang bumagsak ang mga tuhod ko sa sahig. Rinig ko ang pagsinghap nila sa ginawa ko. Inilapat ko din ang mga palad ko sa marmol. "Janella!" hindi makapaniwalang tawag ni Nilus. Alam ko pati siya ay nagulat sa inakto ko. Pilit niya akong tumayo. Ngunit hindi ako nagpatinag. Inangat ko ang aking tingin sa kanila. Kahit natitira kong lakas ay tiningnan ko si Madame Tarrah. Gulat din siyang tumingin sa akin. Hindi inaasahan sa ginawa ko. I know I maybe look pathetic and ultimately disaster right now. I know the begging someone for anything is an insult to myself and my dignity pero nabablangko na ako sa lagay kong ito. Lahat ng gusto ko sanang sabihin sa kanila ay bigla na lang naglaho. Pero kukunin ko pa rin ang tsansa na ito kung ayaw kong magsisi sa huli. "Ha! What are you doing? Trying to convince me? Trying to win my son from me?" dagdag pa niya sa panunuyang tono. Mas sumeryoso ang tingin niya sa akin. I saw how she clenched her fist. She's holding back kung anuman ang gusto niyang gawin o sabihin sa akin. "Stop trying, You will never change my mind, I'm telling you." "Madame Hochengco..." mahina kong panimula. "I understand your wrath for my mother... For me. But please, hayaan ninyo po sanang patunayan ang sarili ko sa inyo... Kaya kong ipakita na maganda ang intensyon ko kay Nilus... Kahit kailan, hinding hindi ko magawa ang mga bagay na tingin ninyo sa akin." Hindi siya sumagot. Nanatili pa ring matalim na mata sa akin. Kahit ganoon ay nagpatuloy ako. "I was naive as a teenager... I was young when I realized I fell for him until I learned it's wrong. Na bawal pala akong mahulog sa isang tulad niya. Believe me, ma'm... I tried. I tried so hard to get off him on my head. Na burahin siya sa sistema ko. Pero..." walang humpay ang pagtulo ng aking mga luha. "He was there. Kahit saan ako magpunta, kahit napadpad man ako sa malayo para makalimot... Kahit na itinamin ko na sa isipan ko na tatanggapin ko ang katotohanan na hindi nga siya ang para sa akin... Tatanggapin ko kung makita ko siya na may kasamang iba... Pero sa huli, siya at siya pa rin..." She smirked and shifted her eyes on another direction. "Unbelievable!" pero ibinalik din niya sa akin ang tingin. "Lumayo ka man din, bakit hindi mo pa lubus-lubusin?! Para hindi ka maabutan ng anak ko?! Ang sabihin mo, kaya ka nagpakita ulit para akitin siya!" may namumuo nang mga luha sa kaniyang mga mata. "Sana hindi ka na lang nagpakita pa! Sana hindi mo ipinakita sa kaniya na may pag-asa pa! Sa gayon, hinding hindi ka na niya mahabol pa!" "Madame..." "And if there's a way to for him forget you, to fix him to another girl out there, I will! Matatanggap ko pa ang iba kaysa sa iyo! Not you! Not a daughter of that b***h! Not a daugther who made my life miserable wayback then!" Nanatili pa ring tahimik ang buong paligid. Mas tumaas ang tensyon sa pagitan naming lahat. Yumuko ako. Pumikit ng mariin. Sa nakikita ko ngayon, parang nawawalan na ako ng pag-asa. Kung ano pa ba ang kulang para matunayan ko pa na hinding hindi ko gagawan ng kasamaan ang kanilang anak. Pero sinisigaw ng aking isipan na tama na. There's nothing change. Walang nang pag-asa pa. Pakiramdam ko ay nilalamon na ako ng dilim sa puntong ito. Ngunit may isang pares ng mga kamay ang dumapo sa aking mga braso. Pinilit akong tumayo ng tuwid. Kusang sumunod ang katawan ko. Agad ko tiningnan si Nilus na nanatili pa rin sa aking tabi. Wala akong mabasang ekspresyon sa kaniyang mukha, tanging malalamig na mata lamang. Diretso ang tingin niya sa kaniyang mga magulang. "Nilus," tawag ni Madame Tarrah sa kaniya, nahihimigan ko ang pagbabanta sa kaniyang boses. "Kung maghihiwalay man kami, kamatayan ang sagot sa hinihingi mo sa