Chapter 2

1265 Words
Chapter 2   "Hello, Red hair." Punyeta! Wala rin pala akong takas!   "H-hi," bati ko sabay ngiti ng pilit. "Ay shet, may sinasaing pa pala ako! Sige ha? Una na 'ko." Sabi ko at tinulak siya at naglakad na, pero hindi pa man ako nakakalayo hinila niya ang hood ng jacket ko.   "And where do you think you're going miss troublemaker?" Tanong niya.   "Pakawalan mo na 'ko mister purple hair." Sabi ko.   "No way, ibibigay kita sa pulis!" Sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.   "Tang ina, pagod na pagod ako kakatakbo para makatakas dun sa guard na yun tapos ibibigay mo lang ako sa pulis?! Bad trip!" Inis kong sabi.   Napangiwi naman siya. "You have a dirty mouth lady." Sabi niya.   "Ano? Hoy nag tootbrush ako!" Singhal ko.   Umikot ang mata niya. "Moron," sabi niya at hinawakan ng mahigpit ang dalawang braso ko at kinaladkad ako.   "Bitawan mo 'ko!" Sigaw ko habang nag pupumiglas.   "And why would i do that huh?" Tanong niya habang kinaladkad pa rin ako.   "Binabalaan kita bitawan mo ko." Pagbabanta ko.   "Oh, i'm scared." Sarcastic niyang sabi at patuloy lang sa pagkaladkad saakin. Pasensiyahan na mister, pero masyadong matigas ang ulo mo.   Tinapakan ko ang paa niya, take note binuhos ko ang buong lakas ko kaya sigurado ako, patay ang kuko mo koya. "AH! DAMN!" sigaw niya at nabitawan ang isa kong braso, kaya pinilit kong bawiin ang isa ko pang braso na hawak-hawak niya pero hindi ko magawa. Malakas siya.   "You think you can escape from me huh?" Sabi niya, mukhang naiirita na siya. "Sa tingin mo ba makakatakas sa sakin dahil sa pagtapak mo sa paa ko?!" Singhal niya.   "Mukhang hindi," sabi ko. "Pero dito sigurado ako makakatakas na ako." Nakangisi kong sabi, kumunot ang noo niya. "HAH!" sigaw ko at tinuhod ko siya sa where-it-hurts-the-most. Tuluyan na niya akong nabitawan at napaluhod siya sa sahig hawak-hawak ang kanyang precious.   "AARGH! DAMMIT! YOU'LL PAY FOR THIS!" sigaw niya habang namimilipit sa sakit.   Ngumisi ako. "Bye, see you never." Sabi ko at kumaripas na ng takbo.   Masyadong maraming nangyari ngayong araw na 'to. At masyado ring nakakagutom ang araw na 'to, sa palagay ko mukhang pinagod ko lang ang sarili ko. Sayang talaga yung chocolate e, letse.   Imbes na dumiretso ako sa apartment ko, dumiretso ako kina Cholo. Malapit lang naman ang bahay nila sa apartment na tinitirahan ko, at isa pa sila yung nag-papaupa nung apartment na tinutuluyan ko kaya mas nakakamura ako ng bayad dahil binibigyan ako ng discount ni nanay celly, ang nanay ni Cholo. Parang nanay at tatay na ang turing ko sa magulang ni Cholo dahil napakabait nila at sila ang natatakbuhan ko kapag nangangailangan ako.   "Rexenne," bungad saakin ni Cholo.   "Oy, cholo. Asan si nanay?" Tanong ko.   "Wala, umalis sila ni tatay." Sagot niya. "Mukhang pagod ka, pasok ka muna." Alok niya kaya pumasok naman ako. Actually kahit hindi niya ako alukin ay papasok ako.   "Kumain ka na?" Tanong niya.   "Hindi pa e," sagot ko.   Bumuntong hininga siya. "Ikaw talaga Rexenne, ano bang balak mong gawin sa buhay mo ha?! Bakit mo ginugutom ang sarili mo?" Sermon niya saakin. Natawa ako ng bahagya, ito talagang si Cholo oh. Ang OA, parang kapatid ko na 'tong si Cholo. Mabait 'to at maalaga, gwapo rin siya at maraming babae ang nagkakagusto sakanya. Ewan ko nga kung bakit wala pang shota to e.   "Tigil-tigilan mo nga ako Cholo, gutom ako." Sabi ko at umupo na sa harap ng mesa, inilapag niya naman sa harapan ko ang isang plato na may kanin at ulam. Tapos binigyan niya na rin ako ng tubig.   "The best ka talaga Cholo, kaya mahal kita e." Sabi ko at nagsimula ng kumain, mukhang nagulat siya sa sinabi ko. "M-mahal mo ako?" Hindi makapaniwala niyang tanong.   Tumango ako. "Oo, syempre naman. Para na kitang kapatid." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain. Sumimangot naman siya, ano bang problema nito? Bahala nga siya. Kakain na lang ako, gutom ako e.   Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko, ayaw nga ni Cholo na hugasan ko e. Kaso pinagbantaan ko siya na sasapakin ko siya kaya wala siyang nagawa.   "Cholo, salamat ha? Uwi na ko. Maliligo pa ko e. Ang baho ko na." Sabi ko.   Tumango siya. "Sige, ingat ka." Sabi niya.   "Sus, sila kamo ang mag-ingat sakin!" Sabi ko napailing na lang siya. Pumunta na ako sa apartment ko at dumiretso sa banyo, pagkatapos kong naligo ay nagbihis ako at pinatuyo sa electric fan ang buhok ko, sorry wala akong hair dryer, pooresa lang ako.   Matapos kong patuyuin ang buhok ko ay humiga na ako sa kama ko at tumingin sa kisameng puno ng agiw, hindi pa kasi ako nakakapag linis. May pasok na bukas at wala akong baon, paano kasi wala akong raket nitong mga nakaraang araw. Hindi na lang ako papasok bukas. Balita ko mayaman raw ang mga nag-aaral doon sa Geumsaek University, pumasok kaya ako doon at mandukot? Mayaman naman sila e.   Bahala na, kailangan kong mabuhay. Ayoko namang magbenta ng katawan para magka pera, gaya nung inaalok saakin ni jackie diyan sa kabilang apartment.   *   Tiniganan ko ang kabuuan ng GU, hanep ang gara ng school na 'to ah. Kung sanang hindi lang corrupt ang gobyerno edi sana hindi ako mahirap ngayon at siguro ay makakapag-aral ako dito sa GU.   Mukhang mahigpit ang security dito, kaya ako basta-basta makakapasok. Nagtingin-tingin ako sa paligid, at may nakita akong isang malaki at mataas na puno, ito na ang magiging daan ko. Magkatabi lang kasi ang malaking wall ng GU at ang puno. Mabuti na lang at simpleng itim na T-shirt lang ang suot ko at isang jeans. Hindi ko kasi hilig mag palda o dress, hindi bagay sa mga tulad kong rumaraket ang mga iyon. Inumpisahan ko ng akyatin ang puno, punyemas. Kung mamamatay ako sana mahanap ni Cholo ang bangkay ko at bigyan ako ng magandang burol. Hindi naman ako natatakot na mawala sa mundong 'to, mas mabuti pa nga iyon e. Hindi ko na kailangang mamroblema pa sa pang araw-araw na gastusin.   Nandito na ako ngayon sa tuktok ng puno at nakatapak ako sa mga sanga, sinilip ko ang loob ng GU. Wow, ang ganda dito. Walang binatbat yung eskwelahan na pinapasukan ko. At ang mga mag-aaral, mukhang mga mayayaman. Pero ang problema ko ay kung paano ako makakapasok dito? Alangan namang talunin ko edi paniguradong chugi ako. May nakita akong puno na nakatanim sa loob ng GU, magkasing taas lang sila ng punong kinatatayuan ko ngayon.   Buong tapang akong tumapak sa tuktok ng wall at kumapit doon sa sanga ng puno na nakatanim sa loob ng GU. Bandang huli ay nailipat na ako sa puno na nakatanim sa loob ng GU. Tumingin ako sa ilalim, ngayon lang ako nakaramdam ng lula. Pero bahala na, walang lula-lula ang uubra sa isang Rexenne Marie Mariano. Maingat akong bumaba ng puno.   Matapos ang madugong akyatan ay nakababa na ako sa GU, hindi ako napapansin ng mga estudyante dahil medyo nakatago ang puno na 'to.     "Babe, mmmm.." Napakunot ang noo ko nang may marinig akong ungol. Tumingin ako sa likod ko. Marami pa palang puno sa likod ko e.   "Babe, nakikiliti ako. Hihi." Malanding sabi nung babae. Sinundan ko kung saan nanggaling ang mga tunog na 'yon, hanggang sa mahagip ng mata ko si purple hair na hinahalikan sa leeg yung babae at nakapasok ang isang kamay niya sa loob ng T-shirt nung babae na nakasandal sa puno. Halos malaglag ang panga ko sa nakita ko. Mukhang pinaglalaruan ako ng tadhana, iniiwasan ko nga ang taong ito tapos magkikita nanaman kami ulit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD