KABANATA 16

2452 Words
Ilang minuto pa ang dumaan, isang nakakabinging katahimikan ang naghari sa pagitan naming tatlo. Medyo nakakaramdam na ako ng awkward, hindi daw sa sinabi ko. Siguro sa presensya ni Vesna sa harap ko. Alam kong hindi siya makapaniwala na maririnig niya ang mga kataga na 'yon mula sa anak ng babaeng kinamumuhian ng kanilang ina at naiitindihan ko 'yon. Hindi ko rin siya masisisi. Sa katunayan nga ay napaka-imposible naman talaga. Lalo na't ipinapakita sa akin na hindi magtatagal ang relasyon naming dalawa. Pero tulad ng binitawan kong pangako ay Nilus, ipaglalaban ko siya. Na haharapin ko ang pamilya niya - kahit pa ang buong angkan nila, mapatunayan ko lang kung gaano ko siya kamahal. Malaki rin ang ipinagpapasalamat ko dahil dumating na rin ang pagkain na inorder. Pero dahil sa tahimik pa rin kami, tanging tunog mula sa mga kurbyertos ang tanging naririnig ko na umaalingawngaw sa buong silid. Subalit pansin ko pa rin ang pagtitig sa akin ni Vesna. Kahit ganoon ay umakto ako na normal lang, na hindi apektado sa sitwasyon na kinahaharap namin. Nang umalis na ulit ang waiter ay sinimulan na namin kumain. Pansin ko na kaunti lang ang inorder o kakainin niya. Siguro ay dahil concious siya since she's a model and maintaining her body and weight is her thing. "What's your plan once you graduate? Where do you settle after?" biglang tanong ni Vesna sa gitna ng pagkain namin. Natigilan ako sa biglaan niyang tanong. Bago ko man sagutin 'yon ay sumulyap ako kay Nilus. Ginawaran niya ako ng ngiti, sinasabi na magiging maayos din. Tinanggap ko 'yon. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. Ngumiti ako. "I'm planning to settle here in Philippines." pormal kog sagot. Tumango ito. "I see." saka ginalaw na niya ang kaniyang pagkain. Muli na naman nayanig ang katahimikan. Ang akala ko ay 'yon na 'yon. "Saan sa Poland kayo nagpakasal? Do you have any pictures there? May I see?" sunud-sunod niyang tanong na hindi ko na inaasahan. Suminghap ako. Napatuwid ako ng upo. Medyo aligaga kong inilabas ang aking cellphone mula sa aking bag. Ipinakita ko din sa kaniya ang mga litrato namin noong ikinasal kami. Tinanggap niya 'yon at tiningnan ang mga litrato. "Sa... Warsaw. It's just a civil wedding. Wala na rin kaming time na maghanda para sa church wedding-" "Oh! There's still a chance!" medyo bulalas niya. Anong ibig sabihin niya doon? "Chance of what?" hindi na mapigilang magsalita ni Nilus. Tumingin siya sa amin saka ibinalik ang aking telepono. "Chance to witness your another wedding, ahia! Pwede naman siguro kayo magpakasal ulit dito mismo sa Pilipinas, hindi ba?" she smirked. "Well, ilang beses ko na pinag-isipan ito." Naniningkit ang mga mata niya sa kapatid. "Ang alin?" "To help you out. To get mama and baba's blessing to both of you!" "Vesna..." I'm out of words. Mula sa pagiging excited ay sumeryoso ang kaniyang mukha. Kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. "It can't be help. Mukhang mahal ninyo ang isa't isa. At isa pa, wala naman talaga kayo kinalaman sa away sa pagitan ng mga magulang natin. Labas na tayo doon anyway." mapait siyang ngumiti sa amin."Kahit alam nating masasaktan natin si mama sa desisyon ninyong ito." Pareho kami natahimik. Alam namin 'yon. Alam kong may masasagasaan kaming tao dahil sa ipinagbabawal na pag-ibig. Namumuo sa aking isipan na sa oras na malaman ni Madame Tarrah na nagpakasal ang kaniyang anak sa anak ng kinamumuhian niya, mas lalo titindi ang galit at pagkadisgusto niya sa akin. Na dadagdagan ko ang sugat sa kaniyang puso. Na hanggang kamatayan ay dala-dala ko ang