amin, mama. I'm willing to die with her." "Ahia!" hindi makapaniwalang tawag ni Vesna. "What the..." "I understand how painful is in your past. I know this will break your heart. But this is my decisions. I could never imagine without her, mama, baba. Her absence in years haunts me and I'm drowning in a sea of sadness. I don't think if I will survive if I lose her again." Kinagat ko ang aking labi, kahit na walang humpay ang aking mga luha ay sinikap ko pa rin siyang tingnan. Nang inilipat ko na 'yon sa mga magulang niya ay kita ko kung papaano namumula na ang mga mata ng kaniyang ina. "Mama, I'm happy because I saw how you were in love with baba until now. Your love inspires me to love someone, too. But, you made my heart shattered." mapait siyang ngumiti. "Now she's here with me again, she made me feel alive and whole again just like before." Sa binitawan niyang salita ay napasapo ng bibig ang kaniyang ina. Na parang may narealize siya. Napapikit siya ng mariin at yumuko. Hinagod ni Sir Kalous ang likod niya bilang comfort. "I'm sorry to hurt you, mama... Baba... I'm so sorry for being a jerk but you know how I love, admire and respect you without hesitation. But this woman will be my wife, to spend my rest of my life with and no matter what life throws at us, I will be by her side, always. Just like what baba did to you." "Nilus..." humahagulhol na tawag ni Madame Taraah. "If you disowned me, I understand-" Biglang nagbukas ang pinto ng Dining Hall. Lahat kami ay napatingin doon. Kahit nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luha ay naaninag ko pa rin kung sino ang mga bagong dating. Ang mga Hoffman! "Oh my! Anong nangyayari?" hindi mapaniwalag bulalas ni Madame Elene. Iginala niya ang kaniyang paningin sa buong silid. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako. "Janella!" "Janella!" Ardis echoed. Hindi siya nagdalawang-isip na daluhan ako. Hindi ako umasa sa tulong niya. Tumayo ng ako tuwid. Pinalis ang mga kumawalang luha sa akinh mga pisngi. Yumuko ako, mas humigpit ang hawak ni Nilus sa akin. Hinarang pa niya ang kaniyang sarili bago man ako tuluyang malapitan ni Ardis. "Anong ganap dito? Hello?" sunod na tanong ni Madame Elene. Walang sumagot. "Oh, I think I get it na." saka bumaling kay Madame Tarrah. "Ang akala ko pa naman magkakasiyahan tayo, bakit may dramahan na nangyari, aber?" "Elene..." saway sa kaniya ni Madame Naya. Nagbuntong-hininga siya. Tumingin siya sa akin na namumungay ang mga mata. "Janella, don't tell me you're begging, not to fight for your love?" "Madame..." ang tanging nasabi ko. Dahil totoo. "Tarrah, naiitindihan ko ang nararamdaman mo..." "Stay out of this business, Elene." malamig na sabi ni Madame Tarrah. "Oh yeah, right. It's none of my business." may halong panunuya 'yon. "Pero... Hahayaan mo bang lumuhod talaga ang nanay ng magiging apo... mo? Ninyo ni Kalous?" Kita ko kung papaano nanlaki ang mga mata ni Madame Tarrah at Sir Kalous sa balita na 'yon. Nagkatinginan kami ni Nilus. Tulad ng kaniyang mga magulang ay nawindang din kami. Sunod namin tiningnan si Ardis na nakangiwi. Teka, saan naman nakuha ni Madame Elene na buntis ako kahit hindi naman? Ano bang binabalak niya? Naniningkit ang mga mata ni Madame Elene. "How heartless..." she said cooly. Hinawi ang paitaas ang buhok nito. Inayos ang hand bag na nakasublit sa isa niyang braso. "N-no..." nanghihinang wika ni Madame Tarrah sa rebelasyon na narinig. Hindi maitago ang panlulumo. Daig pang pinagsaklunan ng langit at lupa. Agad siyang inaalalayan ni Sir Kalous sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilang balikat niya. "This... Can't be." Napagawi ang tingin ko ka Vesna. Bakas din sa mukha niya ang