Simulang nagbitaw ako ng matinding desisyon, alam kong hindi magiging madali sa aming dalawa. Alam kong malaking posibilidad ang matinding pagdisgusto ng pamilya niya sa relasyon na meron sa amin ni Nilus.
Kahit ganoon ay paninindigan ko. Na sasamahan ko na ang taong pinakamamahal ko sa laban na ito. Na gagawin ko ang lahat para matupad ko ang pangakong binitawan ko sa mismong harap niya. Ramdam ko na kapag aatras pa ako ngayon, hinding hindi na ako mabibigyan ng isa pang pagkakataon para itama ang mga mali na nagawa ko noong una - ang pagkakamali mula sa nakaraan, itatama ko.
Pero hindi muna sa ngayon.
Itiniklop ko ang hawak kong libro saka isinauli ko na 'yon sa bookshelf na pinagkuhaan ko tutal ay tapos na ako sa assignment at iilan pang paperworks. Umalis din ako di kalaunan sa library.
Medyo nagmamadali ako dahil alam kong may nahihintay sa akin at hindi na rin ako makapaghintay na makausap siya. Hindi ako makapaghintay na ikwento sa kaniya ang mga naganap ngayong araw. Gusto ko rin malaman ang tungkol sa nangyari sa araw niya.
Nang nakarating na ako sa apartment unit ay agad ko ipinatong ang aking bag sa couch. Dumiretso ako sa cabinet para kumuha ng mga damit pamalit, pagkatapos ay mabilis akong tumungo sa banyo para maligo. Hindi na ako nag-orasyon dahil na rin sa pagmamadali. Siguro mamaya na lang bago matulog. It's just a quick shower.
Halos patakbo ako nang nakalabas na ng banyo. Nakabihis na ako. It's just a simple shirt and pajama. Nasa buhok ko pa ang tuwalya habang nagpapatuyo. Mabilis ko naman tinungo ang kusina para kunin ang dinner ko galing ref saka inilipat ko 'yon sa loob microwave. Pinindot ko ang timer.
Habang naghihintay ay binuksan ko na ang aking laptop. Nang okay na ay naglog-in na agad ako sa aking f*******: account. Pinuntahan ko ang messages. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko na online siya. Kinagat ko ang aking labi nang na-click ko ang pangalan niya doon then I composed a message.
To Nilus Ho :
Hey, I'm home!
Narinig ko ang tunog mula sa microwave, means okay na ang pagkain. Dinaluhan ko 'yon. Inilabas ko ang pagkain na suot ang mitten gloves. Mabilis ko 'yon inilipat sa counter, sakto na tumatawag na din siya. Dahil din sa excitement ay hindi ko na nabuksan ang pagkain ko. Mas inuna kong sagutin ang video call galing sa kaniya.
Tumambad sa akin ang guwapong nilalang na nangangalang Nilus Grabiel Hochengco. Naaninag ko pa rin siya kahit medyo dim na ang kuwarto niya ngayon. Kumsabagay, alas siete na dito ng Lunes. Samantalang sa Pilipinas ay ala una na ng Martes.
"Affinity. . ." tawag niya sa akin sa mapapagitan ng mababang boses. "Welcome home."
Hindi mawala ang matamis na ngiti sa aking mga labi. Ewan ko, siguro ganito talaga kapag in love ka. Wala pa naman siyang sinasabi o ginagawa, napapangiti ka na lang na parang ewan.
"Wala ka nang gagawin? About work?" tanong ko. Inaabot ko din ang pagkain ko para buksan na't kainin.
"Yup. Tapos na ako sa mga gagawin. Pinag-aralan ko na rin ang mga proposal. Iilan lang ang na-approved ko." tumigil siya sa sa pagsasalita saglit. "Okay ka na d'yan sa pagkain mo?"
Tumango ako habang kinakain ko ang pasta na ginawa ko. "Oo naman. Hindi ako kumakain ng marami dahil gabi na."Ikaw ba? Kumain ka na ba? Baka nagpapalipas ka na d'yan sa kakatrabaho mo."
Kita ko ang pagngiti niya. "Yes, affinity. Kumain na ako. Huwag ka mag-alala. So, how's your day?"
"Okay naman. In fact, malapit na rin matapos ang mga paperworks at maipasa ko na rin sa Dean's office."
"Alright, anyway, pupunta ako d'yan by next month. Susunduin na kita."
Gumuhit na ang pagtataka sa aking mukha. "Next. . . Month?" I echoed.
"Yup. And we're going to meet them."
Sumeryoso ang mukha ko sa sinabi niya. Alam na alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Bigla tuloy ako napatingin sa aking daliri kung nasaan ang isang singsing.
Yeah, we're already married three months ago. Dito sa Poland. Naproseso namin nang maayos ang lahat ng requirements kaya wala kaming pinoproblema hanggang sa ikinasal kami. Noong huling punta niya dito at bago siya bumalik ng Pilipinas, nagpasya na kaming magpakasal na. Hindi dahil sa bugso ng damdamin, para mapatunayan namin na mali ang inaakala nila. Na hindi biro ang relasyon naming dalawa. Gayunpaman, mas nangingibabaw ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ni ultimong hindi ko na kaya na mapahiwalay na naman sa kaniya pero iba naman ang sitwasyon sa ngayon. Kailangan siya sa Pilipinas dahil sa kanilang negosyo.
"Are you ready, affinity? Just tell me if not, I can move-
"No, it's alright." bigla kong saad. "I'm fine with it."
"Are you sure?" he looks worried now. Para bang mali ang ginawa niya.
"
Ginawaran ko siya ng maliit na ngiti. "Yes, I'm very sure." saka sinulyapan ko ang picture frame na nakapatong lang din sa kitchen counter.
Wedding picture namin.
That was an intimate wedding. Tanging kaming dalawa lang. Wala kaming bisita, kahit sina Felka at Ardis ay walang kaalam-alam sa plano dahil biglaan lang din. Nalaman lang nila ilang linggo pa na nakalipas mula pagkatapos ng kasal. Tanda ko pa kung papaano sila nawindang nang sobra, lalo na si Felka. Well, hindi ko siya masisisi.
At isa pa, humingi ako ng pabor sa kanilang dalawa na huwag na huwag na muna nilang ilabas tungkol dito. Lalo na sa pamilya nila at paniguradong aabot ang balita na 'yon sa angkan ng mga Hochengco. And gladly, naitindihan naman nila kaya hanggang ngayon, malaki ang pasasalamat ko dahil hindi pa ito umabot sa angkan ng asawa ko.
"Just tell me the date para makapaghanda ako, ha?"
"Okay, affinity."
"Nilus," marahan kong tawag sa kaniya. Titig na titig ako sa screen ng laptop. Pinagmamasdan ko siya. Umaahon ang pagkamiss ko sa kaniya.
"Yes, Janella?"
Lumapad ang ngiti ko. Namumungay ang aking mga mata. "Mahal na mahal kita."
He chuckled. Kinagat niya ang kaniyang labi. He shifted his seat. "Ako ang dapat magsabi n'yan." muli siyang tumawa nang marahan. "I love you too, my wife."
Pagkatapos ng medyo mahabang usapan ay hindi ko na rin alintana na naubos ko na rin ang pagkain. Itiniklop ko na rin ang laptop. Nagligpit saka pumasok na rin sa kuwarto para ituloy na nag orasyon.
**
After twenty four hours flight. The plane were finally landed in Manila.
Ang usapan namin ni Nilus ay ilang araw lang ako maaaring mamalagi dito dahil balik-klase na ako sa Poland. Bukod d'yan ay kakaunti lang din ang dala kong gamit kaya hindi ako nahirapan. Another good thing is, sakto na may malaking event doon just like a foundation week kaya tama lang na ganitong pagkakataon ako makauwi. Si Felka naman ay may sariling tour kaya hindi siya makakasama sa akin pauwi dito sa Pilipinas.
Palinga-linga ako nang nakarating na ako sa Arrival Area. Ang sabi ni Nilus, siya daw mismo ang susundo sa akin dito sa Airport. Hinahanap ng mga mata ko ang bakas ng asawa ko.
Ilang beses ko nirereview sa isipan ko ang mga importante na gagawin ko sa oras na nakarating na ako dito sa Pilipinas. Bukod sa mga Hochengco, kailangan na kailangan ko din makita at makausap ang mga Hoffman. Alam kong malaking eskandalo ang mangyayari sa oras na malaman nilang kasal na ako kay Nilus at hindi kay Ardis. Dagdag pa sa konsensya ko na baka tuluyang masira ang pagkakaibaigan ang dalawang pamilya nang dahil sa akin. Hindi bale na maging masama ang tingin nila sa akin. Gusto ko patunayan na mali ang tingin nila sa akin.
Natigilan ako nang may isang pares ng braso na yumakap sa akin mula sa likod.
Agad kong nilingon kung sino 'yon. Hindi nga ako nagkakamali. Siya nga!
"Surprise!" natatawa niyang bati sa akin. "Welcome home, affinity."
Hindi ako sumagot. Marahan kong kinalas ang mga braso niya mula sa pagkayakap sa akin. Hinarap ko siya at ako naman ang yumakap sa kaniya sa bewang. Isang mahigpit na yakap 'yon. Sinubsob ko pa ang mukha ko sa kaniyang dibdib.
"I miss you." mahina kong sambit.
Muli niya ako niyakap sa ganoong posisyon. Ramdam ko na hinalikan pa niya ang aking buhok. "I miss you even more." he brushed my hair through his fingers. "I know you're tired and starving. I have already book a room in a nearby hotel. Let's go?" malumanay niyang aya sa akin.
Kumalas na ako mula sa pagkayakap sa kaniya. Tumango na rin biglang pagsang-ayon. Inakbayan na niya ako habang paalis na kami sa lugar na ito.
But I didn't expect that he book an expensive room in Okada! Ilang araw lang naman ako dito, hindi naman niya kailangang gumastos ng sobra. Kahit sa isang mumurahing inn lang ako, ayos na ako sa totoo lang! Sa kabila n'on, hindi ko rin maiwasan na mamangha pagpasok. Sa entrada pa lang ay naggagandahang chandelier, mga halaman at ilang mamahaling muwebles ang bumungad sa akin dito sa Lobby ng binnaggit niyang hotel.
"Stay here for a while, aasikasuhin ko muna ang pina-book ko." aniya.
Sumunod naman ako. Umupo ako sa isa sa mga couch ng lobby ng hotel and resort. Pinapanood ko lang si Nilus kung papaano lumapit sa reception at kinausap ito. Dala na rin ng pagod na nararamdaman, napasandal ako. Nakaramdam na rin ako ng gutom kahit na kumain na ako sa eroplano ay parang agad din binawi ang lakas ko.
Hindi rin nagtagal ay bumalik na si Nilus. Kita ko na hawak na niya ang key card habang naglalakad pabalik sa akin. Agad din ako tumayo saka sinuot ang aking travel bag. Oh, I feel stinky na dahil sa mahabang byahe! Hindi ko alam kung maliligo ba muna, matutulog o kakain.
"Let's go?" aya niya sabay masuyo niya akong iginiya patungo sa Hallway patungo sa kuwarto na pina-book niya.
"Nilus ahia?"
Pareho kaming natigilan nang may isang babaeng tumawag sa kaniya. Sabay din kami lumingon sa aming likuran kung saan nanggaling ang boses ng babae.
My lips parted when I saw Vesna Hochengco in front of me. Nakahalukipkip siya, tulad namin ay may gulat din sa mukha nang makita niya kaming magkasama. Naiitindihan ko din naman dahil ako mismo nagsabi kay Nilus na walang ibang makakaalam na kasal na kami. Saka na lang namin sasabihin sa kaniyang pamilya sa oras na handa akong harapin sila.
"Vesna, what are you doing here?" kaswal na tanong ni Nilus sa kapatid na babae.
"Sinamahan ko lang sina Charlton at Massimo dahil sa kliyente na kikitain nila dito. My co-model, actually." inilipat nito ang tingin sa akin. Punung-puno ng katanungan sa kaniyang mga mata, hindi lang niya masabi sa amin. Nabasa ko rin ang pagtataka sa mukha niya. Kinukwesyon ang aking presensya ngayon.
Inilapat ko ang aking tingin sa sahig ng Lobby. Bahagyang lumayo kay Nilus nang hindi sinasadya, alam kong magtataka siya sa ikinikilos ko. Sa lagay kong 'to, daig ko pang isang kabit na nahuli ng asawa! Nilagay ko din sa likuran ko ang aking kamay kung nasaan ang singsing. Sa oras na makita niya 'yon, malaking gulo ang mangyayari. Lalo na't nasa public place kami.
"Can we talk later? Ihahatid ko lang siya sa kuwarto, she need some rest and something to eat."
"Really?" may halong panunuya sa tono niya. "Since gutom na din ako, why don't' we find a restaurant together?"
"Vesna. . ." he give her a warning tone. "Not now, please."
"But, ahia. . . I promise, wala akong gagawin na masama!"
Bumaling ako kay Nilus para tingnan ang kaniyang ekspresyon. Parang hindi siya naniniwala sa sinasabi ng nakakabata niyang kapatid. Napalunok ako.
"N-no, it's okay." sabat ko bigla sa usapan ng magkapatid.
Sabay silang tumingin sa akin. Si Nilus ay nakakunot ang noo, samantalang si Vesna, ay malapad ang ngisi, just like a smile of victory.
Aapila sana ang kasama ko. "But. . ."
Mapait akong ngumiti. "Ayos lang talaga, I want to eat, too before getting some sleep from my long flight."
And we end up in a high end restaurant around here in Okada. Kumuha sila ng VIP room. Hinayaan ko na si Nilus na lang ang mag-order para sa akin dahil pakiramdam ko ay nauubos na din ang lahat ng lakas ko. Sa oras na matapos namin kumain at ang pag-uusap na ito ay matutulog na ako para makabawi ng lakas para sa mga susunod kong gagawin habang nandirito ako sa Pilipinas.
Nang umalis ang waiter para kunin ang aming order ay isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong silid. Nahuli ko na titig na titig si Vesna sa aming dalawa, para bang naghahanap siya ng mali sa amin para mapuna. Pero biglang lumapat ang tingin niya sa aking kamay. Nang napagtanto ko kung saan siya nakatingin ay aligaga kong itinago ang aking kamay sa ilalim ng mesa.
"So you're married, huh?" biglang sabi niya nang nakahalukipkip, isinandal ang likod niya sa kinauupuan niya. Hindi matanggal ang tingin niya sa amin. "Does mama and baba knows about it?"
"No." si Nilus mismo ang sumagot ng tanong.
Awtomatikong tumaas ang kilay ni Vesna sa narinig. "Secret wedding pala ang naganap. Oh well. . ." nakatuon ngayon sa akin ang tingin. "I probably sure, they will kíll you once they heard about this, especially mama."
Mabilis na hinawakan ni Nilus ang aking kamay. Mahigit ang pagkahawak niya doon, na parang ayaw niya akong bitawan anuman ang mangyari. "Wala na akong pakialam pa sa lahat, Vesna." seryoso at malamig na saad niya kaya napatingin ako sa kaniya, may halong pagkamangha at kaba para sa kaniya.
Napalunok ako. Humigpit din ang pagkahawak ko sa kamay niya bilang ganti. "I'm ready to face them, Vesna." bigla kong sabi.
Hindi maalis ang tingin niya sa akin. Tila inaabangan niya ang lahat ng sasabihin ko. Parang may hinihintay pa siya na isang salita na sasaihin ko.
"I'm ready to face their anger, their wrath, everything because I love your brother very much."
"Janella. . ." ani Nilus.
She slightly tilted her head. "How can you prove your love for him, then, Janella?"
Mas sumeryoso ang aking mukha. Diretso ang tingin ko sa kaniya. "I will fight for him, because he made me strong, Vesna." I paused to catch my breath. Because I slowly feel nervous right now."I will lay down my everything just to be with him. Because he worth it. Of love demands sacrifices, then, I don't mind. I'm willing to do it."
Nang matapos kong sabihin ang mga katagang 'yon ay kita ko kung papaano unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi at hindi ako sigurado kung para saan 'yon.