konsensya na 'yon. Pagkatapos namin kumain ay nagpasya na kaming umalis na agad para daw makapagpahinga na ako. I realized she's very considerate and I appreciate that. Wala na akong panahon na mamangha sa kuwarto na pina-book ni Nilus. Agad kong inilabas ang mga damit pamalit sa aking travel bag. I badly want a shower since I was in flight. Hinayaan ko lang ang asaw ako kung ano ang gagawin niya but I saw him taking a call and talking with someone over the phone. I don't mind it. Base rin naman sa narinig kong pag-uusap ay may kinalaman 'yon sa business. Halos nagtampisaw ako habang nasa banyo. Siguro dahil sa haba ng byahe, dagdag pa na ligong-ligo na ako. Pero dahil gusto ko na rin magpahinga ay binilisan ko na rin ang pagligo saka lumabas na nang nakabihis. Naabutan ko si Nilus na nakaupo sa gilid ng kama. He already removed his suit jacket and his necktie. The first two buttons of his polo shirt are already open. Tila naghihintay sa paglabas ko. Nang makita niya ako ay agad niya akong dinaluhan. Hinawakan ang magkabilang braso ko. "Matutulog ka na?" nakangiting tanong niya. "Yeah, why?" Umiling siya. Imbis ay marahan niya akong hinila. Bumalik sa pag-upo sa gilid ng malambot at malapad na kama. Pinaupo niya ako sa kaniyang kandungan, habang nakapulupot ang isang braso niya sa aking bewang, ang isa naman ay dumapo sa aking binti. Hindi maitago sa akin ang pagtatakang tingin. "I can't just believe what you have said to my sister." mahina ngunit nakangiting pag-amin niya. "And you made me happy." I smiled and cling my arms on his nape. "Because that's I have to do." saka idinikit ko ang aking noo sa kaniya. He said I love you and I answered I love him, too. Until I fall asleep in his arms. ** And that time has come. Tumulak na kami ni Nilus sa Batangas para sa meeting na gaganapin. Sinabi rin niya sa akin na kasalukuyang naroon ang kaniyang mga magulang at iilang kamag-anakan. Aaminin kong hindi nagkakandamayaw sa bilis ng t***k ng aking puso. Aaminin kong mas nangingibabaw ang kaba at takot sa aking sistema habang papalapit na kami sa sinasabing mansi Hindi ko lang inaasahan na isang isla pala ang aming pupuntahan - a private island to be exact. And there's a massive mansion in the middle. There's also a space for helicopter landing pad! Mayroon ding yate sa gilid ng isla. Napapaligiran ito ng mga ornamental plant at mga puno. Okay, alam kong mayaman naman talaga ang mga Hochengco, but this? I can imagine what power and influence they have hold! Sa paglapag ng helicopter ay natanaw ko na may iilang kalakihan na nakatayo, para bang inaasahan nila ang pagdating ni Nilus. Napagtanto ko na ang iba doon ay mga pinsan niyang lalaki. Meron din sa kanila na hindi ko kilala, o parang pamilyar sa akin. Naunang lumabas Nilus. Nang tumapak na siya sa helipad ay nilingon niya ako sabay lahad ang palad niya sa akin. Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin 'yon. I'm wearing a floral dress about my knees and a pair of white stilettos. Naka-braided updo din ang aking buhok. Sinadya ko talaga na ganito ang ayos ko dahil hindi basta-basta ang mga tao na kikitain at makakausap ko. Lumapit ang iilang lalaki kay Nilus. They greet him with fist bumps saka umakbay ang isa, animo'y ang tagal nilang hindi nagkikita-kita. Hawak naman niya ang isang kamay ko at marahan niya akong hinatak palayo sa helicopter. Hindi kami magkakaitindihan dahil sa ingay nito. "They're all waiting in the Dining, cous." nakangiting sabi ng isa sa mga pinsan niya nang tumuntog na kami sa hallway ng mansyon. Sa pagkakatanda ko, siya si Chancellor Hochengco. Bumaling siya sa akin at bahagyang tumango bilang pagbati niya sa akin. He looks formal when it comes to me and I understand. "I see," ang tanging kumento niya habang naglalakad kami sa patungo sa sinasabing Dining Hall. Lumipat ang kaniyang kamay sa aking bewang. May mga nakakasalubong din kaming mga kasambahay na pawang naka-uniporme. Nalalaman talaga na nagtatrabaho ang mga ito sa mga hindi lang basta-basta na mga tao. "Ahia," isang pamilyar na boses ang narinig namin sa likuran. Pareho kaming tumigil sa paglalakad at nilingon namin ang pinanggalingan ng boses. Si Vesna. She's wearing a black elegant dress with black high heels. Nakalugay ang kaniyang itim, makintab at mahabang buhok na hanggang dibdib. Mas lalo tumingkad ang kagandahan niya kahit simple lang ang make up niya. She looks elegant. Natural ang pamumula ng kaniyang mga pisngi. "Vesna," pormal na tawag ni Nilus sa kapatid. "Where's Carson by the way?" "Oh, he told me he can't come because he's busy in a hospital. Sunud-sunod din ang mga surgery niya So..." nagkibit-balikat siya. Tumingin siya sa akin. Tahimik lang siya. Pero parang sinasabi ng kaniyang mga mata ang suporta na ibibigay niya sa akin sa oras na makakaharap ko na ang kanilang ina. Ngumiti siya sabay sulyap kay Nilus. "Let's go? They're all waiting, lalo na sa pagdating ninyo..." nauna na siyang naglakad sa amin at sumunod na rin kami pati na din ang iba. Habang papalalpit ay tanaw ko na may dalawang lalaki na nakatayo sa magkabilang gilid ng pinto. Nang makita nila ang aming pagdating ay gumalaw na ang mga ito para pagbuksan na kami ng malaking pinto kung nasaan ang sinasabing Dining Hall. Umawang nang bahagya ang aking mga bibig nang bumungad sa amin ang loob ng Dining Hall. Puro puti ang nakikita ko. Mula sa wallpaper, mga muwebles, kahit ag marmol tiles nangingintab sa kalinisan at kaputian. Kahit ang mga kurtina ay light color din ang ginamit. Malaki pero eleganteng chandelier na magnanakaw talaga ng atensyon dito. It feels like were in a high class restaurant inside of a hotel or something. "Nilus!" isang babae ang dumalo sa aming direksyon. If I'm not mistaken, she's one of his cousins, Verity Ho? She's very active on her social media accounts that's why she's familiar to me. "Sa wakas, nagpakita ka na rin." "Hello, Verity." nakangiting bati niya. "Kompleto na ba kayo dito?" Ngumiwi siya. "Uhh, actually, hinihintay pa namin sina tito Kalous at tita Tarrah. Ang ibang parents nasa itaas pa, pababa na rin. On the way na rin ang mga 'yon." she glanced at me and give her sweet smile. "Ang mabuti pa, maupo na tayo para ayos na sa oras kapag dumating na sila." Okay, I'm speechless. Hindi ko inaasahan masyado ito. I can't contain my nervousness and I feel scared. Ang akala ko lang ay ang mismong parents ni Nilus at mga kapatid lang niya ang makakausap ko, pati rin pala ang mismong buong angkan nila?! Bakit walang sinabi si Nilus tungkol dito? Iginiya niya ako sa isang pabilog na mesa. Naroon rin nakaupo ang iba pa niyang pinsan na babae. Inlucing Verity. Tumingin ang mga ito sa akin. Ginawaran nila akong maliit na ngiti, atleast, hindi nila ako tuluyang na-snob o galit na galit sa akin. Kahit sa ganitong paraan man lang ay mapawi kahit kaunti ang kaba at takot na nararamdmaan ko sa mga oras na ito. Lumapit sa amin ang isa sa mga maid. Inilapag nila ang wine flute sa harap namin pagkatapos ay sinalinan nila 'yon ng red wine. "Oh, by the way. The Hoffmans are also invited." biglang sabi pa ni Verity sa aming tabi. Tila nanigas ako sa kinakatayuan ko. Ramdam ko ang panlalamig ng aking kalamnan. Ang plano ko sana ay makakausap ko sila sa oras na matapos na ako sa mga Hochengco. Pero ngayon? Na kasama nila? Sa araw na ito? Parang hindi ko na kakayanin! Iniisip ko pa lang kung ano ang magaganap ay labis na ang pangamba ko, ngayon pa magkasama silang lahat sa silid na ito? Naputol ang mga delusyon sa aking isipan nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Nilus sa aking kamay. Agad akong tumingin sa kaniya na parang nagulantang pa. "Are you alright, affinity?" may bahid na pag-aalala sa kaniyang boses nang tanungin 'yon. "A-ah, yeah." I tried to! Gustuhin ko man dugtungin 'yon ay hindi ko kaya. I divert my eyes on the wine flute infront of me. Kinuha ko 'yon saka uminom ng kaunti, nagbabakasakali na makatulong na pakalmahin ang aking sistema. Kakalapat palang nito sa aking labi ang alak ay narinig ko na ang muling pagbukas ng pinto ng silid. Ang lahat ay napatingin doon. Napatingin rin ako doon. Kita ko kung papaano pumasok ang mga magulang ng mga pinsan ni Nilus. Including the Grande Patriarch of the clan as a whole, Mr. Keiran Dimitri Hochengco and his wife, Atty. Nayana Hochengco! Napalunok pa ako lalo nang makita ko din ang mga magulang nina Verity, Chancellor Hochengco at ng iba pa. Maliban sa mga Hoffman at sa mga magulang nina Nilus at Vesna. Ngayon palang ay umahon na ang mga negatibong pakiramdam. I can sense how dominant, elagant and classy in their own way. Papaano pa kaya kung mismong magulang ng magkapatid ang lilitaw sa aking paningin? Ang akala ko talaga late na sina Sir Kalous at Madame Tarrah pero nakahabol sila. Madame Tarrah's hand cling into Sir Kalous' arm. Elegante silang naglalakad at dinaluhan ang mga nakakatandang Hochengco. Parang kakapusin na ako ng hininga sa lagay kong ito! Pwede bang tumakbo na lang ako? Maaari bang umatras ako ngayon? Hindi pwede, Janella! You need to face them! You have to fight! "Stay here, I'll be back." bulong ni Nilus bago niya ako iwan dito sa mga pinsan niyang babae na kasama ko rito sa bilugang mesa. Pinapanood ko siya kung papaano nila nilapitan ang kaniyang mga magulang para batiin. Nagbeso-beso sila ng kaniyang ina, Sa lagay na 'yan ay wala pa rin itong ideya sa presensya ko. "I thought you're in Europe, anak." nakangiting sabi ni Madame Tarrah sa panganay niyang anak. Ramdam ko si Vesna na tumabi sa akin. Nakahalukipkip siya. "He's going to introduce you in this clan, Janella." bulong niya sa akin. "I cancel all my appointments just for this special day, mama." pormal niyang usal. Umukit ang pagkalito sa mukha nito. "Special day? What are you saying is...?" Marahan akong itinulak ni Vesna. "Go. Fight your love infront of us, Janella." muli niyang sabi sa mahinang boses. Tila napukaw ko ang atensyon nilang lahat. Nakatingin silang lahat sa akin, including his parents. Kita ko kung papaano umiba ang ekspresyon ng mukha ni Madame Tarrah, samantalang si Sir Kalous ay nagbuntong-hininga at yumuko. Dahil d'yan, tila may mga ugat na nakapulupot sa mga paa ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko magawang lumapit. At mukhang napansin 'yon ni Nilus kaya agad niya akong nilapitan. Marahan niyang hinawakan ang isa kong kamay at bewang. Iginiya niya hanggang nasa mismong harap ko na sila. Parang tumigil sa pagtibok ng aking puso, kakapusin ng hininga, parang hihimatayin na ako sa intesidad ng kanilang presensya! "What's the meaning of this, Nilus Garbiel?" matigas na tanong ni Madame Tarrah. "I want to introduce this woman to you, mama, baba... The love of my life, the woman who I want to spend my lifetime with. She's my wife..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD