Chapter 46 - Lagusan ~Hemira~ "What the F*CK! Anong klaseng lugar 'to?!" sigaw ng isang tinig ng lalaki malapit lang sa amin at kilalang kilala ko ang kung kanino nanggaling iyon. Agad akong napalingon. Si Argyris! Bakit siya naririto?! Agad kong hinanap si Kirion dahil siya ang nagbabantay sa kaniya kanina lamang sa labas ngunit naririto siya at nakikipaglaban sa kapareho niyang nemean. Nasa likuran ko sila malayo sa akin kaya naman hindi ko sila napansin kanina. Kaya pala may narinig akong malakas na angil kanina na parang kay Kirion. Akala ko ay isa lamang iyon sa mga nabubuhay na kasama nila rito para kami'y paslangin. Agad ko na sanang lalapitan si Argyris na hindi makapaniwala sa kaniyang mga nakikita at sa lugar na ito kung nasasaan kami ngayon ngunit nanlaki ang aking mga