hindi makapaniwala. Sapo-sapo ang kaniyang bibig. "Oh no..." she mouthed. Mas lumapit pa si Madame Elene kay Madame Tarrah. May inabot siyang bagay - isang bagay na makakapagpatunay na nagdadalangtao nga ako. Nang makita 'yon ng magulang ni Nilus ay mas lalo sila hind makapaniwala. Kita kung papaano mas nanlumo si Madame Tarrah sa nakita. Humigpit ang pagkahawak niya sa pregnancy test. Nangingnig ang kamay niya. Kasabay na parang pinipiga ang puso sa aking nasaksihan. "Tarrah, I have known Janella for years. Iisa lang ang masasabi ko. Napakabait niyang bata. Marami siyang pangarap sa buhay. Pero sa kabila ng trato na ipinakita mo sa kaniya dati, ni minsan ay wala akong narinig na maghihiganti siya. Instead, she worked very hard. You know why?" mapait siyang ngumiti. "Because she want to know her worth, if she's deserving for your son. Na balang araw ay matatanggap mo din siya." Napatulala si Madame Tarrah sa sinabi ni Madame Elene. Napasinghap ako. Parang nadudurog ako sa sinabi niya. Ni minsan ay hindi ko nasabi kay Madame Elene tungkol doon pero hindi ko rin akalain na napansin niya ang lahat ng ginagawa ko, ang kinikilos ko, ang pagsusumikap ko para makapagtapos at makapagtrabaho balang araw. "Yes, it takes time to heal your wounds but forgive others, Tarrah. Not because they deserve forgiveness, but because you deserve peace." Hindi makaimik si Madame Tarrah. "Malayong malayo siya kay Corrine. Kung dati ay ginamit niya si Janella habang pinagbubuntis niya ito para maging Hochengco siya, ngayon, si Janella, naging Hochengco dahil mahal na mahal niya talaga si Nilus. See the difference?" Nanatili silang tahimik. Parang hindi na ako makahinga pa. "E-excuse me..." hindi ko na mapigilan pa na sabihin 'yon. Walang sabi na halos tumakbo ako paalis sa malawak na silid na ito. Rinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Nilus pero binalewala ko 'yon. Hindi ko na kaya pa. Parang sasabog na ang puso ko sa lahat ng emosyon na pilit kong itinatago. Hindi ko na rin nakayanan ang hindi namamatay na tensyon sa loob. Para akong isang kriminal na hinihintay ang paghatol sa akin. Napadpad na ako sa hallway kung nasaan ang entrada ng mansyon na ito ay may humuli ng isang kamay ko. Napatigil ako at tiningnan kung sino 'yon. Si Nilus. Wearing his cold and dark eyes. He looks dominant and weary. "Where are you going?" bahid ang kaseryosohan sa kaniyang boses nang tanungin niya 'yon. "Nilus..." nanghihina kong tawag sa kaniya. "Natatakot na ako..." ramdam ko na naman ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. "You said were going to face this together." "I know. Pero, parang pakiramdam ko kasi... Kahit anong laban natin, hinding hindi tayo mananalo." Marahan niya akong hinatak palapit sa kaniya hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko sa kaniyang mga bisig. Niyakap ko din siya pabalik pero sige pa rin ang pag-agos ng mga luha. "Let's give them time, Janella. Hanggang sa matanggap na nila tayo." "I can't exist without you, Nilus..." I said breathlessly. "Imagining a life without you is impossible. You make me complete." Mas humigpit ang pagkayakap niya sa akin, sabay masuyo niyang hinaplos ang aking buhok. "Basta huwag kang bumitaw sa akin, affinity. Huwag na huwag." Kahit na nasa ganitong posisyon pa rin kami, nagawa ko pa rin tumango. "Janella? Nilus?" Nang marinig kaming boses ng isang babae. Sabay kaming kumalas mula sa pagkayakap sa isa't isa para makita ang babaeng tumawag sa amin. Si Madame Elene. Nag-iisa lang siya. Hindi ko inaasahan na nagawa niya kaming sundan dito. "Ninang..." ani Nilus. "Madame..." sabi ko. "We need to talk. Two of you. Shall we?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD